Cory Joseph kinuha ng Golden State Warriors mula sa free agency.
Cory Joseph kinuha ng Golden State Warriors mula sa free agency.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga idol, pag-usapan muna natin itong ginawa ni Tyler Herro sa kaniyang social media account na lalong nagpainit sa usaping trade kay Damian Lillard sa Miami Heat.
Na mention nga itong si Herro bilang primary trade piece kung ang Miami ay magsasagawa ng isang deal upang makuha si Lillard sa Blazers.
At dahil doon, nagkaroon ng maraming bulong-bulungan sa mundo ng Twitter ng inalis ni Herro ang salitang Miami Heat sa bio ng kaniyang Twitter.
Ang dati kasing nakasulat sa Twitter Bio ni Herro ay "Miami Heat guard", mga idol, at ang header din niya ay nagpapakita na siya ay nagwowork out sa kanilang team practice facility.
Sa ngayon ang kaniyang header ay blanko at may mababasa lamang doon na "slow motion".
Baka naman nag-uupdate lang ang kaniyang social media profile kaya nagkagayon, pero dahil na rin sa siya ay nalilink sa trade kay Lillard, kaya mahirap na hindi iyon maikonekta sa mga kasalukuyang rumors.
Ibig kayang sabihin nito na ang trade sa pagitan ng Blazers at ng Heat para kay Lillard ay niluluto na at malapit na nating masaksihan na magkaroon na ng katuparan?
At naipaalam na kaya kay Herro na siya ay maititrade na, kaya naman inalis na niya ang mention ng prankisa ng Miami Heat, mga idol?
Posible nga ang lahat ng mga ito dahil sa ngayon ay wala pa ring sigurado, lalo na at sinabi ng Blazers na hindi lang nila basta ipadadala si Lillard sa Heat dahil sa gusto nito na makasama si Jimmy Butler at ang Heat upang lumaban para sa kampeonato.
Dahil inaasahan na nga na ieexplore ng Portland ang lahat ng mga offers na makukuha nila para kay Lillard na magpapahirap nga ng mga bagay para sa Miami.
Hindi pa nga natin alam pa sa ngayon kung isasama ng Heat sa package itong si Herro upang makuha lamang si Lillard, pero mukhang nakahanda na si Herro kung ito man ay mangyari.
At para naman sa pagkuha ng Warriors kay Cory Joseph mula sa free agency, mga idol.
May mga ilan na nga tayong nakita na umalis na sa Warriors nitong free agency, kagaya ni Donte DiVincenzo na ngayon nga ay nasa New York Knicks na.
Idinagdag din ng bagong GM ng Warriors na si Mike Dunleavy Jr. itong si Chris Paul, at ngayon nga ay may bagong dagdag muli sa kanila, at ito ay si Cory Joseph na mula sa Detroit Pistons.
Nakuha nga ng Warriors itong si Joseph dahil sa free agency, na siya ay pumirma ng isang taong kontrata sa kanila.
Makapagdaragdag siya ng ilang ball handling sa Warriors, mga idol, at maari rin siyang maging ikatlong floor general kapag itong sina Stephen Curry at Chris Paul ay wala sa loob ng court.
Ang 6-foot-3 na si Joseph ay makapagdaragdag din ng presensiya ng isang beterano upang i-lead ang mga batang players na gaya ni Trayce Jackson-Davis.
At siya ay naging kampeon na taong 2014 nu'ng siya ay nasa koponan pa ng San Antonio Spurs, at ang kaniyang availability ay ang kaniyang best asset.
Siya ay nakapaglaro ng 62 games at nag-average na 19.8 minutes sa floor, na may career average na 44.2% shooting sa field at nag-improve talaga ang kaniyang shooting.
Nakakuha talaga ang Warriors ng isang magaling sa perimeter at isang shooter sa tres sa katauhan ni Joseph, mga idol, at siya ay may 38.9% shooting sa tres.
Nagkaroon din siya ng career-high 50.6% shooting sa field sa naging kampanya ng Pistons sa season ng 2020-21 na ibig lang sabihin nito, siya ay maaasahan talaga sa opensa.
Comments
Post a Comment