Dating player ng Miami Heat pumirma na sa Utah Jazz ng isang two-year contract.
Dating player ng Miami Heat pumirma na sa Utah Jazz ng isang two-year contract.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong naging reaksiyon ni Brandon Miller nang makaharap niya sa Summer League itong si Victor Wembanyama.
Sa naging guesting nga ni Miller sa Podcast P ni Paul George, ikinuwento niya ang patungkol sa naging paghaharap nila ni Webanyama sa Summer League.
Masaya raw siya at nakalaban niya si Wembanyama, at napakasaya raw na makita niya si Wembanyama na nag-step up at binabantayan siya full court na nagpapakita raw iyon ng kaniyang puso sa game at kung sino siya sa loob ng court.
Panigurado raw na magkakaroon si Wembanyama ng magandang career sa liga at sa palagay daw niya, magaling din na player itong si Wembanyama sa labas ng court na handang matuto kahit sa maliliit na mga bagay.
Nang tinanong naman siya ni George kung ano ang pakiramdam niya ng makaharap niya ang isang malaking forward o ang skilled center na si Wembanyama, mga KaTop Sports, medyo nahirapan siyang ipaliwanag kung ano ang pakiramdam no'n.
Kada bola raw na makukuha niya, palagi raw silang nagsu-switch sa big man, na hindi raw niya maipaliwanag kung ano iyon, kung iyon ba ay big to big switch, pero si Wembanyama daw ay hindi malaki, kundi kagaya raw ng isang hayop na wala raw posi-posiyon para sa kaniya.
Ang naging description ni Miller ay hango sa pre-draft scouting reports patungkol kay Wembanyama, na nagpapa-excite sa mga fans ng San Antonio Spurs.
Pinupuri nga itong si Wembanyama hindi lamang dahil sa kaniyang size at length, kundi dahil na rin sa kaniyang mga skills, kaya naman mahirap siyang kalaban sa magkabilang dulo ng court.
Si Miller naman ay highly-touted prospect na nanggaling din naman sa Alabama, mga KaTop Sports, at umaasa ang Charlotte Hornets na mabubuhay siya sa mga expectations sa kaniya.
At para naman sa dating player ng Miami Heat na pumirma na sa Utah Jazz ng isang two-year contract, mga KaTop Sports.
Medyo tahimik nga ang Utah Jazz sa free agency.
Nakagawa sila ng isang trade mula sa Atlanta Hawks para kay John Collins, pero pagdating sa pagdagdag ng mga players sa free agency, si kababayan Jordan Clarkson pa lamang ang napapirma nila, at iyon ay tatlong taong kontratang extension na nagkakahalaga ng $55 million.
Magandang development na iyon para sa Jazz, pero bukod kay Clarkson, wala nang iba pang ginawa na ang Utah.
Pero nito ngang martes, mga KaTop Sports, naiulat na ang dating player ng Miami Heat na si Omer Yurtseven ay nag-agreed na sa isang two-year deal sa Utah Jazz, na ang starting salary niya sa unang taon ay nagkakahalaga ng $2.8 million.
Obviously, hindi ito maituturing na lanscape shifting move para sa Utah, pero makakapagbigay naman ito sa kanila ng lalim sa kanilang frontcourt.
Hindi naman kase star si Yurtseven, pero maari siyang pumasok at magbigay ng ilang quality minutes sa Jazz mula sa bench.
At sa katotohanang pinapirma siya ng Utah ng dalawang taong kontrata, ibig lang sabihin nito, may plano ang Jazz sa kaniya.
Ginugol nga ngb7-foot center na si Yurtseven ang kaniyang unang dalawang seasons ng kaniyang career sa Heat, at nakapaglaro doon ng 56 games sa kampanya ng kaniyang pagiging rookie, mga KaTop Sports, pero unti-unting nawala ang role niya sa Miami last season.
At sa huling term niya sa Heat, bumagsak ang average niya sa 4.4 points at 2.6 rebounds sa 9.2 minutes per contest.
Ngayon, siya ay magkakaroon na ng bagong panimula sa Utah Jazz, at umaasa na mas magkakaroon siya ng impact sa kaniyang bagong koponan
Comments
Post a Comment