Gustong makuha ng ibang koponan itong si Tyler Herro mula sa kamay ng Portland Trail Blazers sa pagtrade nila kay Damian Lillard.
Gustong makuha ng ibang koponan itong si Tyler Herro mula sa kamay ng Portland Trail Blazers sa pagtrade nila kay Damian Lillard.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong ginawang pagtapat ng Portland Trail Blazers sa kontratang ibinigay ng Dallas Mavericks kay Matisse Thybulle.
Habang pinabibigat nga ng Blazers ang kanilang options kay Damian Lillard, gusto rin nila na mai-secure ang isa sa kanilang young assets na si Thybulle.
Ang Mavs ay pinapirma si Thybulle na isang restricted free agent ng tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng $33 miilon.
At ang offer na ito ng Mavs kay Thybulle ay tinapatan ng Blazers ayon kay Adrian Wojnarowski, dahil plano raw ng Portland na panatilihin nila sa kanila si Thybulle, anoman ang magiging itsura ng kanilang roster para sa susunod na season.
Natanggap nga ng Portland si Thybulle mula sa Philadelphia 76ers bilang parte ng four-team trade no'ng February, mga KaTop Sports.
At siya ay naging starter ng Blazers sa lahat ng 22 games na inilaro niya at siya ay nag-averaged ng 7.4 points, 3.5 rebounds at 1.7 steals per game.
Siya ay isang elite na defender at aangkop talaga siya sa Portland para sa kanilang long-term plans, pero may chance din na lumipat na siya sa Mavs dahil sa ang Dallas ang may mas mataas na pag-asa na makapasok sa playoffs kaysa sa Blazers ngayon.
Si Thybulle ay two-time All-Defensive Second-Team player at may abilidad na bumantay sa iba't-ibang mga posisyon, kaya gusto ng Blazers na mag-stay siya sa kanila, sa kanilang starting lineup dahil nakita na nila ang halaga niya sa kanila last season.
May tira din sa tres itong si Thybulle, mga KaTop Sports, 33.4% shooter siya sa tres sa kaniyang career at 38.8% naman siya sa tres last season sa Blazers.
Nagkaroon na nga ng pagkakataon ang Mavs na makuha nila itong si Thybulle, subali't ngayon ay opisyal na siya ay mag-iistay pa rin sa koponan ng Portland Trail Blazers.
At para naman sa kagustuhan ng ibang teams na makuha si Herro sa Blazers sa pagtrade nila kay Lillard, mga KaTop Sports.
Isa nga sa nagiging dahilan kung bakit hindi pa natutuloy ang pagtrade ng Blazers kay Lillard ay dahil ayaw kunin ng Portland ang apat na taong kontrata ni Tyler Herro na nagkakahalaga ng $130 million.
Madali namang unawin ang Blazers kung bakit nag-aalangan sila dahil nga meron na silang Scoot Henderson at Anfernee Simons na pupuno ng majority ng minuto ng kanilang backcourt kapag nai-trade na si Lillard.
Kaya interesting talaga na mamonitor ang sitwasyon ni Herro ngayong offseason, lalo na't gusto talaga ni Lillard na sa Miami Heat lang ang kaniyang bagsak at wala nang iba pa.
At kapag nagdesisyon na ang Portland na i-trade na si Lillard sa Heat, mga KaTop Sports, maraming mga koponan nga ang nagkakainteres na kunin naman nila si Herro sa mga kamay ng Blazers.
Ayon kase kay Wojnarowski, ilang mga koponan ang nag-express ng kanilang intention na isuko ang kanilang first-round pick o higit pa makuha lamang nila si Herro sa Blazers.
At dahil sa mukhang magsasagawa ng rebuilding ang Blazers once na nai-trade na nila si Lillard, isang malaking bagay nga na ang maging kapalit niya ay si Herro.
At hindi na rin siguro manghihinayang pa ang Heat na mawala sa kanila si Herro dahil maganda naman ang inilaro nila sa playoffs, sa mga panahong hindi siya makapaglaro.
Pero huwag nating pagkamalian dahil ang bente tres anyos na si Herro ay isang talentadong combo guard player, mga KaTop Sports, at malaking dagdag siya para sa isang koponan na nangangailangan ng upgrade sa kanilang backcourt.
Sa 67 games na inilaro niya last season, siya ay nag-averaged ng 20.1 points, 5.4 rebounds at 4.2 assists, at naging steady talaga ang kaniyang production sa kaniyang pagiging starter sa lahat ng games at paglalaro ng maraming minuto.
At dahil sa bata pa siya, mga KaTop Sports, may posibilidad na siya ay lumago bilang isang de kalibreng All-Star player, at ang mga koponan na gaya ng Brooklyn Nets, New Orleans Pelicans o San Antonio Spurs ay kailangan ang isang gaya niya at sila ay maaring mag-offer sa Blazers ng isang attractive na package, lalo na at marami silang mga draft picks.
Comments
Post a Comment