Anak ni LeBron na si Bryce James, may pinagpipilaang High Schools na malilipatan niya, saan kaya aangkop ang kaniyang laruan?
Habang sinusubukan na ng pamilyang James na magpatuloy sa buhay, matapos ang isang nakakatakot na sinapit ni Bronny James na cardiac arrest, patuloy naman si Bryce sa kaniyang sariling mga activities, ang 16 years old na isa nang four-star forward sa Class 2025, sa kaniyang murang edad.
Ay patuloy sa paghahanap ng malilipatang eskwelahan mula sa Sierra Canyon High School, at mukhang hindi raw siya lilipat sa Campbell Hall High School sa North Hollywood kundi siya ay lilipat sa Notre Dame sa Sherman Oaks.
At kapag natuloy na siya ay lumipat sa Notre Dame High School, makakampi niya ang four-star point guard na si Mercy Miller, ang anak ng rapper na si Master P.
Ang Notre Dame Knights nga last season ay nagkaroon ng win-lose record na 27-10, na si Caleb Foster ay nag-averaged ng 21.4 points per game, si Dusty Stromer naman ay 17.3 points per game, at si Mercy Miller nga ay nag-averaged ng 17.1 points per game, na sila ang mga nanguna sa kanilang team sa scoring, mga KaDribol.
Pinangunahan din ni Miller ang kanilang team sa rebounds, 8.8 rebounds per game, at sa steals, 1.5 steals per game, na may 45 percent shooting sa field at 39 percent shooting sa tres.
Bale ang mangyayari nito kay Bryce, kapag sa Notre Dame siya lumipat, mapapaligiran siya ng mga talentadong players, pero kapag sa Campbell Hall siya nagpa-transfer, mas magkakaroon siya ng magandang pagkakataon na mapalago ang kaniyang paglalaro.
Dahil hindi gaya ng Knights, ang Campbell Hall ay may isa lamang player na nag-averaged ng higit sa 17 points per game last season.
At isa lang sa Vikings ang may mataas sa 35 percent shooting sa tres last season, mga KaDribol.
Pero hindi naman na siguro mahalaga pa kahit saan siya lumipat, dahil ang magkakapatid na Holiday na sina Jrue, Justin at Aaron ay naglaro sa Campbell Hall.
At kung pipili siguro si LeBron, baka ang piliin niya ay doon sa makakapagturo sa kaniyang anak ng depensa na taglay nga ng magkakapatid na Holiday, at kapag nakapagdagdag si Bryce ng depensa sa kaniyang paglalaro, tataas talaga ang antas ng kaniyang laruan.
Comments
Post a Comment