Sinabi ito ni JJ Redick patungkol kina Jimmy Butler at Nikola Jokic.
Sinabi ito ni JJ Redick patungkol kina Jimmy Butler at Nikola Jokic.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ng dating Coach of the Year patungkol sa dapat gawin ni Bam Adebayo sa Finals.
Ang dating NBA player at Coach of the Year na si Sam Mitchell ay naniniwala na si Bam Adebayo ay nakagagawa ng malaking pagkakamali laban kay Nikola Jokic sa NBA Finals, mga KaTop Sports.
Nu'ng Game 4, nakita ng mga fans na si Adebayo ay naging playmaker para sa Miami Heat, kagaya ng ginagawang role ni Jokic sa Denver Nuggets.
At naging isang malaking pagkakamali raw iyon sa parte ni Adebayo, na nagresulta upang siya ay makagawa ng pitong turnovers, habang hindi rin siya gano'n naging ka-epektibo sa opensa, 8-of-19 ang shooting niya, at nakapagtala siya ng 20 points.
Para kay Mitchell, na nanalo ng Coach of the Year sa Toronto Raptors taong 2007, hindi raw dapat sinusubukan ni Adebayo na maging gaya ni Jokic na gumagawa ng mga plays sa kaniyang mga kakampi.
Lalo na at wala naman daw masyadong maasahan sa opensa sa Miami, hindi raw gaya ng sa Nuggets, dahil halos siya lang daw at si Butler ang maaasahan ng malaki pagdating sa opensa, mga KaTop Sports.
Si Jokic daw ay gumagawa ng mga pasa, at ipinapasa niya ang bola sa mga kasama niya na umiiskor talaga, samantalang si Adebayo naman daw ay ipinapasa ang bola sa mga inaasahan niya na sana ay makaiskor.
Wala na raw mas magandang option na mapapasahan si Adebayo kundi si Jimmy Butler lamang, pagpapaliwanag ni Mitchell.
Sinabi naman ng dating point guard sa NBA at kasalukuyang assistant sa Raptors na si Earl Watson, na mas magbebenifit daw ang Heat kung si Adebayo ay magiging scorer na lang at magfofocus siya sa kanilang opensa kaysa maging isang playmaker, dahil hindi raw niya magagawang magaya si Jokic, pagbabahagi pa ni Watson.
Kakailanganin talaga ng Heat na magstep up itong si Adebayo sa Game 5 upang mapahaba pa nila ang serye, mga KaTop Sports.
At kailangan din na huwag nilang mapabayaan na makagawa ng maraming turnovers iton si Bam na magreresulta upang ang Nuggets ay magkaroon ng maraming pagkakataon na makaiskor.
Gawin nga kaya ni Adebayo ang mga advice na ito nina Sam Mitchell at Earl Watson, at mas magfocus na siya sa pag-score kaysa sa maging isang playmaker?
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?
At para naman sa sinabi ni JJ redick patungkol kina Jimmy Butler at Nikola Jokic.
Kung titignan daw, sina Jimmy Butler at Nikola Jokic ay wala raw gaanong pinagkaiba, pareho raw nilang pinangunahan ang kanilang koponan patungo sa NBA Finals, mga KaTop Sports.
Pero para kay ESPN analyst na si JJ Redick, hindi lang daw iyon ang pagkakapareho ng dalawa, dahil sila raw dalawa ay parehong may pagnanasa na makakonekta sa kanilang kakampi, at pareho raw na hindi makasarili ang dalawa, na gusto nila na ang kanilang mga kakampi ay maging maayos.
Sa naging pahayag na ito ni Redick, pinagaan niya ang naging performance ni Butler sa naging pagkatalo nila nu'ng Game 4 laban sa Nuggets.
Nagtapos si Butler sa Game 4 na may team-high 25 points, 9-of-17 ang shooting niya, na may 7 rebounds, 7 assists, isang block, isang turnover at isang triple sa loob ng 45 minutes.
Kaya naman, naniniwala itong si Redick na maganda naman ang inilaro ni Butler nu'ng Game 4, pero hindi pa rin nga naging sapat iyon, at ngayon nga ay may 3-1 na, na kalamangan ang Nuggets sa kanilang serye.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?
Comments
Post a Comment