Sinabi ito ni Gabe Vincent matapos manalo ang Heat sa Game 2 laban sa Nuggets.
Sinabi ito ni Gabe Vincent matapos manalo ang Heat sa Game 2 laban sa Nuggets.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong si Tyler Herro kung makakabalik na nga ba siya sa Game 3 o hindi pa.
Sinusubukan na nga ni Tyler Herro na makabalik na muli sa paglalaro sa NBA Finals mula sa pagkaka-injured ng kaniyang kanang kamay, mga KaTop Sports.
Ngayon may balita na naman na makakapaglaro na siya sa Game 3 laban sa Denver Nuggets, pero may balita din na hindi pa siya makakapaglaro.
Ayon sa lumabas na ulat, nakakaramdam pa raw itong si Herro ng pananakit sa kaniyang kanang kamay kapag ginagamit niya ito sa pagtira, at namamaga pa raw ang kamay niya.
Sinabi rin daw ni Herro na ayaw niyang madaliin ang kaniyang pagbalik, pagkatapos ay masisira lang niya ang rhythm ng kanilang koponan.
Habang may pag-asa raw na makabalik na siya para sa Game 3, lalo na at sumasama na siya sa kanilang mga pagpapraktis, gusto pa rin niyang siguraduhin na ang kaniyang pagbabalik ay nasa tamang panahon, mga KaTop Sports.
Tinalo nga ng Miami Heat ang Nuggets sa Game 2 nu'ng Lunes, at talaga namang nagkakaroon ng impressive run itong Heat sa NBA Finals.
Tinalo ng Heat ang first-seed team sa Eastern Conference, ang Milwaukee Bucks sa limang games, pagkatapos ay tinalo din nila ang second-seeded na Boston Celtics sa pitong games.
At nu'ng Lunes nga ay nagawa nila na makaranas ang first-seed team sa Western Conference na Denver Nuggets na matalo sa unang pagkakataon sa kanilang tahanan sa postseason.
Ngayon ay target ng Heat ang maging unang eighth seeded na koponan na nakapanalo ng titulo sa kasaysayan ng NBA, mga KaTop Sports.
Ang dalawang sunod na games nga ay magaganap sa tahanan ng Miami, at umaasa sila na makabalik na si Herro sa mga iyon at makapagbigay sa kanila ng positibong epekto.
Natamo nga ni Herro ang kaniyang injury nu'ng Game 1 sa unang round ng playoffs laban sa Milwaukee Bucks.
Siya ay nag-aaverage ng 20.1 points, 5.4 rebounds at 4.2 assists sa loob ng 67 games niyang inilaro sa regular season.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?
At para naman sa Sinabi ni Gabe Vincent matapos manalo ang Heat sa Game 2 laban sa Nuggets.
Ang magandang postseason run ng Miami Heat ay lalo nang nagiging malinaw sa lahat, lalo na at nakaagaw sila ng panalo sa road sa Game 2 ng NBA Finals sa Denver Nuggets.
Nagawa ni Erik Spoelstra na makabalik sa ilang double-digit deficits nu'ng Lunes, na nagresulta upang makuha nila ang panalo sa score na 111-108, at naitabla nga nila ang serye sa 1-1.
Ngayong playoffs, nagawa ng Heat na maipamalas ang kanilang kahusayan, sa kabila na sila ang underdogs sa lahat ng round na pinagdaanan nila, mga KaTop Sports.
Nang tinanong nga itong si Gabe Vincent patungkol sa kung bakit nagagawa ng Heat na makabalik ng mas malakas pagkatapos na sila ay matalo.
Binigyang kredito ni Vincent ang karanasan ng kanilang koponan kung papaanong haharapin ang mga adversity, na iyon ang naging major factor, kaya't nagagawa raw nila na makabangon muli sa pagkakadapa, parte na raw iyon ng kanilang DNA,
Lumaban na raw sila sa kahirapaan sa ilang paraan, natumba sila at kinailangang bumangon uli, at marami na raw silang karanasan sa mga close games, kaya kapag nahaharap daw sila sa ganoon, komportable na raw sila, ang sabi ni Vincent.
Isa sa katotohanan na nasa koponan ng Miami Heat ay halos karamihan sa kanila ay mga undrafted talents, na isa sa tinutukoy siguro dito ni Vincent na nalagpasan nilang adversity, mga KaTop Sports.
At isa na nga sa undrafted talent ay itong si Gabe Vincent, na nagpamalas nga ng magandang paglalaro bilang starter kapalit ng beteranong si Kyle Lowry.
Sa loob ng 19 games, si Vincent ay nagkaroon ng isang imperssive na average na 13.9 points, 3.9 assists, at 1.6 rebounds, habang may shooting percentage na 41.3% mula sa tres.
Nu'ng Game 2, si Vincent ay nakapag-register ng 23 points, 3 rebounds at 2 assists, na may 66.7% shooting mula sa field at mula sa tres, at nakapagpost ng best plus-minus rating na +22.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?
Comments
Post a Comment