Sinabi ito ni Magic Johnson matapos na mapanood ang Game 1 ng sagupaang Nuggets at Heat sa NBA Finals.
Sinabi ito ni Magic Johnson matapos na mapanood ang Game 1 ng sagupaang Nuggets at Heat sa NBA Finals.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang warning na ito ni Paul Pierce kay Caleb Martin patungkol sa pagbabalik ni Tyler Herro.
Sa kabila nga na wala ang isa sa best offensive player ng Miami Heat, nakaabot pa rin sila sa NBA Finals, mga KaTop Sports.
At ito ay si Tyler Herro na nag-ranked na pangatlo sa kanilang koponan sa regular season pagdating sa scoring na may 20.1 points per game.
Na hindi na nga nakapaglaro na may isang buwan at kalahati na, matapos na magtamo ng injury sa Game 1 ng unang round laban sa Milwaukee Bucks.
Pero ngayon ay may lumabas na ulat galing kay ESPN Adrian Wojnarowksi na makakabalik na raw itong si Herro sa paglalaro sa darating na Game 2 sa Lunes.
Pero sa pagbabalik na ito ni Herro, isang NBA media personality ay naniniwala na ang pagbabalik ni Herro ay hindi magiging maganda para sa kanilang koponan, mga KaTop Sports.
At ito ay si former Boston Celtics Paul Pierce, na nagsabi na ang pagbabalik ni Herro sa paglalaro ay isang warning naman para kay Caleb Martin.
At sinabi pa ni Pierce na si Martin ay mas magaling kaysa kay Herro, at kapag nakabalik na raw si Herro, mawawala na naman daw sa eksena itong si Martin.
Si Tyler Herro, bente tres anyos ay nasa ikaapat na taon na niya sa NBA bilang miyembro ng prankisa ng Miami Heat.
Siya ay nag-averaged ng 20.1 points, 5.4 rebounds, 4.2 assists, 0.8 steals, 0.2 blocks, 2.4 turnovers at 1.5 personal fouls per game, sa loob ng 67 appearances ngayong season, at lahat do'n siya ay naging starter, mga KaTop Sports.
At ang free throw percentage ni Herro na 94.4% ay ang pinakamataas sa NBA sa lahat ng qualified na players sa season ng 2022-2023, at ito ay ang pinakamataas na rin sa buong professional career niya.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports.
At para naman sa sinabi ni Magic Johnson matapos na mapanood ang Game 1 ng sagupaang Nuggets at Heat sa NBA Finals.
Iniisip nga ni NBA legend Magic Johnson na ang Miami Heat ay may malaking problema laban sa Denver Nuggets sa NBA Finals, at wala na raw silang magagawa doon, mga KaTop Sports.
Ibinahagi nga ni Magic ang kaniyang obserbasyon sa naging resulta ng laban sa Game 1 sa pagitan ng Heat at ng Nuggets.
Bukod sa pinuri ni Magic sina Aaron Gordon at Michael Porter Jr. bilang mga bayani ng contest, ipinunto din niya kung gaano dinomina ng Denver ang game mula simula hanggang katapusan.
Ayon din kay Magic, ang length daw ng Nuggets ay ang may malaki talagang nagampanan sa kanilang naging panalo, at iyon daw ang magiging hadlang para sa Heat upang mapabagsak ang kampeon ng Western Conference.
At kung napanood mo ang Game 1 ng NBA Finals, masasabi mo nga na tama naman ang sinasabi na ito ni Magic Johnson, mga KaTop Sports.
Dahil sinamantala talaga ng Denver ang mga mismatches buong game, na nakita at nagpatunay sa naging outcome ng paglalaro nina Gordon at Porter Jr.
Dinomina talaga ng Nuggets ang loob ng pintura at na outscored nila doon ang Heat, 46 to 38, patunay din iyon na nagamit talaga ng Denver ang kanilang length at size.
Halos nakalamang pa ang Nuggets na umabot sa 24 points bago nila natapos ang game sa score na 104-93.
Kaya mahihirapan daw talaga ang Heat na malagpasan ang taglay na physical advantages ng Nuggets, kaya dapat talaga na makahanap ng sagot dito ang Heat, mga KaTop Sports.
At kailangan na masulosyunan na iyon ng Heat sa lalo't madaling panahon bago mahuli ang lahat.
Pero kilala naman na natin si coach Erik Spoelstra sa mga nagawa na niya ngayong playoffs, makakatiyak tayo na makagagawa sila ng mga adjustments para matapatan ang length at size ng Denver.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports.
Comments
Post a Comment