Colin Castleton, naghahanda na para sa darating na training camp para sa Los Angeles Lakers, mindset niya patungo doon inilahad niya, at LeBron James pinuri ang kaniyang anak na si Bryce James dahil sa pag-improve ng laro nito araw-araw.



Una na nating pag-usapan ay ang patungkol dito kay LeBron, mga KaDribol.

Proud na proud nga itong si LeBron sa kaniyang ikalawang anak na si Bryce, dahil patuloy nitong nai-improve ang kaniyang paglalaro.

Sa katunayan, ipinagbigay alam na niya ito sa mga college scouts at sa NBA nang bigyan niya ng malaking pagpuri ang kaniyang anak.


Nito ngang sabado, nagbahagi ang SLAM High School ng ilang bilang ng highlights plays ni Bryce mula sa Las Vegas Big Time Basketball Tournament.

Parte nga si Bryce sa team ng Strive For Greatness na kasama ang anak ni Carmelo Anthony na si Kiyan, at talaga namang nakakapag-impress siya sa competition, na ipinamamalas, hindi lang ang kaniyang athleticism, kundi maging ang kaniyang shooting at offensive arsenal, mga KaDribol.

At matapos nga na makita ni LeBron ang post ng SLAM, agad niyang ibinahagi iyon sa kaniyang Instagram Story at pinuri ang kaniyang anak para sa pagsusumikap nito na mai-improve ang kaniyang paglalaro.


At ito ang sinabi niya sa kaniyang post sa Instagram, “Getting better and better and better each time he hits the floor! Keep going young [king]."

Hindi na nga bago pa sa atin na makita ang pagsuportang ginagawa niya sa kaniyang mga anak, at hands on talaga siya pagdating sa pag-cheer kina Bronny at Bryce, at napakalaking bagay talaga na makita natin siya na mag-offer ng commendation para sa kaniyang mga anak.

Sa pagiging anak naman ni LeBron, nakakakuha nga ng maraming atensiyon itong si Bryce, at ang naging komento ni LeBron ay lalong magdaragdag ng mga titingin sa kaniya, mga KaDribol.


At kitang-kita naman na, na kaya naman nang hawakan ni Bryce ang spotlight.

At kaya naman niyang patunayan na meron talaga siyang skills upang back up-an ang sinabi ng kaniyang tatay.

At dahil nga sa patuloy na paglago ni Bryce bilang isang basketball player, hindi na nakakagulat pa kung bakit ang mga teams sa NBA gaya ng Lakers ay ini-scout na siya ngayon pa lang.


At para sa sunod nating pag-uusapan, mga KaDribol.

Ang 6-foot-11 na sentro na si Colin Castleton ay pumirma nga ng two-way contract sa Lakers pagkatapos na pagkatapos ng 2023 NBA Draft.

At matapos na pahangain niya ang mga manonood sa kaniyang skills sa pag-score, sa pagpasa at sa pagdepensa sa low-post sa ginanap na 2023 NBA Summer League, siya ngayon ay isa na sa mga kandidato para sa dalawang natitirang roster spots ng Lakers.


At sa posibility na iyon, ang 23-years old na si Castleton ay diniscuss ang kaniyang mindset sa pagpunta niya sa training camp.

Aniya, pupunta daw siya sa training camp na may tamang approach, na may kagustuhan na matuto sa mga best players sa buong mundo, mga KaDribol.

Kukunin daw niya ang lahat ng impormasyon na ibibigay nila, at pakiramdam daw niya na handa na talaga siya na maglaro sa ganoong level, kaya't tignan na lang daw natin kung ano ang mangyayari, at excited na raw siya sa traing camp.


Ang kaniya raw competitive spirit ay ang nagdadala sa kaniya, kaya obviously daw, at pakiramdam daw niya, na makikita niya ang kaniyang sarili sa ganoong role sa isang banda.

At hindi daw iyon isang bagay na ipinag-aalala o iniisip niya, at hahayaan na lang daw niya na mangyari ang proseso.

Si Castleton ay dalawang beses na  napasama sa All-Southeastern Conference, taong 2022 at 2023, at napabilang din siya sa Southeastern Conference All-Defensive Team.


Siya ay nag-averaged sa Summer League ng 13.7 points, 9.0 rebounds, 4.3 assists at 1.1 blocks per game, na may 56.3 percent shooting sa field, mga KaDribol.

At sa ganitong mga numero, madali na nga para sa kaniya na makuha ang inaasam-asam niya na lugar sa roster ng Lakers.

Naka-focus daw siya na magpasiklab sa Summer League, at pakiramdam daw niya na nagawa naman niya iyon.


Ngayon ay makakapag-focus na raw siya sa paghahanda niya para sa training camp at ilagay ang kaniyang sarili sa tamang mindset, upang magkaroon daw siya ng opportunity ngayong taon.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.