"I'm home," ito ang sinabi ni Josh Richardson na panigurado ikatutuwa ng mga fans ng Miami Heat.
"I'm home," ito ang sinabi ni Josh Richardson na panigurado ikatutuwa ng mga fans ng Miami Heat.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong three-team sign-and-trade ni Grant Williams na nagdala sa kaniya sa Dallas Mavericks.
May dapat ngang ikatuwa ang mga fans ng Mavs nang maisagawa ng kanilang koponan na makuha si Williams sa pamamagitan ng isang sign-and-trade.
Iyon ay isang three-team sign-and-trade deal, kung saan nakuha ng Mavs si Williams mula sa Boston Celtics sa tulong ng San Antonio Spurs.
Nakuha ng Spurs si Reggie Bullock at isang 2030 unprotected pick swap sa Dallas, habang ang Celtics ay nakatanggap ng ilang mga second-round picks.
Pinapirma ng Mavs si Williams ng apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $53 million, mga KaTop Sports, na nagpapakita lang na ang Mavs ay gusto siyang makasama ng matagal, habang bumubuo ng isang contender na team sa paligid nina Luka Doncic at Kyrie Irving.
Ang makapagdagdag nga ng lalim sa kanilang wing ang isang malaking priorities ng Mavs, kaya naman kinuha nila si Williams, at gusto rin nilang makakuha pa ng isang big man.
Sa ngayon hindi pa natin alam kung ano ang sunod na gagawin ng Mavs, maliban sa pini-pursue nila na makuha si Matisse Thybulle na isang 3-and-D wing na isa nga sa kailangan nila.
At kailangan din nilang kumuha ng isang de kalibreng strating big man upang makumpleto na ang kanilang koponan at magkaroon na sila ng laban sa paparating na season.
At para naman sa sinabi ni Josh Richardson na "Im home," na tiyak na ikatutuwa ng mga fans ng Miami Heat, mga KaTop Sports.
May mahahalagang players nga ang Heat sa nakaraang season na wala na ngayon sa kanila dahil sa free agency.
Pero nakapagdagdag naman sila ng kailangan nila upang makasigurado na may laban pa rin sila sa paparating na season.
At isa na nga na naidagdag nila ay si Josh Richardson, na ngayon nga ay muling nakabalik sa Miami.
Pagkatapos nga ng season niya sa New Orleans Pelicans, nagtapos na rin ang kaniyang kontrata, kaya naman siya ay napasok sa free agency.
At siya ay pumirma ng dalawang taong kontrata sa Heat na nagkakahalaga ng $5.94 million, mga KaTop Sports.
Ang Miami ang nagdraft sa kaniya taong 2015, at apat na taon ng kaniyang career ay nagugol niya sa South Beach.
Sa naganap na introductory press conference ng Heat, nagpadala si Richardson ng isang nakaka-inspired na mensahe na tiyak na ikatutuwa ng kanilang mga fans.
Inilantad din niya na hindi pa niya binitawan ang bahay niya sa Miami na iniwan niya taong 2019.
Idineklara din niya sa kaniyang pagbabalik ang mga salitang, "I'm home right now," mga KaTop Sports.
Last season, siya ay nag-averaged ng 10.1 points, 2.4 rebounds, 1.6 assists at 1.3 steals, na nakakapagbuslo ng 1.4 triples per game, sa kaniyang 38.4 percent shooting sa tres.
Hindi nga siya isang star, pero maari siyang maging isang mababang investment para sa Heat na tama lang ang halaga.
At kailangan talaga ng Miami ang ganitong klase na mga players,mga KaTop Sports, na naging masaya sa kaniyang pagbalik sa kaniyang tahanan.
Dahil baka ito ang isang maging dahilan upang mag-emerge siya bilang isang mahalagang parte ng kanilang grupo sa susunod na season.
Comments
Post a Comment