Sinabi ito ni Jimmy Butler ngayon na nahaharap na ang Heat sa pagkalaglag sa NBA Finals.



Sinabi ito ni Jimmy Butler ngayon na nahaharap na ang Heat sa pagkalaglag sa NBA Finals.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong si Tyler Herro kung siya ba ay makakapaglaro na sa Game 5 o hindi pa rin.

Opisyal na ngang inilista muli ng Miami Heat sa kanilang injury report na out pa rin itong si Tyler Herro para sa Game 5 ng NBA Finals laban sa Denver Nuggets, mga KaTop Sports.


Hindi naman na natin dapat pang ikagulat ang balitang ito, dahil isa nga siya sa mga hindi nagsalita sa media pagkatapos ng Game 4, na ibig sabihin lang, wala pa ring nagbabago sa kaniyang kalagayan.

Maging si Head coach Erik Spoelstra ay hindi nagbigay ng anomang update sa progreso ni Herro, tanging ang sinabi lamang niya ay muling magsasagawa ng contact workout itong si Tyler.

Sa ngayon hindi pa masasabi kung may magbabago pa sa kalagayan ni Herro bago dumating ang araw ng Martes, dahil hindi talaga magandang balita na hindi man lang siya naging doubtful o questionable sa kanilang injury report.


Ngayon ang Heat ay nahaharap na sa elimanation matapos na mahulog sa 3-1 na kalamangan ng Nuggets, at kapag hindi pa makakapaglaro itong si Herro sa Game 5, baka mawalan na siya ng pagkakataon, kung matatalong muli ang kanilang koponan.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?

At para naman sa sinabi ni Jimmy Butler ngayon na nahaharap na ang Heat sa pagkalaglag sa NBA Finals.


Alam nga ni Jimmy Butler kung ano ang dapat niyang gawin upang manatili lang silang buhay sa NBA Finals, subali't hindi magiging madali iyon.
 
Dahil isang talo na lang nila at tapos na ang laban, kaya naiintindihan niya na kailangan nilang manalo sa Game 5 upang maibalik nila ang serye sa kanilang tahanan, at madala pa ito sa Game 7.

Dahil doon, sinabi ni Butler na kailangan niyang maglaro ng maganda upang makapagbukas naman ng daan sa kaniyang mga kakampi na makaiskor.


Hindi nga niya magagawang mag-isa na maipanalo ang laban, pero dahil siya ang pinakasentro ng kanilang opensa, dapat talagang pangunahan niya ang kanilang koponan.

Kailangan daw na magawa niya na malibre ang kaniyang mga kakampi, kung iyon man ay manggagaling sa mga pagscreen o kaya ay sa pamamagitan ng kaniyang pag-atake.

Kailangan daw nilang makahanap ng paraan upang magawa iyon, pero hindi raw magiging madali iyon, lalo na kung ikaw daw ay nasa Finals.


Pero wala naman na silang iba pang option kundi ang gawin iyon, dahil hindi na dapat pa silang matalo, kaya ang pagkakamali ay dapat ay mawala na sa kanila, kung ibig nilang mapaabot ng Game 7 ang serye.

Dahil kapag mailaro nila ang isang halos perpektong paglalaro, mamomroblema talaga sa kanila ang Nuggets, at nasaksihan na naman na natin na mas gumagaling ang Heat sa mga ganitong sitwasyon.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.