Grant Williams sinabi ang katotohanan sa naging giriian nila ni Jimmy Butler nu'ng playoffs, at Kevin Durant nagsalita na patungkol sa pagkumpara ni Grant Williama sa kanilang dalawa ni Stephen Curry.



Una na nating pag-usapan, mga KaTop Sports, ang patungkol dito kay Kevin Durant.

Hindi nga naging masaya itong si Durant sa naging narrative ng isang critic patungkol sa naging pagkukumpara ni Williams sa kanilang dalawa ni Stephen Curry.

Sa isang podcast, sinabi ni Williams na si KD ay ang hardest person to guard sa liga at si Stephen Curry naman daw ang most impactful player sa isang koponan sa NBA.


At mas nakakatakot raw si Curry kapag hindi niya hawak ang bola kaysa sa hawak niya ang bola.

At naging viral nga ang sinabi na ito ni Williams, at marami sa mga fans at critics ang nagkomento, pero may isa sa mga iyon ang nakapukaw pansin kay KD, mga KaTop Sports.

Isang user na nagngangalang Tommy Gunn na kini-claim niya na siya ay taga NBA insider sa kaniyang bio ay isinulat na kung magwo-worry ka raw kay Steph on and off ball, ibig sabihin lang daw no'n na si Curry ang magiging hardest person to guard sa liga, at si KD daw ay ang most difficult to guard sa isolation.


Nakita ni Durant ang tweet at hindi niya iyon nagustuhan, partikular ang narrative na magaling lang daw siya bilang isolation player.

Inemphasized ni KD na kaya rin niyang maglaro off the ball, salungat sa sinasabi nga nitong si Tommy.

Kailangan na raw itigil ang pag-arte na parang hindi raw siya nanggagaling sa mga pindowns at hindi siya naglalaro off the ball, mayroong film at panoorin daw iyon, mga KaTop Sports.


Nang may nagtangka na iinvolve si Curry sa conversation, kinlaro ni KD na ang tinutukoy lamang niya ay ang kaniyang laro.

Wala raw siyang sinasabi patungkol kay Steph, gusto lang daw niyang ipaalam na ang game niya ay mas versatile kaysa sa isolations.


Tama naman dito si Durant dahil mali naman talagang sabihin na mahirap lang siyang banatayan sa isolation.

Marami siyang dalang kargada sa kaniyang game at walang pagdududa
Na siya ay one of the best scorers sa kaniyang henerasyon, kaya't ang sabihin na siya ay isolation scorer lamang ay hindi talaga katanggap-tanggap, mga KaTop Sports.

Isama pa natin diyan na palagi siyang nagpi-fit sa koponan na sinasalihan niya, kaya nga nakapag develop siya ng repustasyon bilang ultimate plug-and-play superstar.


At hindi niya magagawa iyon kung siya ay mahirap lamang bantayan kapag hawak na niya ang bola.

At para naman sa sunod nating pag-uusapan, mga KaTop Sports.

Nagkainitan nga itong sina Grant Williams at Jimmy Butler sa serye ng playoffs sa pagitan ng Boston Celtics at Miami Heat.


Ang nangyari raw sa kanilang dalawa ay love and war at alam daw iyon ni Butler dahil pareho raw silang competitors, at ginagalang daw nila ang isa't-isa.

Hindi na nga pinalala pa ni Williams ang sitwasyon at kaniyang inemphasize na gingalang niya si Jimmy Butler.

At sa katapusan, nakuha nilang dalawa ang hindi nila gusto dahil kapuwa ang Celtics at ang Heat ay hindi nakuha ang NBA Finals trophy, mga KaTop Sports.


Pwedeng mangyari uli ang ganitong pangyayari sa dalawa, pero magiging iba na dahil si Williams ay naging parte ng isang sign-and-trade mula sa Celtics patungo sa Dallas Mavericks sa pagbubukas ng free agency.

Kaya siya ay maglalaro na sa Mavs next season at magiging kaunti na lang ang paghaharap nila ni Butler dahil sila ay nasa magkaiba nang komperensiya.

At kapag muling nagkaharap ang dalawa, aabangan panigurado sila ng mga fans upang tignan kung silang dalawa ay mainit pa rin sa isa't-isa.


Sinabi naman ni Williams na parte lamang iyon ng game at dapat nating irespeto ang pagtatapat niya sa naging giriian nila ni Jimmy Butler, at sa kanilang dalawa na naging vocal patungkol sa pagmamahal nila sa kanilang pagiging competitive, mga KaTop Sports.

At walang duda na mahal din sila ng kanilang mga teammates dahil sa kung gaano ang ibinibigay nila sa kanilang koponan kada laro.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.