Christian Wood gusto na ng mga fans ng Los Angeles Lakers na magtungo na siya sa LA.



Christian Wood gusto na ng mga fans ng Los Angeles Lakers na magtungo na siya sa LA.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong napili na kontrata ni D'Angelo Russell sa Lakers.


Sa pagpirma nga ng kaniyang bagong kontrata sa Lakers, itong si D'Lo ay naiulat na naging unang player na nasa ilalim ng bagong Collective Bargaining Agreement ng NBA na nag-waive ng kaniyang "implied no-trade clause."

Ang bente syete anyos nga na si D'Lo na naging unrestricted free agent ay opisyal na ngang pumirma sa Lakers nitong Sabado.

Ang kaniyang dalawang taong deal ay guarantee na nagkakahalaga ng $36 million, na may player option para sa season ng 2024-25 na aabot ng hanggang $700,000 sa incentives sa bawa't season, at ngayon nga ay wala ng hahadlang sa kaniya para sa isang trade.


Ang lumang CBA kase ay kinapapalooban ng provision na nag-aalok sa mga players ng isang taong deals na maiwawala ang Bird rights kung nai-trade ng walang negosasyon, na tinatawag nga nilang "implied no-trade clause," mga KaDribol.

Pero sa makabagong CBA, ang mga players ay pwede nang i-waive ang no-trade clause kapag pumirma na sila ng kanilang kontrata, at ang naging desisyon ni D'Lo na i-waive na ang kaniyang veto rights ay malaking tulong talaga sa Lakers.

Ang kaniyang production, edad, shooting ability at mid-size annual value na nagkakahalaga ng $18 million ay mga naging dahilan upang siya ay madali lang na mai-trade, kapag nakaramdam ng Lakers na kailangan na nila na i-trade siya bago ang trade deadline.


At kung pinanatili niya ang kaniyang veto rights, mapipigilan niya ang Lakers na gumawa sa kaniya ng pagtrade sa season.

Siya nga ay nag-averaged ng 17.4 points at 6.1 assists, na may 41.4 percent shooting sa field, sa loob ng 17 games niya para sa Lakers, mga KaDribol, matapos na makuha siya mula sa Minnesota Timberwolves nu'ng February 9.

Nakatulong din siya sa Lakers upang sila ay makaabot ng conference finals, kaso nga lang biglang naging malamya ang kaniyang paglalaro laban sa Denver Nuggets, na nag-iwan nga ng mga katanungan patungkol sa kaniyang value sa open market at sa future niya sa prankisa ng Lakers.


Sa kaniyang naging exit interview, sinabi niya na gusto pa rin niyang makabalik sa Lakers at tignan kung ano ang maa-accomplish ng Lakers sa training camp at sa kabuaon ng bagong season.

At para naman sa kagustuhan na ng mga fans na magtungo na itong si Christian Wood sa Lakers, mga KaDribol.


Mainit nga ang pangalan ni Wood sa free agency sa mga nakalipas na na mga taon.

Ang mga koponan kasi ay gusto ang isang big man na humahakot ng maraming rebounds, napoprotektahan ang paint, at nakakapaglaro ng drop coverage.

Ang isa pang magandang hugot sa kaniya ay ang kaniyang kakayahan na tumira sa labas, na isa na nga sa hinahanap ngayon para sa isang sentro na kaya nilang magawa.

Ang Dallas Mavericks at ang Houston Rockets nga ay nasubukan na siya, mga KaDribol, at susunod na kaya ang Lakers?

Marami na nga ang mga naging usap-usapan patungkol sa kaniya dahil siya, hanggang sa ngayon ay available pa rin sa free agency.


Ito ay dahil na rin na ang kaniyang value ay bumagsak habang siya ay nasa Mavs pa.

At hindi na rin siya isinama nina Jason Kidd at Mark Cuban sa kanilang future, kaya ngayon ay wala na siya sa Mavs.

Sa kabila ng lahat ng ito, mga KaDribol, may isang team na inaasahan na gagawa ng hakbang para sa kaniya, at ang mga fans ng Lakers ay nakaantabay dito dahil ang kanila ngang koponan ay naghahanap ng big man.

Kailangan nila ng magiging backup nina Anthony Davis at Jaxson Hayes, kapag biglang dumating ang mga injuries at fatigue sa kanilang dalawa.

At ngayon nga ay pini-pressure na siya ng mga fans ng Lakers matapos na mabasa nila ang kaniyang cryptic tweet sa Twitter na nagsasabi na, “Bet on yourself and double down …,"


Dahil dito, nagkagulo na ang mga fans at wine-welcome na siya sa Los Angeles.

May isa ngang fan ang nagmapa na ng kaniyang magiging career sa Lakers, mga KaDribol, at nagsabi ng pagsang-ayon niya sa kaniya na magpunta na sa LA, at maglaro na kasama sina LeBron James at Anthony Davis, manalo ng kampeonato at pumirma ng apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $60 million sa susunod na season.


At may nagtanong pa nga kung anong number ang gagamitin niya sa Lakers.


Makita na nga kaya natin itong si Christian Wood sa Lakers at dito na siya maglalaro sa panibagong season na darating, ngayon na pini-pressure na siya ng mga fans ng Lakers na magtungo na siya sa Los Angeles?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.