Grant Williams at Matisse Thybulle tinatarget ng Dallas Mavericks sa restricted free agency.



Grant Williams at Matisse Thybulle tinatarget ng Dallas Mavericks sa restricted free agency.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong pagpirma ni Eric Gordon sa Phoenix Suns.


Mukhang na finalized na ng Suns ang kanilang roster para sa susunod na season nang mapapirma na nila si Gordon mula sa free agency ng dalawang taong kontrata.

Ginusto nga ng Los Angeles Clippers na huwag nang i-guarantee ang kaniyang $21 million na kontrata kaya naman siya ay naging free agent na.

Pinili naman ni Gordon na mapunta sa Suns kaysa sa Golden State Warriors at Houston Rockets.


Ang Phoenix ay nakagawa na ngayon ng limang free agency moves magbuhat ng ito ay magbukas, mga KaTop Sports, at ang mga nakuha nila ay sina Damion Lee, Drew Eubanks, Keita Bates-Diop, Chimezie Metu at si Yuta Watanabe.

Posible ngang maging isang big player para sa Suns itong si Gordon dahil siya ay isang experienced na na player at may kakayahang isara ang mga games para sa Phoenix.

Sa katatapos lang na season, siya ay nag-averaged ng 12.4 points, na may 44.6 percent shooting sa field at 37.1 percent shooting naman sa tres, sa loob ng 69 games.


Ang trentay kwatro anyos na si Gordon ay mukhang makukuha naman ang pagtitiwala ng bagong head coach ng Suns na si Frank Vogel,  dahil na rin sa abilidad niya na makapuntos mula sa tres.

Matagal na siyang gustong makuha ng Suns at ngayon ay nangyari na nga, at baka ngayon ay napunta na siya sa isang team na makukuha na ang kanilang kauna-unahang kampeonato.

At para naman sa pagtarget ng Mavs na makuha sa free agency sina Grant Williams at Matisse Thybulle, mga KaTop Sports.


Nakagawa na nga ng ilang solid na hakbang ang Mavs upang maiupgrade nila ang kanilang roster sa desire nila na makabuo ng isang championship-caliber team sa paligid ng mukha ng kanilang prankisa na si Luka Doncic.

Ang isa nga sa unang ginawa nila ay nang papirmahin nila ng panibagong kontrata si Kyrie Irving na nagkakahalaga ng $126 million sa pagbubukas ng free agency.

Naibalik din nila sa kanila mula sa free agency si Seth Curry na nakapaglaro na sa kanila ng dalawang seasons dati, sa mga seasons ng 2016-17 at 2019-20.

Naidagdag din nila sa kanila ang forward na si Oliver Maxence-Prosper at ang sentrong si Dereck Lively ll via 2023 NBA Draft, mga KaTop Sports, na magsisilbing kanilang karagdagang pwersa sa depensa na naging kakulangan nga nila last season.


Pero hindi pa nga raw dito natatapos ang Mavs at ngayon nga ay tinututukan nila ang dalawang free agents.

Gusto pa rin ng Mavs na magdagdag pa ng mga players na magpapalakas pa ng kanilang depensa sa wing, at ito nga ay sina Williams ng Boston Celtics at si Thybulle ng Portland Trail Blazers.

Hawak pa rin ng Mavs ang kanilang $12.4 million mid-level exception na kanilang magagamit upang makapagdagdag pa sila ng isa pang player sa kanilang roster, gaya ni Williams o kaya ay si Thybulle.


Si Williams nga ang matagal nang nalilink sa Mavs, mga KaTop Sports, kaya mas mataas ang posibildad na siya ang makuha nila at panigurado magpi-fit naman siya sa kasalukuyang roster na nabuo ngayon ng Mavs.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.