Austin Reaves, pinili ni Steve Kerr na mapasama sa Team USA na walang kahirap-hirap, Phoenix Suns, interesado kay Bol Bol matapos na ito ay i-waive ng Orlando Magic, At Marcus Smart, nagsalita na patungkol sa pagkakasuspinde ni Ja Morant.
Austin Reaves, pinili ni Steve Kerr na mapasama sa Team USA na walang kahirap-hirap, Phoenix Suns, interesado kay Bol Bol matapos na ito ay i-waive ng Orlando Magic, At Marcus Smart, nagsalita na patungkol sa pagkakasuspinde ni Ja Morant.
Unahin nating pag-usapan, mga KaDribol ay ang patungkol sa sinabi na ito ni Smart kay Morant.
Nakuha nga ng Memphis Grizzlies itong si Marcus Smart mula sa Boston Celitcs sa isang three-team trade, at siya ay kilala sa kaniyang kahusayan sa pagdepensa nu'ng siya ay nasa Celtics pa.
At nang matanong siya patungkol sa ipinataw na suspensiyon kay Ja Morant, sinabi niya na si Morant ay isang special na player, at napakaimportante raw nito sa kanilang team.
At upang makagawa raw sila ng magagandang bagay sa court, mga KaDribol, kailangan daw nila si Morant, at bilang isang palaban na player, gustong-gusto raw niya na itinutulak ang kaniyang mga kasama na lagpasan ang kanilang mga limitasyon.
Nagawa na raw niya iyon sa Boston at gusto naman daw niya na magawa iyon kay Morant, lalo na at isang magaling na player talaga itong si Morant at totoong kailangan nila ang isang kagaya niya.
Ang pagkadagdag nga ni Smart sa Memphis ay napakahalaga, dahil hindi nga makakapaglaro itong si Morant ng 25 games, at si Smart ang magsisilbing kapalitan muna niya bilang tatayong leader para sa kanilang koponan sa loob ng court.
At para naman sa pagkakaroon ng interest ng Suns kay Bol Bol, mga KaDribol.
Matapos nga na makuha ng Suns sa trade si Bradley Beal, patuloy pa rin silang naka-focus sa pag-improve ng kanilang bench, at matapos nga na mai-waive na ng Magic itong si Bol, ngayon ay target na siya na makuha ng Suns.
Matapos nga na mai-waive naman ng Suns si Isiah Todd na nakuha nila sa isang trade, may roster spot na sila ngayon para sa potensiyal na signing na gagawin nila para kay Bol.
Isang taon nga lang ang inilaro ni Bol sa Magic, mga KaDribol, at kahit na ba siya ay nagkakahalaga lamang ng $2.2 million, wala pa ring koponan ang kumukuha sa kaniya at siya ay free agent pa rin, pero ngayon ang Suns ay nagkaka-interest na sa kaniya.
Si Bol ay nakapaglaro sa Magic ng 70 games last season at siya ay nag-averaged ng 9.1 points, 5.8 rebounds at 1.2 blocks sa loob ng 21.5 minutes per game,
At dahil sa pagkuha ng Suns kay Beal, sila ngayon ay all-in na sa kanilang Big 3 na sina Kevin Durant, Devin Booker at Bradley Beal, subali't malaki talaga ang naging cost nang pagbuo nila sa tatlong ito, na ngayon nga ay ramdam na nila sa pagsulong pa nila sa pagpapabuti ng kanilang koponan.
At para naman sa pagpili ni Steve Kerr kay Austin Reaves para sa Team USA, mga KaDribol.
Naging madali nga para kay Steve Kerr na isama si Austin Reaves sa roster ng Team USA para sa 2023 FIBA World Cup, matapos na ma-witness niya ang magandang paglalaro nito para sa Los Angeles Lakers laban sa kanilang koponan na Golden State Warriors sa playoffs.
At ayon pa kay Kerr, si Reaves daw ay isang rising young player, na hahanapin mo na maisama para sa FIBA dahil sa kaniyang versatiltlity, may size na defender at may abilidad na mag-switch at bumantay sa iba't-ibang posisiyon, na may playmaking skills din na taglay.
Kailangan daw nila ang player na kayang gumawa ng kaniyang tira at kaya ring ibaba ang bola at isang magaling din sa pagpasa ng bola, mga KaDribol, at lahat daw na iyon ay makikita natin kay Austin Reaves.
Si Reaves ay nag-averaged ng 14.3 points, 4.2 rebounds at 3.7 assists, na may 41.8 percent shooting sa field at 42.2 percent shooting naman sa tres laban sa Warriors nu'ng playoffs.
At ang naging 21 points niya sa Game 4 ang nakatulong sa Lakers upang ma-establish nila ang 3-1 na kalamangan sa serye nila laban sa Warriors, at ito ang ilan lang sa nagpadali kay Kerr upang magdesisyon siya na isama sa roster ng Team USA itong si Reaves.
Comments
Post a Comment