Sinabi ito ni Erik Spoelstra matapos na ang Heat ay makakuha lamang ng dalawang free throw attempts sa Game 1 laban sa Nuggets.



Sinabi ito ni Erik Spoelstra matapos na ang Heat ay makakuha lamang ng dalawang free throw attempts sa Game 1 laban sa Nuggets.
 
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong hindi magandang balita kay Tyler Herro para sa Game 2 ng sagupaang Heat at Nuggets.

Kailangan ngang makabawi ng Miami Heat sa Game 2 ng NBA Finals laban sa Denver Nuggets, lalo na at wala silang home-court advantage, mga KaTop Sports.


At ang main objective nila ay maka-steal ng at least isang game sa road, upang magkaroon ng kontrol sa home court advantage.

At dahil doon, ang mga fans ay bumabaling na sa potensiyal na pagbabalik ni Tyler Herro mula sa injury upang mabigyan sila ng buhay.

Kaso nga lang, ang hindi magandang balita ay, out pa rin si Herro para sa Game 2, pero may chance pa rin naman daw na makabalik na siya game.


Inilista ng Heat sa kanilang injury report na out pa rin nga itong si Herro para sa magiging laban nila sa Lunes sa Game 2 sa Denver, mga KaTop Sports.

Pero hindi raw ibig sabihin nito na out na siya talaga dahil maari pa raw magbago iyon hanggang sa pagsisimula ng game nila sa Lunes.

Ang iba pang players nila na nasa injury report ay sina Caleb Martin dahil sa siya ay may sakit at si Cody Zeller naman dahil sa foot sprain, kapuwa sila nakalista bilang questionable, at si Gabe Vincent naman ay available sa Game 2.


Si Martin nga ay hindi nakasama sa huling practice ng Heat dahil sa siya nga raw ay may sakit, at si Vincent naman ay sure na makakapaglaro sa Lunes.

Sa kabila na nawala ang isa sa best scorer ng Heat na si Tyler Herro dahil sa siya ay nagtamo ng injury sa kamay, sa unang round ng playoffs laban sa Milwaukee Bucks, nagawa pa rin ng Miami na makaabot ng NBA Finals, mga KaTop Sports.

Ito ay dahil na rin sa mga players nila na nagstep up na sina Martin at Vincent, pero ngayon, mukhang nakakaramdam na ng fatigue ang dalawa, kaya kailangan na talaga nila itong si Herro na makabalik na sa paglalaro.


Dahil malaki talaga ang maitutulong ni Herro sa kanilang naging kakulangan sa shooting nu'ng Game 1, dahil iba sana ang naging istorya nu'ng Game 1 kung nagsipasok lang ang mga tira ng kanilang mga shooters.

At kailangan ni Erik Spoelstra na mahanap ang paraan na h'wag magulo ang rhythm ng kanilang koponan kapag isinama na niya muli si Herro sa kanilang lineup.

At kapag nagawa nila na maging maayos ang pagbabalik ni Herro sa kanila, manganganib talaga ang Denver, basta maiwasan lang ng Heat ang mga pagkakamali habang nasa game.


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?

At para naman sa Sinabi ni Erik Spoelstra matapos na ang Heat ay makakuha lamang ng dalawang free throw attempts sa Game 1 laban sa Nuggets.

Ang naging kakulangan nga ng chances sa charity stripe ng Miami Heat ay naging isang malaking usap-usapan, matapos na matalo sila sa Game 1 ng NBA Finals sa mga kamay ng Denver Nuggets.


Gayun pa man, para kay Miami Heat head coach Erik Spoelstra, ang kakulangan nila sa pagiging agresibo at pag-atake sa rim, ang isa sa naging dahilan kung bakit hindi sila nakakuha ng mga tawag na foul mula sa officials.

Appropriate naman daw ang pagkakaiba ng kanilang free throw, ang sabi ni Spoelstra, at siguro daw ay nagkaroon sila ng apat pa o anim na free throws kung natawagan lang ang ilan sa mga iyon, mga KaTop Sports.

Pero overall daw, ang bilang raw ng pag-atake nila ay napakababa, kaya naman daw sila ay nagkaroon lamang ng dalawang free throw attempts.


Ang Heat nga ay nagkaroon lamang ng dalawang free throw attempts sa pagbubukas ng serye, at iyon ay galing pa sa kanilang reliever na si Haywood Highsmith.

Inamin na rin naman ni Jimmy Butler na ang pagdepende nila sa kanilang mga jumpers ay ang isang naging malaking dahilan kung bakit naging dalawa lang ang kanilang free throw attempts.

Ang Miami Heat sa kabuoan ay nag-aaverage ng 20 attempts sa free throw line sa playoffs, kaya nakakagulat naman talaga na sa Game 1 eh, nakadalawang freebies lamang sila, mga KaTop Sports.


At idagdag pa diyan na ang 14.6 percent ng kanilang puntos sa playoffs ay nanggagaling sa free throw line.

At dahil sa ipinunto na nina Butler at Spoelstra ang kanilang shot selection, asahan na natin na sa Game 2 ay mas aatakihin na nila ang basket upang magkaroon sila ng maraming pagkakataon na makatungtong ng free throw line.

Sa darating na Lunes, June 5, alas otso ng umaga, Pinas time, ang Game 2 ng sagupaan sa pagitan ng Heat at ng Nuggets.


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.