Sinabi ito ni Shaquille O'Neal matapos na tanungin siya ni Charles Barkley kung papaano siya naging Hall of Famer.



Sinabi ito ni Shaquille O'Neal matapos na tanungin siya ni Charles Barkley kung papaano siya naging Hall of Famer.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang sinabi na ito ni Charles Barkley kapag ang Heat daw ang magkakampeon ngayong taon.

Hindi na lingid pa sa atin na kapag na upset ng Miami Heat ang Denver Nuggets at makuha nila ang 2023 NBA Championship ay isang napakataas na achievement iyon para sa prankisa ng Heat, mga idol.


Matapos nga ng matalo ang Heat ng Atlanta Hawks sa kanilang unang play-in game, nakaharap nila ang Chicago Bulls sa kanilang final play-in game at nagawa nilang talunin ang Bulls, at na secure nga nila ang pang eight seed.

At kahit na ba nakapasok pa sa playoffs ang Heat, hindi naman sila tinignan na isang koponan na may potensiyal na maging kampeon, lalo na, ang unang makakalaban nila ay ang koponan ng Milwaukee Bucks sa unang round.

Pero tignan niyo naman ngayon, ang Heat ay nasa NBA Finals na, kaya naman nasabi ni Charles Barkley na kapag ang Miami Heat ang magkampeon, sa opinyon daw niya, iyon na ang greatest run ever ng isang underdog.


May punto naman dito si Barkley, dahil ang Heat, sa pagiging eight seed nila sa playoffs, wala silang home court advantage, mga idol.

Kinalaban nila ang mga koponan na inasahan na magiging kampeon ngayong taon, ang Milwaukee Bucks at ang Boston Celtics, subali't nagawa nilang talunin ang dalawang koponan na iyon.

At nagawa nila ito, gaya nga ng paulit-ulit na nating naririnig na mas marami sa kanilang koponan ay mga undrafted players, at ang tambalan naman nina Jimmy Butler at Bam Adebayo ay hindi gaya ng malalakas na duo ng ibang koponan, gaya ng duo ng Denver Nuggets.


Malaking hamon ang nasa harapan ngayon ng Heat laban sa Nuggets, dahil kahit na ba napabagsak pa nila ang Bucks at ang Celtics, mas mabigat na kalaban ang Nuggets, at isang napakahirap na assignment ito para sa kanila.

Napakaganda nga ng opensa ng Nuggets na dapat seryosohin ng Heat at magawan nila ng paraan kung papaano mapipigilan iyon, at kapag nagawa iyon ng Heat, iyon na ang magiging kakaibang kampeonato na nakita natin sa NBA.

Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?


At para naman sa sinabi ni Shaquille O'Neal matapos na tanungin siya ni Charles Barkley kung papaano siya naging Hall of Famer.

Kahit na ba na gusto nang magbakasyon nitong sina Shaquille O'Neal at Charles Barkley matapos ang laban sa pagitan ng Miami Heat at Boston Celtics sa Eastern Conference Finals, sila ay itinalaga pa rin na maging broadcasters ng NBA TV para sa NBA Finals sa pagitan ng Miami Heat at ng Denver Nuggets.

At gaya nga ng inaasahan, sinimulan ng dalawa ang pagbo-broadcast na maging makulay na naman, dahil pagkatapos ng introductions, tinanong ni Barkley si O'Neal kung papaano siya naging Hall of Famer.


Sinagot naman siya ni O'Neal ng isang malupet na sagot, na ginaya ang ginagawa ni Klay Thompson na ipinakita ang kaniyang apat na daliri sabay sabi na, dahil daw iyon sa apat na kampeonato niya, mga idol.

Wala nang ibang nagawa itong si Barkley sa naging sagot ni Shaq kundi ang tumawa, dahil parang ipinamukha ni O'Neal kay Barkley na siya ay wala man lang nakuha ni isang kampeonato.

At para sa mga hindi nakakaalam pa, si Thompson ang nag-established sa kaniyang sarili ng pag-aari ng isang unofficial trademark ng four-rings gesture.


Ginamit na niya ito ng ilang beses na sa nagdaan, lalo na kung siya ay nasasangkot sa isang maiinit na sagutan sa kanilang kalaban, at ipinaaalam sa lahat na siya ay nagkaroon na nang apat na kampeonato sa Golden State Warriors.

At kagaya ni Klay si Shaq ay may apat na rin na singsing, ang tatlo ay nakuha niya sa Los Angeles Lakers at ang isa ay nakuha naman niya sa Miami Heat.

At gaya din ni Klay Thompson, gusto din ni Shaq na ipaalaala iyon kay Charles Barkley.


Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.