Draymond Green, sinabi na kakaunti lang daw sa mga players ng NBA ang may basketball IQ, at Stephen Curry ini-revealed na ang kaniyang all-time starting five.
Una nating pag-usapan ang patungkol kay Stephen Curry, mga idol.
Si Curry nga ang latest na sumali sa katuwaan ng pagpili ng all-time NBA starting five, at ang kaniyang selection ay nakaka-agaw pansin talaga.
Nagsimula siya sa kaniyang big men, at ang una niyang pinili bilang sentro ay si Shaquille O'Neal, pagkatapos ay si Tim Duncan naman ang kaniyang power forward.
Si Larry Bird naman ang kaniyang napiling small forward, pero pinalitan din niya siya agad, at ang ipinalit niya ay si Kobe Bryant.
At sa kaniyang backcourt, pinili niyang kaniyang point guard ay si Magic Johnson, bago niya tinanong na kung isasama ba niya ang sarili niya sa team, pagkatapos no'n pinili niya si Michael Jordan para sa kaniyang shooting guard, mga idol.
Si Tim Duncan na isa sa napili niya ay two-time MVP, 15-time All-Star at 5-time champion, kaya wala naman nang pagtatalo na siya nga ang best power forward of all-time.
Subali't ang kasalukuyang success na nakukuha ni Giannis Antetokounmpo na forward ng Milwaukee Bucks ay mukhang inilalagay na si Duncan sa alanganin.
Pero sa kabila ng kahusayan ni Giannis, ng kaniyang resume ay hindi pa rin naman maima-match kay Duncan.
Para naman kay Shaquille O' Neal, medyo hindi matibay na siya ang isama sa all-time starting five sa center position, dahil nandiyan sina Wilt Chamberlain, Kareem Abdul-Jabar at Hakeem Olajuwon, mga idol.
At ang kasalukuyang success ni Nikola Jokic na sentro ng Denver Nuggets, na two-time MVP at ngayon nga ay nagkampeon na ay isa pa sa dapat nating i-consider.
Pero ang mga napili niya sa perimeter ang mas kapansin-pansin dito.
Wala naman sigurong makikipagtalo pa sa atin na si Michael Jordan na five-time MVP, 14-time All-Star at 6-time champion ay ang greatest shooting guard of all-time, kahit sabihin pa ng iba na siya ay una o pangalawa lamang sa kanilang listahan bilang kanilang GOAT.
Ang small forward naman niya ang isa sa kapansin-pansin dito, dahil matagal na nga na wala na sa kaisipan ng mga tao na si Larry Bird pa ang greatest small forward dahil nga sa paglitaw ng isang LeBron James, mga idol.
Si Kobe Bryant naman ang maituturing na superior modern-day player na may mas better na resume kay Bird, at ang kaniyang naging posisyon sa buong career niya ay shooting guard.
Ang kaniyang naging impact sa mundo ng basketball at ang tragic niyang pagkamatay ang nagdala sa kaniya upang mapabilang na sa mga ganitong klaseng listahan.
Sa point guard naman, marami ang magsasabi na si Curry ang kanilang greatest point guard of all-time, pero marami pa rin naman ang makikipagtalo na iyon ay para kay Magic Johnson, na iyon nga ang ginawa ni Curry, na mas pinili niya si Magic kaysa ilagay ang kaniyang sarili sa listahan.
Kung iyon man ay pagpapakita ng kaniyang pagpapakumbaba, napaka interesting pa rin na marinig na mas pinili niya si Magic kaysa sa kaniyang sarili, mga idol.
At para naman sa sunod nating pag-uusapan,mga idol.
Pagdating nga sa basketball IQ, naniniwala itong si Draymond Green na hindi lahat ng naglalaro sa NBA ay mayroon nito.
Habang nakakaranas ng pang-aasar ang ilang mga players sa social media dahil sa kanilang mga airballs o kaya ay dahil sa kanilang stat line, ang katotohanan, bawa't player sa liga ay naglalaro naman sa mataas na antas na larong mailalaro nila.
Sa katunayan nga niyan, kailangan mo munang maging magaling bago ka maging pinaka malalang player sa NBA.
Pero hindi ibig sabihin nito na bawa't player nga ay may basketball IQ, mga idol.
Pwede silang maging talentado, maaring meron silang size at may maaari rin na mayroon silang biyaya ng pagiging athletic na wala sa iba.
Pero pagdating sa paggawa ng tamang play o kaya ang pagkakaroon ng awareness na gumawa ng game-clinching decision, ilan lang sa mga players sa NBA ang nakagagawa nito.
At para nga kay Green, kulang sa 60 percent lang daw na mga players sa NBA ang may basketball IQ na nasa next level na.
Ito ay sinabi ni Green ng siya ay naging panauhin sa Podcast ni Patrick Beverley, mga idol.
Kilala naman natin na itong si Green ay hindi sanay na iniiiwas na huwag sabihin ang kaniyang opinyon, lalo na pagdating sa pagpuri niya kay LeBron James, na sa paniniwala niya na ang basketball IQ'ng taglay ni LeBron ay nasa next level na, lalo na sa isang gaya niya na may size at athleticism.
Pero ang tanong dito, naniniwala din kaya siya na siya rin mismo sa kaniyang sarili ay may basketball IQ na nasa next level na rin?
Ano sa tingin niyo, mga idol?
Comments
Post a Comment