1 percent lang daw ang chance ng Golden State Warriors sa pagpasok ng bagong season, iyan ang sabi ni Kendrick Perkins.
1 percent lang daw ang chance ng Golden State Warriors sa pagpasok ng bagong season, iyan ang sabi ni Kendrick Perkins.
Pero bago natin pag-usapan iyan, mga idol, pag-usapan muna natin itong natanggap raw na advice ng rookie ng Portland Trail Blazers na si Scoot Henderson kay Stephen Curry.
Kahit na ba na hindi siya ang naging first overall pick sa naganap na 2023 NBA Draft, si Henderson ay isa pa rin sa most exciting prospects na papasok sa NBA.
Matapos na mapili bilang third overall ng Blazers, ginagawa niya ang lahat na magagawa niya bago niya ilaro ang kaniyang unang totoong game sa NBA, at isa na nga rito ay ang pagtanggap niya ng advice sa isang legend ng Golden State Warriors na si Stephen Curry.
Marami nga sa mga players na pumapasok sa liga ngayon ay lumaki na pinanonood at iniidulo itong si Curry, kaya big deal talaga ang magkaroon ka ng chance na makapag-interact sa kaniya bago ka pumasok sa liga.
At iyon nga ang nangyari kay Henderson, mga idol, na nito nga lang ay ini-revealed niya ang isang piece of advice na natanggap niya kay Curry pagdating sa pagiging isang mahusay sa mahabang panahon sa liga.
Mahirap daw mahanap iyon sa bawa't season at sa araw-araw, pero iyon daw ang ginagawa ng magagaling na players, at sabi raw nila na ang magagaling na players ay nabo-bored na gawin ang isang paulit-ulit na bagay, at ganoon din daw ang mangyayari kay Henderson.
Kailangan daw niyang makahanap ng kasiyahan doon, kahit papaano, kung ito man ay sa isang taon, limang taon, o kung papalarain, 10 years, o 18 years, o kagaya ng naabot na ni LeBron James, kailangan daw niyang makahanap ng kasiyahan doon.
Na master na nga ni Curry ang maglaro ng basketball sa mataas na antas sa mahabang panahon na, at ngayon nga ay handa siya na tulungan naman ang mga batang players na gaya ni Henderson, upang malaman nila kung papaano gawin iyon ng kagaya ng kung papaano nagawa iyon ni Curry.
Hindi nga magiging madali iyon, mga idol, pero mukhang may tamang mindset itong si Henderson na kailangan niya upang siya ay mag-succeed sa NBA, at kapag nagawa niya ang advice sa kaniya ni Curry, posible ngang masundan niya ang footstep ni Curry at magkaroon din siya ng mahaba at succeesful na career.
At para nama sa sinabi ni Perkins na 1 percent lang daw ang chance ng Warriors sa pagpasok nila sa panibagong season, mga idol.
Bumagsak nga ang Warriors last season at hindi na nakapagpatuloy pang muli sa finals, matapos na makuha nila ang kanilang ika-apat na kampeonato nung nakaraang taon.
Nakaabot nga sila sa West Semis, pero ang kanilang shortcomings ay nai-exposed ng Los Angeles Lakers, na nagresulta nga ng isang nakaka-disappoint na second round exit para sa kanila na defending champions.
Ngayon ay naghahanda na sila na mag-bounce back sa panibagong season na darating, at nag-all in na nga sila kay Chris Paul bilang kanilang key piece na potentially ay mag-eelevate ng kanilang game sa darating na season.
Pero kapag si Perkins ang tatanungin, mga idol, hindi raw siya naniniwala na ang Warriors ay makakakuha pa uli ng titulo, at 1 percent lang daw ang chance ng Warriors na makaabot sa NBA Finals.
At hindi raw iyon dahil sa addition ni Chris Paul, iyon daw ay dahil kay Curry, dahil sa bawa't oras daw na siya ay nasa team at nasa serye, nagkakaroon daw siya ng historical moment.
Kaya't hindi raw niya mabigyan ng zero percent ang Warriors ay dahil kay Curry, dahil sa kakayahan niyang dominahin ang game, kaya 1 percent daw ang ibinibigay niya.
Napakalupit na pagtingin ito ni Perkins sa Warriors, pero pinuri pa rin naman niya si Curry dahil sa ability niya na maging epektibo sa anomang game, pero sa mga kasama ni Curry, wala raw siyang confidence sa kanila.
Ang mga pinili ni Perkins na mga teams na may laban sa West kaysa sa Warriors, mga idol, ay ang Denver Nuggets, Los Angeles Lakers, Sacramento Kings, at Phoenix Suns.
Pero kilala naman na natin itong si Perkins, matagal na siyang walang paniniwala sa kayang magawa ng Golden State Warrios.
Comments
Post a Comment