Warriors nakakatanggap na raw ng mga tawag sa ibang koponan para kina Jordan Poole at Jonathan Kuminga para sa isang trade.
Marami nga ang dapat gawin ng Golden State Warriors ngayong offseason, mga idol, at nag-umpisa na nga ito sa pag-alis sa kanila ni Bob Myers at pagkuha naman nila kay Mike Dunleavy Jr. bilang kanilang bagong general manager.
Ngayon nasa mga kamay na ni Dunleavy kung papaano gagawing championship contender muli ang Warriors sa susunod na season, at ito ay magbubunga ng kaniyang mga gagawing desisyon para sa kanilang mga players, kabilang sina Jordan Poole at Jonathan Kuminga.
Pwede nilang i-trade sina Poole at Kuminga, o kaya ay kumuha na lang sila ng ibang players na aangkop sa dalawa at iba na lang ang kanilang alisin, pero kung susubukan nila na ilagay sa trade market ang dalawa, malaki rin siguro ang makukuha nilang kapalit para sa kanila.
Kaya ang offseason na ito ay isang kaabang-abang na offseaosn para kina Poole at Kuminga, dahil nu'ng nakalipas lang na season, malaki ang ginampanan ni Poole para sa Warriors upang makuha nila ang 2022 NBA Championship pero nitong katatapos lang na season, biglang nagbago ang lahat sa kaniya.
Samantalang si Kuminga naman ay nagpamalas ng potensiyal na maging star balang araw sa dalawang seasons na nailaro na niya sa Warriors, mga idol, subali't malaking parte ng kaniyang paglalaro ay wala siya sa rotation ng kanilang koponan.
Nito lang nakaraang season, si Poole ay nag-average ng 20.4 points per game, 2.7 rebounds at 4.5 assists, na may shooting splits na 43 percent shooting sa field, 33.6 percent shooting sa tres at 87 percent sa free throw line.
Si Kuminga naman ay nag-averaged ng 9.9 points per game, 3.4 rebounds at 1.9 assists, na may shooting splits na 52.5 percent shooting sa field, 37 percent shooting sa tres at 65.2 percent shooting sa free throw line.
May kakayahan talaga itong sina Poole at Kuminga na maging contributors sa isang may laban na koponan, kaya nasa sa Warriors na lang kung saan sila ilalagay, kung saan sila aangkop, kaya isang napakahalagang desisyon ang gagawin dito ng Warriors.
Ang isa pa sa desisyon na dapat pag-isipan ng Warriors ay patungkol dito kay Draymond Green, mga idol, kung siya ba ay sa kanila pa rin maglalaro o bibitawan na siya, kung gustuhin na ni Green na maging free agent na ngayong offseason.
Isa pa ay si Klay Thompson, kung ipagpapalit na rin ba nila siya para lang palakasin pa ang kanilang roster at magkaroon ng mas mataas na pag-asa na makakuha muli ng kampeonato.
Bagaman may sinabi na raw ang Warriors na hindi sila magti-trade dahil lang sa cost cutting, hindi naman daw ibig sabihin nito na ligtas na ang ibang players ng Warriors na hindi nga sila maiti-trade, gaya nga nina Jordan Poole at Jonathan Kuminga.
Bukod dito, may mga balita rin na nakakatanggap na raw ang Warriors ng mga tawag na galing sa ibang koponan para sa isang trade, at dahil sa papalapit na ang NBA Draft, gusto raw ng Warriors na mas tumaas sa pang No.19 ang kanilang pick, at gagamitin daw nila si Kuminga para makakuha ng mas mataas na pick.
Pero pwede rin naman na mag-stay na lang ang Warriors sa kung anong merong draft pick sila ngayon at huwag na lang nilang i-trade itong si Kuminga, mga idol, pero kung mag-decide sila na i-trade si Kuminga sa araw ng draft, si Kuminga lang talaga ang saktong player nila para doon.
Dahil maganda naman nga ang inilaro ni Kuminga sa nakalipas na dalawang seasons na niya sa Warriors, kahit na ba na bigla siyang nawala sa kanilang rotation, may potensiyal talaga itong si Kuminga na maging star balang araw, gaya ni Jordan Poole.
At dahil sa mga balitang ito, posible nga na sa pagsisimula ng panibagong season, makikita na natin sina Poole at Kuminga na iba na ang suot na Jersey at wala na sila sa Warriors, pero ang mas kaabang-abang dito, sinu-sino kaya ang magiging kapalit nila.
Comments
Post a Comment