Siya daw pala ang dapat na kinuha ng Los Angeles Lakers sa naganap na 2023 NBA Draft at hindi si Jalen Hood-Schifino.



Siya daw pala ang dapat na kinuha ng Los Angeles Lakers sa naganap na 2023 NBA Draft at hindi si Jalen Hood-Schifino.


Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Stephen A. Smith patungkol sa pagkadagdag ni Kristaps Porzingis sa Boston Celtics.


Isang malaking galaw nga ang ginawa ng Celtics ng na-execute nila ang isang trade na nagdala kay Kristaps Porzingis sa kanila at nag-alis naman kay Marcus Smart sa kanilang roster, mga KaDribol.

At iyon ay nagustuhan ni Stephen A. Smith, na para sa kaniya, ang trade na iyon ay nagdala sa Celtics upang sila ay maging paborito na para sa titulo.

Tinitignan daw niya ngayon ang lahat ng koponan sa NBA at dini-dare niya ang sinoman na magsabi sa kaniya na kung sino ang hindi kakayaning talunin ngayon ng Boston.


Naniniwala raw siya na si Porzingis ay makakapag-provide ng marami sa Celtics sa magkabilang panig ng sahig.

Si Porzingis daw ay isang 7 foot 3 na kayang lumayo sa basket at tumira ng isang jumper, kung hindi man sa tres, mga KaDribol.

Naniniwala din si Smith na napatunayan ni Brad Stevens na siya ay mas magaling na executive kaysa coach, nang maidagdag nga niya sa kanilang roster itong si Porzingis na may kasamang Jayson Tatum at Jaylen Brown.


Na impress daw siya sa mga ginagawa ni Stevens, at alam daw ni Stevens ang ginagawa niya, at wala raw siyang masabi sa nagawa nito, na nadala niya si Porzingis sa Celtics, at ngayon daw ay nag-elevate na ang Celtics sa pagiging team to beat sa NBA.

Ikinagulat man natin ang pagkaalis sa kanila ni Marcus Smart, pero marami ang naniniwala na iyon ay ang mas smartest way na ginawa ng Celtics ngayon.

At para naman sa rookie na dapat ay siya ang kinuha ng Lakers sa draft night at hindi si Jalen Hood-Schifino, mga KaDribol.


Marami ngang naging supresa ang katatapos lang na 2023 NBA Draft, at kabilang sa festivities ang Lakers, na ang kanilang koponan ay naiulat na gumawa ng mga key decisions hanggang sa pinakahuling minuto.

At ang napili nila para sa kanilang pang No.17 pick ay ang standout ng Indiana Hoosiers na si Jalen Hood-Schifino, na minsan nang naiulat na ang kanilang pick ay imina-market nila sa trade, o kaya ay may ibang player silang tinitignan sa mga nasa Top 20.

At ang isang malaking supresa ng gabi ay nanggaling sa katauhan ng forward ng Villanova na si Cam Whitmore, na nahulog sa pang No.20 pick overall.


At ang kumuha sa kaniya ay ang Houston Rockets, mga KaDribol, matapos na ang mga naunang koponan ay hindi siya kinuha at pinalagpas ang opportunity na siya ay ma-draft nila.

At ayon kay Jovan Buha ng The Athletic, isa raw ang Lakers sa mga koponan na ikinunsider ang pagkuha ng malaking risk kay Whitmore, hanggang sa nakapag-decide nga sila na kunin ang mas siguradong bet na si Hood-Schifino.

Sa isang banda, si Whitmore ay tinitignan na isang potensiyal na Top 3 pick, subali't ang kaniyang stock ay biglang bumagsak hanggang sa pagsapit ng draft, kaya siya ay napasama na lang sa Top 20.


Hindi pa nga malinaw kung bakit bigla na lang bumagsak itong si Whitmore, pero ito marahil ay sa mga iba't-ibang mga bagay.

Marahil ang mga teams ay hindi na impress sa kaniyang workouts, mga KaDribol, at marahil din ay sumablay siya sa kaniyang mga interviews.

May mga long-term concerns din daw kasi itong si Whitmore, kaya hindi na nakakagulat pa kung iyon ang naging major factor na nakaapekto sa kaniya sa naganap sa draft.


Pero kamuntikan na pala na siya ang kunin ng Lakers, pero sa huli, binago raw ng Lakers ang kanilang desisyon.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.