Austin Reaves pumirma na ng kontrata sa Los Angeles Lakers mula sa free agency.



Austin Reaves pumirma na ng kontrata sa Los Angeles Lakers mula sa free agency.


Pero bago natin pag-usapan iyan, mga KaDribol, pag-usapan muna natin itong pinirmahang kontrata ni D'Angelo Russell sa Lakers mula rin sa free agency.


Pumirma na nga si D-Lo ng kontrata sa Lakers at ito ay dalawang taong kontrata na nagkakahalaga ng $37 million, na may second year player option.

Si Russell na kumita ng $31.7 million last season, na initially ay tumaas sa kaniyang $25 million na kikinikita kada taon sa apat na taon na galing sa Minnesota Timberwolves,

Ay hindi na nga makakakuha ng ganoon sa susunod na dalawang taon dahil na rin sa kaniyang nakaka-disappoint na performance nu'ng nakaraang conference finals.


Pwede din naman na i-sign-and-trade ng Lakers itong si D-Lo o kaya ay hayaan na lamang siyang umalis upang makapag-save sila ng pera, mga KaDribol, pero kinuha pa rin nila si D-Lo kahit na ba na kinuha na nila si Gabe Vincent.

Pero pwede pa rin naman siyang i-trade ng Lakers, dahil ang kaniyang midsize na kontrata, ang quality ng kaniyang production, at ang edad niya na bente syete ay madali para siya ay mailipat sa ibang team kung kinakailangan.

Pero sa ngayon, mukhang siya ay mananatali pa rin sa starting line up ni Darvin Ham sa pagbubukas ng panibagong season.


Si D-Lo nga ay nag-spent ng dalawang seasons sa Lakers matapos na siya ay mapili bilang pang No.2 overall pick sa 2015 NBA Draft.

Matapos na siya ay mag-averaged ng 15.6 points sa season ng 2016-17, itinrade siya ng Lakers sa Brooklyn Nets, mga KaDribol, dahil sa pag-question na rin ni Magic Johnson na noon ay kanilang co-president, sa kaniyang maturity.

Siya ay naging All-Star sa edad na bente dos habang siya ay nasa Brooklyn pa, at bago matapos ang season ng 2019-20, siya ay naipadala sa Golden State Warriors bilang parte ng sign-and-trade kay Kevin Durant.


Nakakuha siya ng apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $117.3 million, at pagkatapos ng 33 games niya sa Warriors, siya ay naitrade naman sa Minnesota Timberwolves, na doon siya ay gumugol ng apat na seasons.

Maganda ang inilaro niya sa unang dalawang rounds ng playoffs last postseason, na siya ay nag-average doon ng 15.7 points at 5.0 assists, na may 37% shooting sa tres.

Subali't siya ay nabangko sa Game 4 sa West Finals laban sa Denver Nuggets matapos na siya mag-struggle sa seryeng iyon.

At para naman sa pagpirma ni Austin Reaves ng kontrata sa Lakers, mga KaDribol.


Pumirma na nga ng apat na taong kontrata itong si Reaves sa Lakers na nagkakahalaga ng $56 million.

Kasama sa nasabing kontrata ang isang player option sa final year nito, isang 15 percent trade kicker at isang maximum allowable advance, lahat ng incentives na ito ay ibinigay nila kay Reaves upang masiguro lamang na mananatili pa rin siya sa Los Angeles.

At dahil sa siya ay eligible lamang na makakuha ng nasa $12 million sa paparating na season, mga KaDribol, nagawa ng Lakers na siya ay mapanatili nila na kasama sina Rui Hachimura at D' Angelo Russell, at nadagdag pa sa kanila sina Gabe Vincent, Taurean Prince, Jaxson Hayse at Cam Reddish.


Ngayon ay may natitira pa sa Lakers na $8 million under ng $172 million hard-cap at $1.3 million under naman sa luxury tax.

Si Reaves na lumaki bilang isang fan ni Kobe Bryant sa probinsiya ng Arkansas ay hindi na nagdalawang isip pa na manatili siya sa Lakers ng siya ay alukin ng panibagong kontrata.

Tinanggihan niya na mapili sa second round ng 2021 NBA Draft upang mapunta lamang sa Lakers, mga KaDribol, at agad naman siyang nabigyan ng Lakers ng dalawang taong kontrata, na bihira nating makita para sa isang undrafted na player.


Siya ay nag-emerge bilang isang key rotation piece ng Lakers at naging fan favorate din siya sa kalagitnaan ng kaniyang rookie season, na siya ay nakapagdisplay ng kaniyang elite na two-way feel sa game.

Sa katatapos lang na season, siya ang naging third-best player ng Lakers, lalo na nu'ng kunin na niya ang duties ng pagiging playmaker pagkatapos ng trade deadline.


Tumaas lalo ang antas ng kaniyang paglalaro pagsapit ng playoffs, mga KaDribol, na ito ay kauna-unahan niyang tungtong sa playoffs at siya ay nag-averaged ng 16.9 points, 4.4 rebounds at 4.6 assists, habang may 44.6% shooting sa tres.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.