Golden State Warriors naka jockpot sa pagkuha nila kay Dario Saric, Victor Wembanyama nakatanggap ng advice kay Carmelo Anthony, at Dillon Brooks nakaswerte sa bagong kontrata na pinirmahan niya sa Houston Rockets.
Golden State Warriors naka jockpot sa pagkuha nila kay Dario Saric, Victor Wembanyama nakatanggap ng advice kay Carmelo Anthony, at Dillon Brooks nakaswerte sa bagong kontrata na pinirmahan niya sa Houston Rockets.
Unahin na nating pag-usapan ang patungkol dito kay Dillion Brooks, mga idol.
Nakuha na nga ng Hoston Rockets itong sina Fred VanVleet at Dillon Brooks, at si Amen Thompson na nakuha naman nila sa draft bilang pang No.4 overall pick, na isang magandang galaw nga ito na nagawa ng Rockets.
Ang mga fans nila ay hindi na makapaghintay na mapanood ang lineup na nabuo ngayon ng kanilang koponan at excited na sila, maging itong si Brooks ay excited na rin daw na makapaglaro na sa bago niyang koponan, na pumirma nga ng malaking halagang kontrata sa Houston na hindi inaasahan ng nakakarami.
Ang salary ni Brooks sa Houston ay pangalawa na ngayon sa mataas na pasahod ng Rockets sa kanilang mga players, mga idol, $130 million na tatlong taon ang pinirmahang kontrata ni Brooks sa Houston, at inaasahan nga nila na may magandang maibubunga para sa kanilang koponan ang pagkakakuha nila na ito kay Brooks.
Si Brooks ay nag-averaged last season sa Memphis Grizzlies ng 14.3 points per game, at inaasahan din nga ng Rockets na maibibigay niya ang depensa na naging kakulangan na nga ng Houston sa mahaba-habang panahon na.
Naging kontrobersiyal nga itong si Brooks sa nakaraang playoffs ng makaharap nila ang Los Angeles Lakers, sa unang round, kung saan sinabi ng karamihan na ginalit niya kase si LeBron James kaya sila ay natalo sa seryeng iyon, na iyon naman ang itinutrong dahilan kung bakit hindi na siya kinuha pang muli ng Memphis.
At para naman sa advice na natanggap ni Wembanyama kay Carmelo Anthony, mga idol.
Nanalo nga ang San Antonio Spurs sa pagbubukas ng Summer League sa Vegas laban sa Charlotte Hornets nu'ng Sabado, pero hindi iyon ang naging usap-usapan, kundi ang naging mainit na topic after ng game ay ang naging malamyang paglalaro ng first overall pick na si Wembanyama.
At ngayon nga ay inilantad na ni Wembanyama ang kaniyang concern patungkol sa pagpapakondisyon pagkatapos ng kanilang naging panalo, at ngayon nga raw ay naghahanda na siya para sa susunod niyang game na mas magiging challenge na ngayon sa kaniya pagkatapos ng isang nakakadismayang performance niya sa kaniyang debut game.
Nakatanggap din siya ng advice na galing sa former NBA All-Star at Top 75 all-time player na si Carmelo Anthony, mga idol, na sa kaniya ay nag-iwan ng limang salita na nagsasabi na
"Just hoop and enjoy Vegas " na panigurado ay magbibigay ng gana sa kaniya na mag-performe na ng maganda sa susunod niyang game.
Ang sunod na game ni Wembanyama at ng Spurs sa Summer League ay sa darating na Lunes, alas otso ng umaga, Pinas time, at ang makakalaban nila ay ang koponan ng 3rd overall pick na si Scoot Henderson na Portland Trail Blazers.
At upang mag-thrive siya ng tunay sa San Antonio, isa lang ang dapat niyang gawin, kailangan ay maibigay niya kung ano ang inaasahan sa kaniya na maibibigay niya para sa kaniyang koponan at para sa mga fans ng Spurs, at ito nga ay ang mas better na performance kaysa sa nakita sa kaniya sa kaniyang unang game sa Summer League.
At para naman sa pagkakakuha ng Warriors kay Saric, mga idol.
Natapos na nga ang paghihintay ng Warriors, dahil matapos ang dalawang linggo ng rumors patungkol kay Dario Saric para sa Warriors, finally pumirma na siya sa Golden State, at mukhang naka jockpot ang Warriors sa pagkuha sa kaniya para sa minimum contract lamang.
Wala kasing reliable na floor-spacer at playmaker itong Warriors bago nila nakuha itong si Saric, na ang kaniyang natural na talento sa opensa ay perpektong aangkop sa sistema ng opensiba ni coach Steve Kerr.
May kakayahan pa itong si Saric na tumira at makabuslo ng malayo sa tres, mga idol, na ang kaniyang 8 attempts sa tres per 100 possessions last season sa Oklahoma City Thunder ay halos career-high na niya, at posible pang tumaas ito ngayon na nasa Warriors na siya, lalo na't karamihan ng atensiyon mula sa tres ay napupunta kina Stephen Curry at Klay Thompson.
Mayroon din siyang 40.4 percent sa kaniyang catch-and-shoot sa tres sa nakalipas na taon, pero ang kaniyang playmaking ability ang mas kaabang-abang na mapanood sa kaniya, ngayon na nasa Warriors na siya.
Siya ay magsisilbing ikaapat na best passer ng Warriors sa likod nina Chris Paul, Draymond Green at Stephen Curry at napakahalaga nito para sa kanilang koponan dahil kinulang nga sila pagdating sa playmaking last season, at ngayon nga ay maibibigay ito sa kanila ni Saric sa loob ng court, maging sa kung nasa loob ng court si Curry o wala.
Comments
Post a Comment