Unang nalaman pala ni Chris Paul sa kaniyang anak na siya ay nai-trade na sa Golden State Warriors.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ng Rookie ng Portland Trail Blazers na si Scoot Henderson patungkol sa jersey number ni Damian Lillard.
Nakakuha nga ng ginto ang Blazers sa katatapos lang na 2023 NBA Draft, mga idol, hindi man nila nakuha si Victor Wembanyama, pero ang katotohanan na nakuha nila si Scoot Henderson bilang third overall pick ay isang napakalaking panalo na sa kanilang organisasyon.
Dahil kung hindi lamang kay Wembanyama, para sa iba, si Henderson ang magiging top pick sa nasabing draft.
Ngayon na siya ay opisyal nang miyembro ng Blazers, isa sa dapat na unahin ay ang pagpili niya ng kaniyang jersey number.
Ang dise-nueve anyos na si Henderson ay gamit ang No.0 nang siya ay naglalaro pa sa NBA G Leauge Ignite, pero ngayon, hindi na niya magagamit iyon dahil gamit na ni Damian Lillard ang number zero magbuhat ng dumating siya sa Portland.
At ayon kay Henderson, mga idol, ang destiny daw ay naglalaro ng kaunting role sa kaniya upang siya ay gumamit ng No.00, at iyon daw ang pinipili niya dahil nakita na niya ang roster, at obvious naman daw na may gumagamit na ng No.0.
Malamang ang mga fans ng Blazers ay ayaw na marinig ito, pero posibleng magamit pa rin ni Henderson ang No.0 kapag magdesisyon itong si Lillard na lumipat na ng ibang koponan.
Anoman ang maging kaso dito, ang pagdating ni Henderson sa kanilang grupo ay may malaking magiging epekto talaga sa future ni Lillard sa Portland.
At para naman sa pagkaalam ni Chris Paul sa kaniyang anak na siya ay nai-trade na sa Golden State Warriors, mga idol.
Siguro dapat nang i-hire ni Paul ang kaniyang anak bilang kaniyang agent, dahil sa ikalawang pagkakataon, na walang isang linggo, ang anak niya ang nagpaalam sa kaniya na siya ay nai-trade na.
Nung Lunes, ang kaniyang anak na 14 years old ang nag-text sa kaniya na siya ay nai-trade na sa Washington Wizards, at nu'ng Biyernes naman, siya rin, si Chris Paul Jr., ang nagsabi sa kaniyang tatay na nai-trade na siya sa Warriors.
Nasa gym daw no'n si Paul at naglalaro ng pickup game, at pagkatapos ng game, lumapit daw ang kaniyang anak at sinabi nga na nai-trade uli siya.
At ang naging tugon niya sa pagkaka-trade sa kaniya sa Warriors ay, kung saan daw siya magkakaroon ng pagkakataong manalo ay doon daw siya, at excited na raw siya na maglaro para sa Golden State.
Nu'ng makuha ng Wizards itong si Paul sa Phoenix Suns sa pamamagitan ng Bradley Beal trade, inisip na ng karamihan na mag-ii-stay siya ng matagal sa Washington, pero hindi naman pala.
At ang dalawang teams sa Los Angeles na Clippers at Lakers ay ang dalawang koponan na ikinu-consider na mas may katotohanan na mapuntahan niya, pero hindi rin pala.
Dahil isa sa mga rivals nila sa West ang kumuha sa kaniya, sa pamamagitan ng isang trade na kinasangkutan nina Jordan Poole at Ryan Rollins, na may kasamang protected 2030 first-round pick at 2027 second-round pick.
Sa Golden State, mga idol, siya ay inaasahan na magiging back up ni Stephen Curry, at susubukan niyang makapanalo ng kampeonato sa prankisa na pumigil sa kaniya na makatungtong ng NBA Finals ng ilang beses sa nagdaang mga taon.
Comments
Post a Comment