Sinabi ito ni Jaime Jaquez Jr. matapos na siya ay mapili ng Miami Heat.
Sinabi ito ni Jaime Jaquez Jr. matapos na siya ay mapili ng Miami Heat.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong player na para kay Dwyane Wade ay ang nagkaroon ng ‘greatest career’ sa kasaysayan ng Miami Heat.
Nagkaroon na nga ang Heat ng maraming mga superstars sa nakalipas na mga taon, mga KaTop Sports, at pagdating sa katanungan kung sino ang nagkaroon ng greatest career sa kasaysayan ng kanilang prankisa, naniniwala itong si Dwyane Wade na hindi siya iyon o kaya ay si LeBron James, kundi iyon daw ay si Udonis Haslem.
Wala raw nakaisip no'n, nu'ng unang iniapak ni Haslem ang kaniyang paa sa building, dahil ang prankisa raw ay mayroong Shaquille O'Neal, Tim Hardaway, Alonzo Morning, LeBron James, Chris Bosh, at isang pila ng mga Hall of Famers, pero meron daw isang angat sa lahat, at iyon nga raw ay si Udonis Haslem.
May punto naman dito si Wade, dahil si LeBron ay naglaro lamang ng ilang taon sa Heat, kahit na ba siya ay isa sa mga greatest player of all-time, ay hindi natin masasabi na siya na ang may hawak ng greatest career sa kasaysayan ng Heat.
Pero si Wade ay may laban din naman na maging greatest Heat player, dahil majority ng kaniyang career ay ginugol niya sa Miami.
Pero iba pa rin talaga si Haslem, mga KaTop Sports, dahil ibinigay niya ang lahat para sa organisasyon ng Heat.
Hindi man isang All-Star itong si Haslem at hindi siya maalala bilang isang NBA Legend, pero siya naman ay paborito ng mga fans ng Heat at alamat nang maituturing ng kanilang prankisa.
Taong 2003 nang una siyang mapadpad sa Miami, at nanatili na siya sa Heat hanggang sa season ng 2022-23.
At kahit na ba na siya ay naglaro lamang sa pitong games nitong nakalipas na taon, siya pa rin naman ang nagsilbing pinakamahalagang leader ng kanilang koponan na nakaabot ng NBA Finals.
At wala ring duda, na sa katotohanan, mga KaTop Sports, si Udonis Haslem nga ang isa sa napaka-importanteng player na nagalaro sa Miami Heat.
At para naman sa sinabi na ito ni Jaime Jaquez Jr matapos na siya ay mapili ng Miami Heat, mga KaTop Sports.
May isa lamang na pick ang Heat sa naganap na 2023 NBA Draft at ginamit nga nila ito kay Jaquez Jr na isang senior ng UCLA.
At sa isang koponan na naghahangad na makabalik muli sa NBA Finals matapos ang isang phenomenal playoff run, eksakto si Jaquez Jr. sa kanila.
Siya ay handa ng manalo ngayon, at ang strong showing niya sa NBA Draft Combine ang nagtulak sa kaniya upang tumaas sa draft boards.
Bagaman may ilan na nagsabi na siya ay mapipili sa second round at ang iba naman ay nagsabi na hindi siya mapipili, mga KaTop Sports, pero iba ang nakita ng Heat sa kaniya.
Kaya naman siya ay pinili ng Heat sa unang round at ngayon nga ay naniniwala itong si Jaquez Jr. na siya ay aangkop sa culture ng Heat.
Alam daw niya ang patungkol sa organisasyon ng Heat, at ito raw ay patungkol sa toughness at willingness na gumawa, na naglalagay sa isang gawa upang ikaw ay maging isang best player at ganoon na daw siya palagi.
At ang natutunan at itinuro raw sa kaniya ng kaniyang coach na si Mick Cronin sa UCLA ay madali lang niyang maililipat sa Miami, dahil ganoon na raw ang ginagawa niya sa loob ng apat na taon.
Sa kaniyang huling season sa UCLA, siya ay nag-averaged ng 17.8 points per game, 8.6 rebounds, 2.4 assists at 1.5 steals, mga KaTop Sports.
Na may shooting splits na 48.1 percent shooting sa field, 31.7 percent shooting sa tres at 77 percent shooting sa free throw line.
Comments
Post a Comment