Silang dalawa ang dapat iwasan ng Warriors sa 2023 NBA free agency.
Nagkampeon nga ang Golden State Warriors nu'ng 2022 pero nabigo sila na depensahan ang kanilang korona sa naging kampanya nila ngayong 2023, mga idol.
Halos ganoon pa rin naman ang naging roster ng Warriors, pero nagawa kasi ng mga nakalaban nila na mailantad ang kanilang kahinaan, lalo na ng Los Angeles Lakers na tinalo sila sa anim na games.
Kaya't ang offseason ng Warriors ay naging usap-usapan na, at nagsimula ito sa pag-alis sa kanila ng kanilang General Manager na si Bob Myers.
Si Draymond Green naman ay papasok sa kaniyang free agency, kapag hindi niya ginamit ang kaniyang player option, habang si Jordan Poole naman ay magsisimula na ang kaniyang malaking kontrata na pinirmahan niya para sa susunod na season, mga idol.
Sabihin na natin na i-opt-in nina Green at Donte DiVincenzo ang kanilang mga deals, ang Warriors ay magkakaroon ng payroll na lalagpas sa $200 million, kaya mahihirapan na ang Warriors na magpapirma pa uli ng mga malalaking pangalan sa free agency.
Posible ang isang trade para mapababa nito ang epekto sa tax ng kanilang payroll, pero napakahalaga ng free agency season para sa Golden State.
At kahit na ba may limitadong options ang Warriors, merong dalawang players na dapat iwasan ng Warriors na papirmahin nila sa kanila.
Una ay si Malik Beasley, mga idol.
Bukod kay Stephen Curry, ang perimeter shooting ng Warriors ay mababa sa ilang mga games nu'ng postseason.
Sina Klay Thompson at Jordan Poole ay kilala na magagaling na mga shooters, pero nawala iyon sa ilang mahahalaga nilang laban nu'ng postseason.
Ang iba pang rotational pieces nila gaya nina DiVincenzo at Andrew Wiggins ay nagkaroon din ng maalat na three-point shooting, kaya alam na agad ng depensa na ang tututukan lang nila sa tres ay si Curry.
At dahil doon, ang kanilang front office ay baka magdagdag pa ng consistent perimeter shooter sa kanila, pero ang isa na dapat nilang iwasan na idagdag sa kanila ay si Malik Beasley, mga idol.
May kakayahan si Beasley na umiskor ng 21 points sa kaniyang pitong tres, pero pwede rin siyang magkaroon ng limang games ng sunod-sunod na wala siyang naiambag sa magkabilang dulo ng court.
Ang pabago-bagong production ni Beasley ay magiging sakit sa ulo lamang ng Golden State, dahil meron din silang Jonathan Kuminga at Jordan Poole na maari ring maging inconsistent gaya ni Beasley.
Ang babagay na three-and-D prototypes para sa Golden State ay itong si Josh Hart o kaya ay si Kyle Kuzma dahil sa kanilang well-rounded repertoire.
Si Beasley ay binayaran ng $15 million ngayong taon, pero ibinangko lang siya ng Lakers sa buong postseason.
Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?
At ang isa pa ay si Dennis Schroder.
Isa sa pinaka-attractive sa free agent market ay itong si Dennis Schroder, at siya ay nagkaroon ng isang magandang bounce back season matapos na magstruggle last year sa Boston Celtics at Houston Rockets.
May mga instances pa nga ng gamitin ni Lakers head coach Darvin Ham itong si Schroder bilang kanilang starting point guard kaysa kay D'Angelo Russell, dahil sa nagiging impact niya sa magkabilang dulo ng court.
Panigurado magdedemand ng mataas itong si Schroder sa offseason, at ang Golden State ay kailangan pa ng isang shot creator bukod kina Curry at Poole.
Ang free agent class ngayon ay hindi ganoon kalalim, kaya mas best na mabili sa market ay itong si Schroder para sa ganoong position, mga idol.
Ang magiging problema lang ng Warriors kay Schroder ay ang kaniyang playing style na hindi aangkop sa brand of basketball ni Steve Kerr.
Bilang initiator kasi, mas madalas kay Schroder ang bola at gusto niya laging mabilis at laging nagpupush, hindi pa siya nakita na umunlad sa sistema na kagaya ng kay Steve Kerr na read-and-react shemes.
Isa pa, ang approach ni Schroder sa game ay hindi palaging umaangkop sa ibang koponan, kaya nga hindi siya nagtagal sa Celtics.
Talentado naman itong si Schroder, pero mas okay na kunin na lang ng Golden State ang gaya nina Jevon Carter o kaya ay si Seth Curry bilang kanilang point guard
Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?
Comments
Post a Comment