Comical na reaction ni Stephen Curry nang siya ay tinawag na 'two-way player', nakakatuwang tignan.
Comical na reaction ni Stephen Curry nang siya ay tinawag na 'two-way player', nakakatuwang tignan.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga idol, pag-usapan muna natin itong naging reaksiyon naman ni Giannis Antetokounmpo sa pagiging loyal nilang dalawa ni Stephen Curry sa kani-kanilang respective teams.
Sina Giannis nga at Steph ay dalawa sa best players ng NBA, at sila rin ay kapuwa mga loyal sa kani-kanilang koponan, at ang Milwaukee Bucks at ang Golden State Warriors ay hindi mae-enjoy ang kanilang mga naging kasalukuyang success kung wala ang dalawang superstars na ito sa kanilang koponan.
Kaya naman nito lang Huwebes, si Giannis ay nagbahagi ng isang emoji reaction sa Twitter patungkol sa loyalty nila ni Curry sa kanilang respective teams.
Ang sabi ng nagpost ay, "Ang huling dalawang natitirang loyal na players sa liga. Wala nang nakagagawa pa nito."
Si Giannis nga ay kinikilala na isa sa best overall player sa liga, mga idol, at halos nagagawa na niya ang lahat sa antas ng pagiging isang elite na player.
Bagaman siya ay nagdedevelop pa lamang sa pagiging shooter, pero nakakapag-display na siya ng progress sa ganoong category.
At hindi pa nga malinaw kung anong future pa ang naghihintay sa kaniya, pero isa ang malinaw dito, proud siya na maglaro sa Bucks base sa kaniyang naging reaksiyon.
Maglalaro pa rin nga siya sa Bucks sa darating na bagong season, at mayroon siyang player option para sa season ng 2024-25 at magiging unrestricted free agent na siya sa taon ng 2026.
At kapag in-opts out niya ang kaniyang player option, mga idol, siya ang magiging pinakasikat na free agent.
Pitong magkakasunod na taon na nga siyang nakapaglaro sa All-Star team, at nagkaroon siya ng kaniyang best season, sa season ng 2022-23, kung saan siya ay nag-averaged ng kaniyang career-high 31.1 points per game para sa Milwaukee.
Bagaman sila ay na upset sa playoffs, sila naman ay inaasahan na babawi sa darating na season at gagawa ng mas malalim pa na run.
At kung gusto ng Bucks na manatili sa kanila si Giannis, kailangan nilang maipakita sa kaniya na kaya nilang mag-compete para sa kampeonato, dahil kahit na ba na loyal siya, gusto pa rin naman niya ang manalo.
At kapag nag-struggle sila ngayong taon, mga idol, baka gumawa na si Giannis ng isang mahirap na desisyon, pero sa ngayon, handa na siya na pangunahan muli ang Bucks sa paparating na bagong season.
At para naman sa comical na rection ni Stephen Curry nang siya ay tinawag na 'two-way player', mga idol.
Napatunayan na nga ni Curry na siya ay isa sa greatest point guards ever to play the game, kaya naman mataas ang pagtingin sa kaniya ng mga tao dahil na rin sa kaya niyang magawa sa opensa, at hindi masyado sa depensa.
At ang abilidad niya na i-shoot ang bola kahit saan mang lugar sa loob ng court ay nakatulong upang baguhin kung papaano ilaro ang game ngayon.
At kapag narinig natin ang pangalan niya, hindi nga natin masyadong binibigyang pansin ang kaniyang depensa, bagaman mahusay din naman siya pagdating doon.
Nito lang kamakailan, mga idol, habang siya ay nakikipag-usap sa media, siya ay nagbigay ng isang comical na reaction nang siya nga ay tawagin na 'two-way player', narito at panoorin natin.
Ang trentay singko anyos na si Curry ay 14 years nang naglalaro sa NBA bilang miyembro ng Golden State Warriors, at siya ay nag-averaged ng 29.4 points, 6.1 rebounds, 6.3 assists, 0.9 steals, 0.4 blocks, 3.2 turnovers at 2.1 personal fouls per game, sa loob ng 56 appearances niya last season, at lahat doon siya ay naging starter.
Ang former Davidson star na si Curry ay may impressive accuracy sa field sa pagtira ng bola last season, 49.3 percent field-goal percentage ang naitala niya, at ito ang third-highest sa kaniyang professional career.
Bagaman na siya ay hindi na siguro mapapangalanan na isa sa All-Defensive teams sa liga, pero nagagawa naman niyang dumipensa sa abot ng kaniyang makakaya, at nakikita naman natin iyon, sa katunayan, siya ay may averaged na 1.6 steals per game sa kaniyang career.
Comments
Post a Comment