Charles Barkley, sinabihan si Kevin Durant na masyado raw sensitibo, alitan nilang dawala, matatapos pa kaya? At former NBA superstar na si Tracy McGrady may sinabi na makakapukaw pansin kina LeBron James at Shaquille O'Neal.



Una nating pag-usapan ang patungkol dito kay Tracy McGrady, mga KaTop Sports.

Minsan na nga tayong pinahanga ni Tracy McGrady sa kaniyang ipinamalas na paglalaro sa NBA, sa mga nakaabot ng prime ni T-Mac sa NBA, alam kung ano ang sinasabi ko.

Ang binansagang "The Big Sleep" ay pitong beses na napasama sa All-NBA selection, patunay ng kaniyang kahusayan sa larangan ng basketball.


At nang siya ay ma-interview ni Ryen Russillo ng The Ringers, sinabi niya na siya ay may talentong extra ordinaryo, at nagtrabaho raw siya ng husto upang malagpasan pa niya kung ano ang inaasahan sa kaniya ng liga.

Pero isang bagay ang kapansin-pansin sa mga sinabi niya, nang sabihin niya na ang talent niya ay maihahalintulad kay NBA icon Kobe Bryant, mga KaTop Sports.

Si Kobe na 5-time NBA Champion, 15-time All-NBA selection, 12-time All-Defensive selection at isa sa pinaka maimpluwensiyang player sa game na nakita natin.


Pero sa kabila ng lahat ng naabot na iyon ni Kobe, hindi pa rin nagpapigil itong si McGrady sa kaniyang mga sinabi.

Si McGrady nga ay pumasok sa NBA mula sa high school taong 1997, at ngayon nga ay binibigyang linaw niya na siya ay isang player na ka-level ni Kobe pagdating sa talent at hindi sa success.

Ang talent daw niya ay kayang makipagsabayan sa level ng talent ng mga naglaro na sa NBA, mga KaTop Sports.


Hindi daw siya nakapaglaro na kasama si Shaquille O'Neal, o kasama man si LeBron James, at si Yao Ming lang daw ang best na naging teammate niya, pagkatapos ay hindi pa raw sila palaging nananatiling healthy.

Hindi rin daw siya nakapaglaro sa isang championship team, pero kapag tinignan daw natin ang antas ng talento, hindi daw siya maku-kwestyon du'n o maikalaila iyon sa kaniya na meron siya no'n.

Bagaman na hindi naman nagawa ni McGrady na makalagpas sa unang round ng playoffs, hanggang sa mapasama na nga siya sa team ng San Antonio sa panahon na patapos na ang kaniyang career, ang mga numero na nagawa niya nu'ng kasagsagan pa ng kaniyang prime ay ang tinutukoy niya na level ng talent na maihahalintulad sa lahat ng magagaling na players na naglaro na sa NBA.


Sa mga panahon na siya ay naglaro sa Orlando Magic at Houston Rockets, na siya ay nag-averaged ng 29.5 points, 6.9 rebounds, 6.5 assists, 1.4 steals at 1.1 blocks per game.

At para naman sa sunod nating pag-uusapan, mga KaTop Sports.

May namuo na ngang hidawaan sa pagitan ni Charles Barkley at Kevin Durant, magbuhat pa nang taong 2021, nu'ng si Durant ay nasa Brooklyn Nets pa.


Dahil na rin sa madalas na pag-kritiko ni Barkley sa mga kasalukuyang players ngayon ng NBA, at kung naaalala niyo pa, tinawag pa nga ni Durant na 'idiot' itong si Barkley dahil sa naging komento nito patungkol sa COVID-19 vaccine.

Magmula no'n, nagbatuhan na ng maaanghang na salita ang dalawa sa isa't-isa kapag sila ay nagkakaroon ng pagkakataon.

Nung nakaraang April, sinabi ni Durant na hindi siya uupo na katabi si Barkley kahit na ba bigyan pa siya ng pagkakataong makatabi sa upuan si Barkley, dahil daw sa mga sinasabi ni Brakley na hindi magaganda sa kanila, mga KaTop Sports.


At nito lang recent interview kay Barkley, nagbitiw na naman siya nang isang maanghang na salita para kay Durant, at ang sabi niya kay Durant ay masyado raw sensitibo itong si Durant, at hindi raw kayang hawakan ang mga pagkritiko sa kaniya.

Ang nasa isip daw ni Durant porke siya ay isang magaling na player eh hindi na siya pwedeng i-criticized.

Bakit hindi raw siya tumingin sa salamin at sabihin na kung patas lang ba ang pagkritiko sa kaniya?


Pero may karapatan din naman si Durant na mag-react sa bawa't pagkritiko na ibinabato sa kaniya, mga KaTop Sports.

Dahil kung pwede kay Barkley na isang analyst na sabihin ang gusto nilang sabihin, ganoon din naman sa mga players, pwede rin nilang sabihin ang gusto nilang sabihin.

Pero, totoo din naman, kung minsan sobra na rin naman ang pag-react ni Durant sa mga bagay na ibinabato sa kaniya.


Palagi siyang may sagot sa social media, kaya iyon ang naging rason kung bakit na ang gaya ni Barkley ay iniisip na siya ay masyadong sensitibo o maramdamin.

Ika nga ng iba eh, iyakin daw si Durant, mga KaTop Sports.

Pero malay natin, baka gusto lang talaga ni Durant na pumasok sa mga maiinit na sagutan at mga debate, diba?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.