Chris Paul gagawin bang starter sa Golden State Warriors o paglalaruin na lang ba siya mula sa bench? Victor Wembanyama bumawi sa kaniyang ikalawang game sa Summer League, mga fans nag-apologize sa kaniya, at Ben Simmons lalaro sana sa FIBA World Cup subali't hindi pinayagan ng Brooklyn Nets.



Chris Paul gagawin bang starter sa Golden State Warriors o paglalaruin na lang ba siya mula sa bench? Victor Wembanyama bumawi sa kaniyang ikalawang game sa Summer League, mga fans nag-apologize sa kaniya, at Ben Simmons lalaro sana sa FIBA World Cup subali't hindi pinayagan ng Brooklyn Nets.


Unahin na nating pag-usapan itong patungkol kay Ben Simmons na maglalaro sana sa FIBA World Cup subali't hindi pinayagan ng Brooklyn Nets, mga idol.

Limang buwan na nga ang nakakalipas nang huling masilayan itong si Simmons sa NBA, matapos na hindi siya maglaro sa kabuoan ng 2021-22 season.

Siya ay na sideline habang All-Star break at pagkatapos ay na shut down dahil sa nagkaproblema ang naging operasyon sa kaniya.


Ang Tatlong buwan ay ginugol niya sa pagpapagaling matapos ang pagtatapos ng season ng Brooklyn Nets at hindi na nga siya nakapaglaro ng basketball mula no'n, mga idol.

Pero may rumors na baka raw siya ay makapaglaro sa FIBA World Cup para sa Team ng Australia sa darating na August, pero agad naman din daw na ipinagbigay alam ng Nets na hindi siya makakasali doon dahil naka-focus siya ngayon sa kaniyang pagpapagaling.

Matapos nga kasi na maoperahan ang kaniyang likod nu'ng nakaraang pang summer, siya ay nagkapaglaro lamang nu'ng nakaraang season ng 42 games habang nakikipaglaban sa kaniyang injuries sa tuhod, sa binti at sa likod, at nag-average lamang ng 6.9 points, 6.3 rebounds at 6.1 assists per game.


At patungkol naman sa pagbawi ni Victor Wembanyama sa kaniyang ikalawang game, mga idol.

Marami nga ang nadismaya sa unang game ni Wembanyama sa Summer League sa Vegas dahil sa hindi kasi siya nakapagpamalas ng magandang paglalaro na inaasahan nga na mapapanood sa kaniya sa kaniyang debut game bilang Spurs member.

Pero lahat ng iyon ay nabago ng siya ay nagperform na ng maganda sa kaniyang second game laban sa Portland Trail Blazers, kung saan siya ay nagtapos na may double-double performance, 27 points at 12 rebounds.


Naging incredible nga siya sa loob ng court, mga idol, naipapasok niya ang kaniyang mga tira sa tres at nakita na nga rin sa kaniya ang isang talentadong prospect na inaasahan na makita sa kaniya ng karamihan.

Kaya naman, pagkatapos ng game, ipinaabot ng mga fans  kay Wembanyama ang kanilang naging kasiyahan dahil sa kanilang napanood sa kaniya, at ang iba naman ay humingi ng paumanhin dahil sa pinagdudahan agad nila ang laro niya.

Kaya hindi talaga tama na husgahan na natin agad ang isang rookie dahil sa isang game pa lang na nailaro niya, at maraming mga rookies ang nakaranas din naman ng pangit na paglalaro nila sa kanilang unang game sa Summer League, pero hindi naman sila pinutakte agad ng batikos na gaya ng natamo ni Wembanyama.


At patungkol naman kay Chris Paul kung siya ba ay gagawing starter o hindi, mga idol.

Ang pagkadagdag nga ni Chris Paul sa Golden State Warriors ay nagbigay ng potensiyal sa kanila na manatiling bukas ang bintana para sa kanila para sa isang kampeonato, pero ang malaking katanungan dito ay, siya ba ay magiging starter o maglalaro ba siya na mula sa bench?

Alam naman na natin na ang maibibigay ni Paul sa Warriors ay ang kaniyang skills sa pagdala ng bola at ang pagiging playmaker niya, na makakapagpabawas nga ito sa pressure na dala-dala ni Stephen Curry sa loob ng court.


Makikita din naman natin siguro itong sina Curry at Paul na magkasamang madalas sa loob ng court ng maraming oras para sa kanilang backcourt tandem, at mag-aallow pa ito kay Curry na makakita ng mas maraming opportunities sa kaniyang off-ball plays.

Bagaman na si Paul ay nasa twilihght na ng kaniyang career, may kakayahan pa rin naman siya na maging isang impact player, na nito nga lang nakaraang season ay nag-averaged pa siya ng 13.9 points per game, 4.3 rebounds, 8.9 assists at 1.5 steals.


44.0 percent shooting mula sa field, 37.5 percent mula sa tres at 83.1 percent shooting naman mula sa free-throw line, kaya hindi na mahalaga pa kung siya ba ay magiging starter sa Warriors o bench player na lang dahil ang importante ay ang maibibigay niyang tulong sa kanila, anomang role ang ipagkaloob sa kaniya ni Steve Kerr.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.