Sila raw ang dahilan kung bakit nababawasan na ang pagiging maiinitin ni Draymond Green.
Sila raw ang dahilan kung bakit nababawasan na ang pagiging maiinitin ni Draymond Green.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong malaking problema na nasa harapan ngayon ng Phoenix Suns dahil sa pagkakakuha nila kay Bradley Beal.
May magandang bagong buo nga na Big 3 ang Phoenix Suns ngayon sa katauhan nina Kevin Durant, Devin Booker at Bradley Beal, mga idol, pero ito ay kung titignan lang natin sa panlabas at hindi sasaliksikin ang nasa loob.
Dahil sa pagkakakuha nila kay Beal, nailagay nila ang kanilang sarili sa isang mahirap na sitwasyon sa pananalapi, dahil sa Big 3 pa lamang nila, sila ay mayroon nang $129.1 million sa kanilang pasweldo sa season ng 2023-24.
Para mas maintindihan natin kung bakit, ang salary cap na pinapayagan lamang para sa isang koponan ay $134 million, at sa $129.1 million na iyon ng kanilang Big 3, hindi pa kasama do'n ang $32.4 million na sweldo ni Deandre Ayton sa darating na season.
Ibig lang sabihin, ang apat na players ng Suns ay umabot na sa $161.5 million na pasweldo ng kanilang koponan, na ito ay napakalapit na sa luxury tax threshold na nagkakahalaga ng $165 million.
Panigurado nito, mga idol, ang Suns ay lalagpas sa luxury tax at dapat din nilang bigyang pansin ang second luxury tax apron.
Dahil ang isang koponan na umabot ng $17.5 million na lagpas sa luxury threshold ay mahaharap sa malubhang kahihinatnan.
Kabilang ang pagkawala ng mid-level exception, kakayahan na mag-sign ng mga buyout players, maba-banned pa sa pagsama ng cash bilang parte ng isang trade, at kakulangan ng flexibility na gumalaw sa mga picks, at marami pang iba.
Ang Phoenix sa ngayon ay kailangan mapunan ang kakulangan sa lalim ng kanilang roster, at kung gusto nilang maging title contender, alam nila na hindi magagawa iyon ng kanila lamang Big 3.
At dahil nga sa sitwasyon ng kanilang pananalapi ngayon, mga idol, mahihirapan na sila na magpapirma pa ng mga players na makapagbibigay agad sa kanila ng malaking epekto.
Pwede nilang i-trade si Ayton, pero mababa na ang value niya, kaya hindi rin sila makakakuha ng isang player na may kalidad ng pagiging starter kapalit niya.
Kaya naman kaabang-abang na kung papaano hahawakan ng Suns ang sitwasyon nila ngayon, kung mapapalakas ba nila talaga ang kanilang koponan, ngayon na may bago na silang binuong Big 3.
At para naman sa dahilan kung bakit nababawasan na ang pagiging maiinitin ni Draymond Green, mga idol.
Si Draymond Green nga ang nagsisilbing vocal leader ng Golden State Warriors, na hindi nangingimi na ilabas ang kaniyang emosyon, at ang kaniyang presensiya ay napakahalaga sa mga naging tagumpay na nila sa mga nagdaang taon.
Pero ang ganoong ugali ni Green ay bumabalik sa kaniya, dahil ang kaniyang mga emosyon ay nagdala na sa kaniya sa maraming gulo at mga problema.
Isang malaking isyu para sa Warriors ang pagiging maiinitin niya, na isa nga sa tumatak sa atin bago magsimula ang season ay nu'ng sapakin niya si Jordan Poole habang sila ay nasa pagpapraktis.
Ngayon, unti-unti na niyang ginagawan ng paraan na maalis na sa kaniya ang pagiging maiinitin, mga idol, at ang isa raw na nakatulong sa kaniya ay ang pagiging ama niya sa tatlo niyang anak.
Nang matanong kasi siya kung ano ang natutunan niya sa kaniyang sarili sa pamamagitan ng kaniyang mga anak, ang sagot niya ay kung papaano hawakan ang kaniyang pag-uugali.
Dahil anoman daw mabubuting pag-uugali ang ituturo niya sa kaniyang mga anak, dapat daw ay nakikita rin iyon ng kaniyang mga anak sa kaniya.
Kailangan daw nating magpatuloy bilang isang mabuting tao at ang kaniyang asawa at mga anak daw ang isa sa mga nakapagturo sa kaniya kung papaano harapin ang mga isyu.
At gaya ng iba sa atin, mga idol, may pagdadaanan ka muna talaga bago mo mabago ang dapat mong baguhin sa'yo, at mukhang sinusubukan naman na niya na magawa iyon.
At sana lang noh, makita na natin na magkaroon na siya ng mahabang pasensiya sa mga bagay-bagay na nakakapagpainit ng kaniyang ulo, upang masaksihan na natin ang kakaibang Draymond Green sa pagpasok ng bagong season.
Comments
Post a Comment