Damian Lillard at kaniyang agent, winarningan ng NBA dahil sa kanilang trade demands.



Magbuhat ng magrequest si Damian Lillard ng trade mula sa Portland Trail Blazers, naging usap-usapan na nga sa paligid ng NBA na siya at ang kaniyang agent na si Aaron Goodwin ay ipinu-push na siya ay mai-trade lamang sa Miami Heat, mga KaTop Sports.

Sinabi pa nga raw ni Lillard na ang tatanggapin lang niyang trade ay ang sa Heat at hindi siya maglalaro sa ibang prankisa.

Ang ganitong sitwasyon ay nagresulta na ng maraming drama, dahil ang Heat ay ayaw din namang ibigay ang lahat sa pakikipag-negosasyon nila sa trade, dahil alam nga nila na ang gusto lang ni Lillard ay sa kanila mapunta, pero ayaw naman ng Blazers na mawala na lang sa kanila si Lillard ng wala silang makuhang magandang kapalit.


Nitong sabado, si Sham Charania ng The Athletic ay ini-report na ang NBA ay nagpadala ng memo sa lahat na 30 teams ng liga, na ang outline ay ang sitwasyon na kinasasangkutan ni Lillard, at nagpadala ng warning sa kanila ng kaniyang agent patungkol sa trade request sa isang team.

Binigyan sila ng advise ng liga na anomang future comments na sasabihin nila patungkol sa kagustuhan lang ni Lillard na maglaro sa Miami ay masa-subject siya sa pagdesiplina, mga KaTop Sports.

Ayon din kay Charania, ang memo ay naka-outline din sa NBPA na anomang future comments ng mga players at kanilang mga agents, kagaya ng kaso nina Lillard at sa kaniyang agent patungkol sa pagpunta lamang sa isang team, ay masa-subject sa isang potential na disciplinary actions nga.


At dahil sa memo, ikinaila na ni Goodwin na maglalaro lamang at magpapa-trade lang itong si Lillard sa Miami, kundi gagampanan naman daw ni Lillard ang serbisyo na naaayon sa kaniyang kontrata sa kahit na anong trade scenario.

Ang NBA at si commissioner Adam Silver ay obviously aware kay Lillard, isa sa best players ng liga na nagrequest ng isang trade st hindi nila hahayaan na siya ang magdikta ng senaryo, mga KaTop Sports.

May say naman itong si Lillard kung saan gusto niyang mapunta, pero ayaw ng liga na ito ay maging blueprint kung papaano iha-handle ang mga trades sa pagpapatuloy.


Dapat daw na ang lahat ng mga teams ay mabigyan ng pantay na chance na makipag-trade para sa isang player ng liga, anoman ang level ng kanilang talent.

Habang ang mga bagay ay nakatayo pa rin sa pag-uusap patungkol sa trade, wala pa rin ngang tunay na offers ang napag-uusapan, habang ang Blazers ay patuloy na pinag-iisipan pa rin ang kanilang mga options.

Hindi pa nga natin alam kung ano ang magiging impact ng memo na ito sa mga trade talks na kinasasangkutan ni Lillard, subali't ito ay magbubukas ng pinto para sa ibang koponan na may gusto ring makuha siya, mga KaTop Sports.


Si Lillard na 33 years old ay galing sa injury-riddled season, kung saan siya ay nakapaglaro lamang ng 58 games at nag-averaged ng 32.2 points at 7.3 assists per game, at siya ay napasama sa All-Star at sa listahan ng All-NBA ng pitong beses na sa kaniyang career.



Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.