Sinabi ito ni Jimmy Butler nang tanungin siya kung nasaan na ang kaniyang East Finals MVP trophy.



Sinabi ito ni Jimmy Butler nang tanungin siya kung nasaan na ang kaniyang East Finals MVP trophy.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong post ni Max Strus na patama niya sa Celtics dahil sa ginawa sa kaniya noon ng Boston. 

Bukod sa katotohanan na si Jimmy Butler ay naglalaro na isa sa best player sa buong liga, hindi rin naman maitatanggi na ang kanilang mga undrafted players ay malaki ang naitulong sa pakikipaglaban ng Miami Heat sa playoffs, mga KaTop Sports.


At isa na rito ay si Max Strus, at sa mga hindi nakakaalam, sinimulan ni Strus ang kaniyang career sa Boston Celtics, ang koponan na pinabagsak ng Heat sa Eastern Conference Finals.

Naging isang mahalagang role player nga itong si Strus sa epic seven-game series ng Miami laban sa Celtics.

At ngayon nga ay nagpadala ng isang paala-ala itong si Strus sa lahat na ang Boston ay minsang nagdesisyon na siya ay alisin sa kanila, tatlong taon na ang nakakalipas.


May dalawang salitang iniwan itong si Max Strus sa kaniyang post na nagsasabing, "ECF CHAMPS", mga KaTop Sports.

Sa mga panahon siguro na iyon ng pagtanggal ng Celtics kay Strus, ang paniniwala siguro ng Boston na hindi deserving itong si Strus sa kanilang roster.

Kaya ang nangyari ay pumirma si Strus ng two-way contract sa Chicago Bulls, isang koponan uli na pinabagsak ng Heat sa playoffs, na doon ay naglaro lamang itong si Strus ng dalawang games sa season ng 2019-2020.


At sa sumunod na season, pumirma na nga itong si Strus sa Miami Heat, at pagkatapos, gaya nga ng sinasabi ng karamihan, "the rest is history."

Kung papaano man natin tignan ang post na ito ng Strus, makikita natin na may kaunti siyang sama ng kalooban laban sa Celtics, mga KaTop Sports.

Wala siguro siyang laban sa mga players ng Boston, pero malinaw na hindi pa niya nalilimutan ang ginawang desisyon ng Celtics na i-cut siya, tatlong taon na ang nakakalipas.


At para kay Strus, nakaganti na siya sa ginawa na iyon sa kanya ng Boston Celtics.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?

At para naman sa sinabi ni Jimmy Butler matapos na tanungin siya kung nasaan na ang kaniyang East Finals MVP trophy.


Marami na nga ang naging usap-usapan patungkol sa titulo ng Eastern Conference Finals MVP.

Sa dulo, si Jimmy Butler ang nakapag-uwi ng tropeo matapos na pangunahan niya ang Miami Heat sa isang epic na panalo sa serye laban sa Boston Celtics.

May mga ilan na nagsasabi na si Caleb Martin dapat ang nakakuha ng titulo, pero sa huli, sapat na ang nagawa ni Butler upang makalayo kay Martin, mga KaTop Sports.


At ngayon nga, lumalabas na wala nang pakialam itong si Butler sa pagkakapanalo niya ng MVP sa East Finals.

Nang matanong nga kasi itong si Butler kung nasaan na ang tropeo ng kaniyang pagiging MVP, sinagot niya ito at sinabi na, ibinigay daw niya iyon sa kaniyang tatay at hindi raw niya iyon kailangan.

Hindi naman sa minamaliit ni Butler ang parangal na ibinigay sa kaniya sa pagsasabi niya ng ganoon, katunayan, tanggap na tanggap niya ang parangal ng pagiging MVP sa serye, pero sa huli, wala na raw ano pa man iyon sa kaniya.


Dahil ang nasa kaisipan ni Butler ay ang manalo, at hangga't hindi napapasa-kamay niya ang NBA title, hindi pa rin niya maabot ang kaniyang ultimate goal, mga KaTop Sports.

Kaya ito ang kaniyang gagawin, ngayon na mayroon na naman siyang pagkakataon na makuha na ang kampeonato.

At sa lahat ng mga tao, si Jimmy Butler ay mulat sa hamon na kakaharapin nila sa pagpasok nila sa NBA Finals.


Dahil si Nikola Jokic at ang Denver Nuggets ay ang paborito na makapag-uwi ng titulo at sila na naman ang underdogs sa magiging sagupaan nila.

Pero si Butler at ang kaniyang mga kasama ay sanay na sa ganitong kalagayan, at sa katunayan, ilang beses na nga nilang nalagpasan ito.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.