Sino at ano ba ang maibibigay ni Jamie Jaquez Jr. na nakuha ng Miami Heat sa katatapos lang na NBA Draft?



Kilalanin nga natin ang napili ng Miami Heat sa katatapos lang na 2023 NBA Draft na si Jaime Jaquez Jr., na kinuha nila na kanilang pang No.18 overall pick, mga KaTop Sports.


Nanggaling nga ang Miami sa isang makasaysayan playoff run na nauwi na sila ay nakaabot ng NBA Finals.

At sa kabila na sila ay kinapos at natalo sa ngayon ay 2023 NBA Champion na Denver Nuggets, dapat pa ring maging proud itong Miami sa kanilang na accomplished.

Ilan sa mga players ng Heat na mga undrafted o kaya ay late na na-draft ay nag-exceed sa inaasahan sa kanilang paglalaro upang matulungan ang Miami na maging pangalawang No.8 seed na nakatungtong sa championship round.


At ngayon, mukhang nakahanap si Pat Riley ng isa na namang mahalagang bato sa kanilang pang No.18 pick, mga KaTop Sports, at siya ay na convince na ang bente dos anyos na si Jaquez Jr. ay may kultura ng kagaya ng sa Heat.

At dahil doon, kilalanin natin ngayon ang natatanging miyembro ng 2023 Miami Heat draft class na si Jaime Jaquez Jr.

Si Jamie Jaaquez Jr. ay ipinanganak at lumaki sa California, at siya ang isa sa pinakamatanda sa kaniyang class matapos na mag-spend siya ng apat na seasons sa UCLA.


Nakagawa rin siya ngayon ng kasaysayan, nang siya ay maging unang player na Mexicano na na draft sa unang round.

Sa kaniyang senior year, mga KaTop Sports, siya ay nag-averaged ng 17.8 points, 8.2 rebounds, 2.4 assists at 1.5 steals, na may shooting sa field na 48.1 percent.

Sa opensa, si Jaquez ay isang magaling na shot creator sa isolation na may dalang isang malalim na bag ng mga tricks.


Sa loob ng offensive kit na iyon ay ang kaniyang go-to-move, isang nakamamatay na fake-spin midrange fadeaway na talaga namang naibubuslo niya.

Taglay din niya ang soft touch sa midrange, kahit habang gumagalaw siya sa pagtira sa linya.

Siya rin ay isang crafty post option na may elite footwork sa mga pivot moves, shot fakes at counter moves pababa sa block, mga KaTop Sports.


Nagagamit din niya ang kaniyang pag-spin ng epektibo na nagdadala sa kaniya upang makarating sa kaniyang lugar at upang makaiskor siya ng madali, o kaya gamit ang kaniyang mga floaters sa lane.

Siyempre, sa kaniyang pagiging isang isolation scorer, siya rin ay may tendency ng pagiging isang ball stopper.

Pero dahil siya ay under sa coach na ang gusto ay magkaroon ng flowing run na sistema sa opensa, naipakita din niya na siya ay capable din na maglaro sa ganoong brand ng basketball.


Ang bagong miyembro ng Heat Nation ay maaring mag-thrive bilang isang cutter sa mga pagpasa ng Miami at makagawa ng mabibigat na pagkilos sa opensa na hahanapin nina Jimmy Butler at Bam Adebayo para sa mga back cuts sa rim, mga KaTop Sports.

Maari din siyang maging isang matalinong tagapagpasa ng bola sa flow ng kanilang opensa at isa rin siyang solid na playmaker sa pick-and-roll.

Ang former Bruin na si Jaquez Jr. ay isa ring option para sa Heat sa mga sitwasyon ng pick-and-pop.


Bagaman siya ay mayroon lamang na 31.7 percent shooting sa tres sa kaniyang senior year, magaling pa rin naman siyang catch-and-shoot option kapag siya ay nabibigyan ng pagkakataon.

Ang bente dos anyos na si Jaquez Jr. ay may kakayahan din na basahin ang spacing sa floor at nagagawa rin niyang maging libre ang kaniyang sarili para sa isang tira sa perimeter, mga KaTop Sports.

Pwede rin siyang maging spot-up option para sa Heat sa mga corners.


Sa depensa naman, mas napapakinabangan siya bilang isang help defender na taglay ang abilidad na i-anticipate ang passing lanes at makakuha ng mga pick offs at mga deflections.

Nakapagpamalas na rin siya ng ilang semblance ng pag-block ng tira habang tumutulong sa weak side at gayon din sa mga sitawasyon ng chasing down.

Ang tanging problema lang sa kaniya ay ang mabagal na pagkilos ng kaniyang mga paa, mga KaTop Sports, na nagreresulta ng naiiwanan siya ng kaniyang binabantay sa mga one-on-one na sitwasyon.


May posibildad na siya ay ma-exploite sa pick-and-roll kapag nasa NBA na siya.

Patungkol sa kaniyang mga kahinaan, naipakita naman na ng Heat na kaya nilang itago ang mga shortcomings, at nama-maximize naman nila ang kanilang lakas upang mailabas ng kanilang mga players ang best nila.

Kaya walang duda, magagawa rin nila iyon para kay Jaime Jaquez Jr.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.