Cory Joseph, ipinaliwanag kung bakit siya ay perfect fit kina Stephen Curry at Chris Paul para sa Golden State Warriors.
Matapos nga na mapagwagian ng Warriors ang kanilang ika-apat na kampeonato magbuhat ng 2015, sila naman ay kinulang sa NBA Finals nitong nakalipas na season, na sila nga ay natalo sa Los Angeles Lakers sa Western Conference semifinals, mga idol.
Buong season, hindi naging maganda ang tinakbo ng Warriors sa kabuoan, kaya naman sila ay gumawa na ng malaking pagbabago ngayong offseason.
Hindi lang sa umalis na sa kanila ang matagal na nilang executive na si Bob Myers, kundi itinrade din nila si Jordan Poole at ibang mga assests sa Washington Wizards kapalit ni Chris Paul.
Nagtungo rin sila sa free agency at napapirma nga nila ng isang minimum contract itong beteranong guard na si Cory Joseph.
Sa pagitan nina Stephen Curry, Chris Paul at Cory Joseph, ang Warriors ngayon ay mayroon nang tatlong experienced players sa kanilang backcourt, na may kani-kaniyang magkakaibang dala-dalang talento pagdating sa pag-ambag sa kanilang koponan, mga idol.
Obvious naman na si Curry pa rin ang focal point para sa Warriors, pero sina Paul at Joseph ay kapuwa magkakaroon pa rin ng mahahalagang gampanin sa kanila.
At sa una ngang pagkakataon, nagsalita na si Joseph sa media magbuhat ng siya ay pumirma sa Warriors, diniscussed niya ang nakikita niyang maa-accomplish ng kanilang team, kabilang 'yung kung papaano siya matututo sa dalawang best point guards ng liga.
Hindi raw kapani-paniwalang opportunity para sa kaniya iyon.
Magkakaroon daw kasi siya ng pagkakataong matutuo sa dalawang pinaka mahusay na nakagawa nito sa ganoong posisyon, kaya todo excited na raw siya.
Makakaabot din daw siya doon at matututo ng marami sa dalawa.
Sa nagagawa raw ni Steph sa tres na binago ang game at kay CP3 na napaka talino pagdating sa pick-and-roll, mga idol.
At sisikapin naman daw niyang madala ang tenacity sa depensa at gawin ang lahat ng maliliit na mga bagay.
Wala man daw siya palagi sa stat sheets pero nakakatulong pa rin naman daw siya sa panalo.
Mayroon daw silang magkakaibang klase ng paglalaro at magbibigayan daw sila sa isa't-isa.
Sa buong career ni Joseph, naging steady presence siya sa backcourt para sa kaniyang koponan, at siya ang tipo ng player na palaging nagkakaroon ng impact sa panalo sa maraming paraan, mga idol.
Siya ay sound decision-maker at may kakayahang maging pangunahing facilitator para sa kaniyang koponan sa kanilang second unit.
Madadala rin niya sa Golden State ang kaniyang karanasan bilang kampeon, dahil siya ay naging isang mahalagang member ng San Antonio Spurs na nagkampeon taong 2014.
Si Joseph na mag-eedad na na 32 sa August ay nakalaan na para sa kaniyang bagong journey sa kaniyang ika-anim na na prankisa sa NBA.
Hindi gaya ng paglalaro niya para sa Detroit Pistons at Sacramento Kings sa nakalipas na ilang mga seasons, na dalawang teams na nasa kalagitnaan ng pagre-rebuild, ang goal nila sa Warriors ay lumaban sa pinaka mataas na level upang sila ay muling magkampeon mga idol.
Medyo bago na sila ngayon sa ating paningin, subali't nasa kanila pa rin naman ang kanilang star-studded core na kapag sila ay nanatiling malulusog, alam nila na kakayanin talaga nilang lumaban para sa isa pang titulo.
Comments
Post a Comment