Austin Reaves sumagot na patungkol sa pakikipag-date niya di umano kay Taylor Swift, at isang sentro na mula sa free agency, hindi nakuha ng Los Angeles Lakers, pumirma na sa ibang koponan.
Una nating pag-usapan, mga KaDribol, ang patungkol sa sentro na hindi nakuha ng Lakers.
Ang Lakers nga ay naghahanap pa rin ng bigman, kahit na ba na gumawa na sila ng ilang pagkilos sa free agency.
Naidagdag man nila si Jaxson Hayes pero dahil sa injury prone na itong si Anthony Davis naghahanap pa rin sila para sa mas maraming insurance sa posisyon ng dalawa.
At isang sentro nga ang hindi nila nakuha at ito ay si Nerlens Noel, isa sa best rim protectors na natira sa free agency, matapos na ang Sacramento Kings na nanalo ng 48 games at naging 3rd seed sa Western Conference ay tinalo sila para sa pagpirma ng 29-years old na si Noel.
Ang Lakers nga ay nagpakita ng interest na mapapirma nila itong si Noel, subali't ngayon ay pumirma na siya ng isang taong kontrata sa Kings na nagkakahalaga ng $3.1 million, mga KaDribol.
Nakakagulat nga na mas pinili ni Nerlens ang pumirma sa Kings kaysa sa Lakers, sa kabila na mas mataas ang chance niya na maging second-string big man ng Lakers kay Jaxson Hayes.
Sa Sacramento, kailangan pa niyang makipag compete para sa minuto
Kina Trey Lyles, Alex Len at Sasha Vezenkov, sa likod ni Domantas Sabonis.
Siguro kaya mas pinili niya ang Sacramento, naniniwala siguro siya na sa Kings ay mapagsisikapan niya na muling buhayin ang kaniyang career, matapos na bumagsak ito sa nakalipas na na mga taon.
Last season, siya ay nakapaglaro ng 17 games sa mga koponan ng Detroit Pistons at Brooklyn Nets, mga KaDribol, at bago ang last season, siya ay nakapaglaro lamang ng 25 games sa New York Knicks dahil sa dami ng injuries na natamo niya.
Matapos nga na ma-missed ng Lakers
Itong si Nerlens Noel, ano kaya ang gagawin nila upang makapagdagdag pa ng lalim sa pwesto ng kanilang sentro?
Sana lang ay makakuha na nila itong si Christian Wood na ilang araw na ngang napapabalita na gusto rin nila na makuha.
At para sa sunod nating pag-uusapan, mga KaDribol.
Ang taon ng 2023 ni Austin Reaves ay punong-puno nga ng success, hindi lang sa dahil siya ay nag-emerged
Bilang isang napaka importanteng player ng Lakers, kundi nagawa rin niya na makapirma ng apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $56 million mula sa free agency, at napakagandang pangyayari ito para sa isang undrafted player na kagaya niya.
Pero mukhang siya ay handa na na humakbang ng malaki sa superstardom, matapos na kumalat ang mga rumors na siya raw ay nakikipag-date di umano sa multi-time Grammy award winning pop star na si Taylor Swift.
Pero ang inpormasyon na iyon ay mukhang galing lamang sa imahinasyon ng isang tao dahil pinatikom na nga ni Reaves
Ang mga kumakalat na rumors na siya ay nakikipag-date kay Taylor Swift.
Na inamin niya na kailanman ay hindi pa siya nakipagkita kay Taylor Swift, mga KaDribol.
Masamang balita ito para sa mga umaasa na may namumuo na ngang romace dito kina Austin Reaves at Taylor Swift.
May matagal na ngang girlfriend itong si Austin Reaves at siya ay si Jenna Barber na nakilala niya nu'ng sila ay nasa Arkansas pa.
May mga ipinost pa nga itong si Barber na nagpagpapakita ng pagsuporta niya sa kaniyang boyfriend, habang ang Lakers ay lumalaban sa playoffs last season.
Si Taylor Swift naman ay nasa gitna ng kaniyang Eras Tour, kaya wala rin siyang panahon para sa mga romantic moments, mga KaDribol, kaya mukhang kapuwa masaya naman itong sina Reaves at Swift sa buhay nila ngayon.
Kaya ngayon na nilinaw na ni Reaves ang patungkol dito, mas makabubuti siguro na iwan na natin ang patungkol sa topic na ito
Comments
Post a Comment