Dahilan sa likod ng pagkadelay ng extension contract ng Boston Celtics kay Jaylen Brown inilantad na.
Dahilan sa likod ng pagkadelay ng extension contract ng Boston Celtics kay Jaylen Brown inilantad na.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaTop Sports, pag-usapan muna natin itong unang naging workout nina Jalen Green at Fred VanVleet na magkasama bilang magkakampi na sa Houston Rockets ngayon.
Ang makita nga na magkasama sina Green at VanVleet na magkasamang nagwoworkout ay isang magandang senyales para sa kanilang mga fans.
Opisyal na nga kase na miyembro na ng Rockets itong si VanVleet, at handa na rin siyang makipag-compete sa mga darating pang mga taon para sa Houston.
Si Ime Udoka na bagong head coach ng Rockets ay bumubuo ng isang grupo sa paligid ng kaniyang mga guards na sina Jalen Green at Amen Thompson.
Nakakuha sila ng kailangan nilang isang beteranong nagkampeon na sa katauhan ni VanVleet, mga KaTop Sports, at isang magiging mentor na rin para sa kanila sa kabuoan.
At ngayon nga ay namataan na siya ay nag-eensayo na kasama si Green, na silang dalawa ay makikita na nagsasagawa ng pagtakbo pataas sa may kalsada.
Pagkatapos no'n ay nagtungo sila sa gym kung saan makikita naman na si VanVleet ay nagpapahinga pagkatapos ng isang nakakapagod na workout.
At ang kaniyang work ethic ay umangat dahil sa kaniyang naging comment sa videong iyon na aniya, “Day 1. Good Day. Monday is every day."
Naging isang rebuilding team na nga itong Rockets magbuhat ng si James Harden ay lisanin na ang kanilang koponan, mga KaTop Sports, at karamihan ng nasa roster nila ngayon ay nakuha nila sa NBA Draft.
Kaya't walang kaduda-duda na ang kanilang team ay isa nga sa pinakabatang grupo ngayon ng liga.
Hindi lang statistics ang maidaragdag ni VanVleet para sa Rockets, dahil kaya rin niyang magcontribute ng lagpas pa sa box score at analytics sa pamamagitan ng kaniyang intangibles.
Kaya kailangan talaga siya ni coach Udoka upang masigurado ang future ng kanilang koponan, at magamit ang talent niya at karanasan para sa batang grupo nila.
At para naman sa dahilan kung bakit nadedelay pa ang extension contract ni Jaylen Brown sa Boston Celtics, mga KaTop Sports.
Habang ang ibang mga koponan ay talaga namang naging involved sa free agency, ang Celtics naman ay medyo naging tahimik.
May ilan na silang naidagdag sa kanilang grupo, gaya na lang ni Kristaps Porzingis, at may isa pa sila na higit na pinaprioritise sa ngayon para sa isang contract extension, at ito nga ay si Jaylen Brown.
Ang mga gustong magawa ng Celtics ay ang makakuha ng big man sa free agency na nagawa nga nila, at ang i-secure ang kanilang mga star players sa long-term deals.
Si Tyrese Haliburton ay nakapirma na sa Indiana Pacers, mga KaTop Sports, maging si Anthony Edwards ay ganoon din sa Minnesota Timberwolves.
Sina LaMelo Ball, Domantas Sabonis at Desmond Bane ay nakapirma na rin sa kani-kanilang mga koponan, maging si Porzingis ay nakapirma na rin sa Celtics ng panibagong kontrata.
Pero si Brown ay hindi pa nga nakakapirma pa ng panibagong kontrata sa Boston, na nagpapaduda tuloy sa kaniyang future sa kanilang koponan.
Pero ayon naman sa inilabas na ulat ni Jared Weiss ng The Athletic, inaasahan naman daw na pipirma ng isang extension itong si Brown sa Celtics.
Nagkaroon lamang daw kase ng ilang developments sa mga nakalipas na araw sa mga naging epekto ng mga negosasyon sa pagitan ng magkabilang panig, mga KaTop Sports.
Habang ang ilang designated rookie extensions daw kase na napagkasunduan magbuhat nu'ng magbukas ang free agency, ang mas nagpakomplikado raw sa kontrata naman ni Brown.
Kaya't ang naging dahilan daw ng pagkadelay ng pagpirma ng extension ni Brown ay dahil sa mga naging activity ng Celtics sa free agency sa nakalipas na linggo.
Base na rin sa naiulat na ito, panahon na lang daw ang hinihintay bago makuha na ni Brown ang isang deal sa Celtics.
Pero hangga't hindi pa ito nagiging opisyal, mga KaTop Sports, ang bente sais anyos na si Brown ay may potensiyal pa rin na mapunta na sa ibang koponan.
Comments
Post a Comment