Draymond Green nakahanap pa ng paraan kung papaano mababanatan ang dati niyang kakampi na si Jordan Poole.
Draymond Green nakahanap pa ng paraan kung papaano mababanatan ang dati niyang kakampi na si Jordan Poole.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga idol, pag-usapan muna natin itong ilang naging reaksiyon ng mga fans ng Warriors patungkol sa bagong pinirmahang kontrata ni Green sa Warriors.
Sa Warriors pa rin nga maglalaro itong si Green, subali't ang mga fans ay hindi mapigilan na isipin na ang ibinigay na kontrata sa kaniya ay mataas kaysa sa inaasahan.
Siya kasi ay pumirma ng apat na taong kontrata sa Warriors na nagkakahalaga ng $100 million sa pagsisimula ng free agency.
Ang deal na iyon ay may player option sa ikaapat na taon na ang ibig sabihin ay mababayaran pa rin siya kahit na ba siya ay trentay syete anyos na.
Hindi naman na nakakagulat ito para sa kagaya ni Green, mga idol, kahit naman si Stephen A. Smith ay nakikita pa rin na si Green ay isang $100 milliom man, at tumama nga siya doon.
Gayun pa man, ang ilang mga kritiko ay nagsabi na iyon raw ay malaking pagkakamali na ginawa ng Warriors dahil sa pagkakaroon nila ng malaking commitmnent kay Green.
Lalo na at si Green pa ngayon ang may kontrol para sa kaniyang future dahil sa player option na nakuha niya.
May nagsabi din na ang $25 million kada taon ay mataas pero nakuha naman daw niya kung bakit ginawa iyon ng Warriors.
Ang iba naman ay nagsabi na ang ikaapat na taon daw sa kontrata ay para na kay Rich Paul na agent ni Green, mga idol, dahil hindi naman daw magbabayad ang Warriors ng $25 million sa player na nasa edad na na 37 o 38.
May nagsabi naman na isang pagkakamali raw iyon dahil ginamit na lang sana raw ang $100 million sa mas batang mga players upang makapagdagdag ng lalim sa kanilang roster.
Ang sabi pa ng iba ay hindi man daw dapat kay Green ang $25 million kada taon at ang player option, pero importante pa rin naman daw itong si Green para sa Warriors.
Kailangan pa rin naman ng Warriors si Green upang manatili silang may laban para sa isang titulo.
Siya ang heart and soul ng Warriors, mga idol, at siya ang kanilang vocal leader na walang takot i-call out ang sinoman kahit na ba ito ay sina Stephen Curry at Klay Thompson pa.
Basically, si Green ay irreplaceble sa championship core ng Warriors, at panahon na lang ang magsasabi kung hanggang kailan siya mananatili sa Warriors, pero sa ngayon, sa Warriors pa rin siya.
Maging masaya man o hindi ang mga fans patungkol sa kaniya, wala naman na silang magagawa kundi ang tanggapin na lang ang nangyari.
At patungkol naman sa naging pagbanat ni Green kay Poole kahit hindi na sila magkakampi ngayon, mga idol.
Hindi na nga magkakampi ngayon itong sina Green at Jordan Poole matapos na si Poole ay maitrade sa Washington Wizards.
Pero si Green ay nakahanap pa rin ng paraan kung papaano babanatan ang dati niyang kakampi at ang bago nitong koponan, mabuti na lang, sa pagkakataong ito, verbal na lang ang banat niya at hindi na pisikal.
Gumawa si Green ng isang TikTok Video para sa Bleacher Report, mga idol, kung saan siya ay naglaro ng isang viral na game.
Sa game, maglalabas ng ramdom NBA team logos na nagpa-pop up sa screen, at ang creator ay kinakailangang magbigay ng specific-five man sa bawat positions upang maging starting lineup, isang player sa bawa't team na lalabas.
Matapos na mapili niya ang point guard ng Cleveland Cavaliers na si Darius Garland at ang small forward ng Utah Jazz na si Lauri Markkanen, ang sumunod na logo ay ang sa Washington Wizards.
Sa puntong iyon, kitang-kita ang kakaibang naging reaksiyon ni Green, na natawa pa nga, at nagtanong ng kung sino pa ba ang nasa team ng Washington.
Pagkatapos nu'n ay pinili niya si Kyle Kuzma para sa kaniyang power forward spot, mga idol, at hindi pinansin ang bagong dagdag sa Wizards na si Jordan Poole na bukas pa para sa shooting guard spot.
Sa kabila ng banat na ibinato ni Green kay Poole, sinuwerte pa rin siya at ang sumunod na logo ay ang logo ng Portland Trail Blazers, kung saan ang pinili niya ay si Damian Lillard para sa shooting guard spot.
Tinapos niya ang kaniyang team sa sentro ng Miami Heat na si Bam Adebayo, at sinabi ni Green na ang nabuo niyang team ay makakaabot ng Eastern Conference Finals pero matatalo na doon.
Isa lang ang malinaw na makikita natin dito, mga idol, at ito ay ang pagsamantala ni Green sa pagkakataon na mabanatan niya si Poole, kahit na ba na wala na siya sa Bay Area.
Comments
Post a Comment