Draymond Green pumirma na ng kontrata sa Golden State Warriors mula sa free agency.
Isa sa core member ng dyansty ng Warriors sa ilan nang mga taon at four-time NBA champion na si Draymond Green ay hindi na nga lumipat pa sa ibang team matapos na pumasok sa free agency, mga idol.
Siya ngayon ay nag-agreed na sa apat na taong kontrata sa Warriors na nagkakahalaga ng $100 million, na magpapanatili sa kaniya sa Golden State hanggang sa season ng 2026-27.
Si Green na mag-eedad na ng trentay tres sa Marso ay napapatunayan pa rin na kaya pa niyang mag-compete sa mataas na level at patuloy pa rin siyang nagiging isa sa best overall defenders sa buong liga.
Napasama siya sa All-Defensive Second Team nitong nakalipas na season, at siya ay walong beses nang nakakuha ng All-Defensive honors sa kaniyang career at sa pangatlong sunod na na season.
Sa kabila na nagkaroon ang ibang mga teams ng interes na kunin siya, mga idol, sinigurado ng Warriors na siya ay mapapapirma pa rin nila ngayong offseason.
At kahit na ba na siya ay hindi maituturing na high-level scorer kagaya ng iba niyang mga kakampi, siya naman ay ang pinakamagaling na playmaker na forward sa liga at nakakahanap din siya ng ibang paraan upang maging epektibo sa mga panalong nakukuha nila.
Sa kaniyang pagiging primary defender sa ilang mga best players ng liga at sa pag-facilitate ng opensa sa paligid nina Stephen Curry at Klay Thompson, siya ang isa sa main reason kung bakit ang Golden State ay nakahanap ng championship success sa nagdaang mga taon.
Sa nakaraang season, siya ay nakapaglaro ng 73 games at nag-averaged ng 8.5 points, 7.2 rebounds at 6.8 assists per game.
Ang bagong kontrata niya sa Warriors ay magpapanatili sa kaniya sa Golden State habang may natitira pa sa kaniya sa kaniyang prime, mga idol, at nag-aligned sa kaniya kay Curry na ang kontrata ay matatapos naman sa season ng 2025-26.
Si Thompson naman ay papasok na sa final year ng kaniyang kontrata at mukhang papapirmahin naman siya ng panibagong deal ng Warriors upang ma-line up din siya kina Curry at Green.
Ang Warriors ay kasalukuyang nakita ang kanilang mga sarili sa gitna ng pivotal offseason na nagkaroon na ng mga pagbabago.
Bumaba si Bob Myers sa kaniyang tungkulin bilang GM ng Warriors at ang pumalit sa kaniya ay si Mike Dunleavy Jr.
Sina Jordan Poole, Patrick Baldwin Jr. at si Ryan Rollins ay naitrade sa Washington Wizards para kay Chris Paul, mga idol.
Nasa taas nga ng listahan ng Warriors ang mapapirma nila ng bagong kontrata itong si Green at ngayon na nagawa na nila iyon, pupunuin na nila ang kanilang roster ng isang championship-caliber na mga talents.
Matapos nga na sila ay magkampeon sa taon ng 2022, ang kanilang ikaapat na kampeonato since 2015, sila ay patuloy pa rin na nakatuon sa kanilang quest na makuha ang kanilang ikalimang titulo.
Comments
Post a Comment