Sinabi ito ni Jimmy Butler matapos na matalo ang Heat sa Game 1 ng NBA Finals laban sa Nuggets.



Sinabi ito ni Jimmy Butler matapos na matalo ang Heat sa Game 1 ng NBA Finals laban sa Nuggets.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Bam Adebayo dahil sa itinanong sa kaniya ng isang reporter sa postgame interview.

Balik na naman nga sa drawing board ang Miami Heat matapos na sila ay talunin ng Denver Nuggets sa Game 1 ng NBA Finals sa score na 104-93, mga KaTop Sports.


Dinomina nga ng Nuggets ang buong game mula simula hanggang pagtatapos at nag-iwan sa Heat ng maraming katanungan kaysa sa kasagutan.

At isa sa nadomina ng Nuggets ay ang free throw attempts, na sila nga ay nagkaroon ng 20 free throw attempts at naipasok ang 16 doon, habang ang Heat ay dalawang beses lang napunta sa free throw line buong game.

Isa itong napakalaking pagkakaiba, kaya naman naitanong ito kay Bam Adebayo pagkatapos ng laban nila sa Game 1 ng Bally Sports Florida.


Ibinigay ni Adebayo ang kaniyang palagay, pero nagbigay din siya ng isang interesting na punto patungkol sa potensiyal na multa para sa mga players na sumasagot sa mapangsilong katanungan ng mga reporters, mga KaTop Sports.

Bakit hindi raw sila pagmultahin sa pagsasabi nila ng ganoon, pahabol na salita ni Adebayo bago niya nilisan ang postgame interview.

At bago pa man sinagot ni Adebayo ang katanungan, tinanong muna niya ang reporter kung handa ba siyang magbayad ng multa.


Dahil para sa paniniwala ni Adebayo, hindi ang malaking pagkakaiba ng kanilang mga free throws ang naging sanhi kung bakit sila ay natalo sa game.

Hindi raw lang talaga sila makapunta doon, at hindi raw nila hinahayaan na sila ay madiktahan ng game, ang sabi ni Adebayo, mga KaTop Sports.

Mas marami lang daw kasi silang itinirang jump shot at naisasablay nila ang mga iyon, imbes na atakihin daw nila ang basket.


At gaya raw ng sinabi niya, panonoorin daw nila ang film at babalik sila sa drawing board.

Nagawa naman ni Adebayo ang kaniyang parte sa Game 1 at nagawa niyang competitive ang game, na siya ay nagtapos na may team-high 26 points, 13-of-25 shooting sa floor, 13 rebounds at 5 assists.

At kakailanganin ng Heat ang mas maraming ganitong klaseng paglalaro ni Adebayo upang magkaroon sila ng laban sa NBA Finals.


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports.

At para naman sa sinabi ni Jimmy Butler matapos na matalo ang Heat sa Game 1 ng NBA Finals laban sa Nuggets.

Heto na nga at ang unang nakakuha ng pagkatalo sa NBA Finals ay ang Miami Heat laban sa Denver Nuggets.

At ang inaasahan na bubuhat sa Heat na si Jimmy Butler ay nagkaroon lamang ng 13 points, at hindi naging maganda ang kaniyang shooting, 6-for-14 lamang ang shooting niya sa field.


At ang malala pa dito, hindi man lang siya napunta sa free throw line, na kadalasan naman ay maraming beses siya napupunta doon at doon niya nakukuha ang karamihan niyang puntos sa playoffs, mga KaTop Sports.

At iyon na nga ang ipinunto ni Butler sa postgame press conference na naging dahilan kung bakit sila natalo sa pagbubukas ng NBA Finals.

At gaya nga ng sinabi ni Adebayo, marami raw kasi silang itinira na jump shot, at isa na raw siya sa pasimuno doon, imbes na maglagay daw sana sila ng pressure sa rim at gumawa ng mga layups upang makakuha ng maraming free throws ay hindi raw nila ginawa.


Pero kung titignan daw iyon habang nasa game pa, mukhang mga tamang tira naman daw ang ginawa nila, ang sabi ni Butler matapos na siya ay tanungin kung bakit nahirapan ang Heat na mahanap ang groove ng kanilang opensa.

Marami nga talagang itinira si Butler na pull-ups at mga jumpers sa game, pero hindi lang talaga pumapasok ang kaniyang mag tira, dahil siya ay nadedepensahan ng mas malaki at mas mahaba na defender gaya ni Aaron Gordon, mga KaTop Sports.

Sinabi rin ni Butler na hindi raw niya sinasabi na hindi nila kayang maipasok ang mga tira nilang iyon,pero dapat daw mas marami ang gawin nilang layups upang marami rin silang maitirang mga free throws.


Dahil kapag sumablay ka raw at hindi ka makabalik agad, ang game daw ay mabilis na mawawala sa iyong mga kamay.

Nakapagbigay rin daw sila ng maraming layups sa kalaban na dapat daw ay hindi nila napahintulutan, pero nangyari na raw iyon, sa susunod daw ay kailangan na nilang atakihin ang rim ng mas maraming beses, lalo na raw siya, dagdag pa ni Butler.

Tama nama do'n si Butler, dapat talaga na mas atakihin niya ang basket upang makakuha siya ng maraming fouls at makagawa siya ng kaniyang mga puntos mula sa free throw line , mga KaTop Sports.


Dahil si Butler ay pumasok ngayon sa NBA Finals na ang 25 percent ng kaniyang mag puntos ay nanggaling sa foul line.

At para naman sa Heat bilang kabuoan, sila ay mayroong scoring percentage output sa free throw na 14.6 percent at may 20 free throw attemps per game sila, pero sa Game 1, nagkaroon lamang sila ng dalawa na galing pa sa kanilang reliever na si Haywood Highsmith.

Kaya malamang gagawa ang Heat ng malaking adjustments sa Game 2 na magaganap sa darating na Lunes, June 5, alas otso ng umaga, Pinas time.


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.