Sinabi ito ni Jamal Crawford matapos na matalo ang Heat sa Game 3 ng NBA Finals laban sa Nuggets.



Sinabi ito ni Jamal Crawford matapos na matalo ang Heat sa Game 3 ng NBA Finals laban sa Nuggets.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong naabot ni Nikola Jokic na wala pang nakagawa sa NBA Finals kundi siya pa lamang.

Patuloy pa rin ngang gumagawa ng kasaysayan itong legendary center ng Denver Nuggets na si Nikola Jokic, at nito lang Game 3 ng NBA Finals ay muli na naman siyang nakagawa ng kasaysayan laban sa Miami Heat, mga KaTop Sports.


Natambakan nga ng Nuggets ang Heat sa tahanan mismo ng Miami, na umabot pa nga ng hanggang 21 points, at ang nagpalala pa dito, nasa walong minuto pa ng 4th quarter, nag-aalisan na ang mga fans ng Miami Heat.

Team effort talaga ang nagpapanalo sa Nuggets, na si Jamal Murray ay nagkaroon din ng triple-double, 30 points, 10 rebounds at 10 assists.

At ang kanilang rookie na si Christian Braun ay umiskor naman ng 15 points mula sa bench, pero ang game ay napunta talaga sa mga kamay ni Nikola Jokic.


Si Jokic ay nagtapos na may 32 points, 21 rebounds at 10 assists, at ang nagawa na ito ni Jokic ay ang kauna-unahang 30-20-10 game sa kasaysayan ng NBA Finals, mga KaTop Sports.

Isa pa, si Nikola Jokic din ang natatanging player na nagkaroon ng pinakamaraming 30-point, 20-rebound triple-doubles sa kasaysayan ng NBA playoffs, na siya ay mayroon nang tatlo nito.

Pagpapatunay lang ang lahat ng ito ng isang magandang paglalaro ni Jokic sa playoffs ngayong season.


Sa loob ng 17 playoff games, si Jokic ay nag-averaged na ng 30.4 points, 12.9 rebounds at 10.1 assists, habang may 54% shooting mula sa field, 47% shooting mula sa tres, at 79% naman mula sa free throw line.

Ginawa naman ng Miami ang lahat nilang magagawa mapigilan lang nila si Jokic, pero mahirap talagang mapigilan ang isang gaya ni Nikola Jokic, mga KaTop Sports.

At ang mga hindi gumana lamang sa Nuggets na madalas din nilang inaasahan sa scoring ay itong sina Michael Porter Jr. na umiskor lamang ng 2 points at si Kentavious Caldwell-Pope na nagkaroon ng bokya sa tatlong ipinukol niya sa tres.


Buti na lang at mayroon silang Jokic na dinomina talaga ang game sa magkabilang dulo ng court, na kahit na ang isang Bam Adebayo ng Heat ay nahirapan na pigilan siya.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?

At para naman sa sinabi ni Jamal Crawford matapos na matalo ang Heat sa Game 3 ng NBA Finals laban sa Nuggets.


Nanalo man ang Denver Nuggets sa Game 3, pero itong si Jamal Crawford ay hindi pa handa upang ideklara na tapos na ang serye.

Sa katunayan, nakikita niya na maitatabla uli ng Miami Heat ang serye sa Game 4 dahil sa isang magandang dahilan.

Pagkatapos nga ng Game 3, nagsalita itong si Crawford na isa sa mga kabilang sa mga tagapagsalita ng game sa NBA TV, na tinatanggi na ang Heat ay out na sa serye, mga KaTop Sports.


Ipinahayag niya ang kaniyang paniniwala na itong si Jimmy Butler at mga kasamahan niya ay mas maganda ang inilalaro kapag sila raw ay underdog.

Kagaya na lang daw ng nakita sa Miami nu'ng Game 2 kung saan kinuha nila ang panalo matapos na burahin ang kalamangan ng Nuggets.

At para kay Crawford, ganoon din daw ang mangyayari sa Game 4, kapag muling nagkaharap ang dalawang koponan na ito sa Sabado, June 10, 8:30 ng umaga, Pinas time.


Mangyayari raw iyon, pagpapatuloy pa ni Crawford, at malaking pagkakamali raw kapag minaliit ang kayang magawa ng Miami Heat, mga KaTop Sports.

Hindi nga nailaro ng Heat ang kanilang pinakamagaling nu'ng Game 3, na nahayaan pa nila na ang Nuggets ay makalamangan sa kanila na umbot pa hanggang 21 points.

Gayun pa man, h'wag nating kalilimutan na hindi naman nakaabot ang Miami Heat sa NBA Finals nang gano'n-gano'n na lang.


Sila ay isa sa matatag na koponan sa NBA, at wala ni isa sa atin ang makaka-question sa kanilang mentality matapos na pabagsakin nila ang Milwaukee Bucks at Boston Celtics.

At hindi rin naman magiging madali ito para sa Heat, lalo na at kitang-kita naman na mas malalim ang Nuggets kaysa sa kanila, mga KaTop Sports.

Pero gaya nga ng sinabi ni Crawford, hindi nga tama na basta na lang maliitin ang kakayahan ng Miami Heat, dahil lang doon.


Kapag nagiging mahirap na ang lahat, ang katatagan ng isang team ay biglang lumalabas, ganiyan daw ang koponan ng Miami Heat.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.