Sikreto ng Heat ibinulgar ni Jimmy Butler matapos na makuha nila ang panalo sa Game 2 ng NBA Finals laban sa Nuggets.



Sikreto ng Heat ibinulgar ni Jimmy Butler matapos na makuha nila ang panalo sa Game 2 ng NBA Finals laban sa Nuggets.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ni Erik Spoelstra sa mga nagsasabi na nagawa nilang scorer lang daw itong si Nikola Jokic at hindi passer kaya raw sila nanalo.


Nakatanggap nga ng kredito si Erik Spoelstra at ang Miami Heat dahil sa malaking adjustments na ginawa nila sa Game 2, kung saan nakuha nila ang panalo laban sa Denver Nuggets, mga KaTop Sports.

At ang pinaka-magandang adjustment na ginawa ng Miami ay ang kay Nikola Jokic, na nagawa nila na magkaroon lamang si Jokic ng apat na assists, na bagaman siya ay naka-41 points, hindi naging sapat iyon upang madala niya ang Nuggets sa isang panalo.

Pagkatapos ng game, natanong itong si Spoelstra kung ano ang komento niya sa taktika na ginawa nila sa laban, na nagawa lang daw nila na maging scorer si Jokic sa Game 2.


At imbes na kunin ni Spoelstra ang kredito dahil nalimitahan nga nila si Jokic na maging scorer lamang sa Game 2, hindi niya tinanggap ang ganoong narrative, at sinalungat ang paniniwalang iyon.

Katawa-tawa naman daw na isipin 'yun, ang sabi ni Spoelstra, ang nakakakita lang daw ng ganoon ay ang mga matang hindi sanay, dahil isa raw magaling na player itong si Jokic, mga KaTop Sports.

Dalawang seasons na raw na napatunayan ni Jokic na siya ang pinakamagaling sa planetang ito, kaya hindi mo raw pwedeng sabihin na, gawin lang natin siya na scorer lamang.


Hindi raw ganoon maglaro ang Nuggets, marami raw silang kayang gawin upang ikaw ay makompremiso, kaya kailangan daw nilang magfocus sa kanilang ginagawa.

Sinusubukan raw nilang gawin ang mga bagay sa mahirap na paraan, at ginagawa rin daw ni Jokic na gawin mo ang mga bagay sa mahirap na paraan, kaya't ginagalang daw nila si Jokic, pagpapatuloy ni Spoelstra.

Makikita natin dito sa sinabi ni Spoelstra na hindi niya nagustuhan ang mga tao na minamaliit ang kakayahan ni Jokic, kaya't ayaw din naman nilang gawin iyon kay Jokic, mga KaTop Sports.


Kaya naman, tinanggihan nila na kunin ang kredito nang kung anomang adjustments ang ginawa nila kay Jokic sa Game 2, kahit na ba naging succesful pa iyon.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports.

At para naman sa Sikreto ng Heat na ibinulgar ni Jimmy Butler matapos na makuha nila ang panalo sa Game 2 ng NBA Finals laban sa Nuggets.

Nakatuon na nga ang paningin ni Jimmy Butler at ng koponan ng Miami Heat pabalik sa kanilang tahanan sa South Beach, matapos na makaagaw sila ng panalo sa road sa NBA Finals sa Denver Nuggets.

Hindi nga nagawang madepensahan ng grupo ni Nikola Jokic ang kanilang tahanan at sila ay tinalo nga ng Heat sa score na 111-108, at ang naging susi ng tagumpay ng Heat ay ang kanilang epektibong ball rotation at tamang pag-atake sa depensa ng Nuggets.


Na iyon ay nagresulta upang ang Heat ay magkaroon ng tatlong players na umiskor ng 20 points, na dahil na rin iyon sa kanilang magandang teamwork, mga KaTop Sports.

Si Butler ay nagkaroon ng 21 points at 4 rebounds, kahit na ba, na siya ay nagkaroon lamang ng 7-of-19 shooting mula sa field, nakatulong naman siya upang ang kaniyang mga kakampi ay magkaroon ng mga pagkakataong makapuntos.

Nagkaroon siya ng siyam na assists at pinadali ang kanilang opensa, isa na lang at nakakuha sana siya ng double-double sa game, at pagkatapos ng game, ibinulgar nga ni Butler ang kanilang sikreto sa Finals.


Sa palagay daw ni Butler, wala raw may pakialam sa kanilang team, at hindi raw nila pinag-aalala iyon, basta naka-focus lang daw sila sa ginagawa nilang tama bilang isang grupo, iyon ang sabi ni Butler.

Napatunayan naman na ng Heat ang sinabi na iyon ni Butler dahil ilan sa kanila ang nabuhay sa game upang makuha nila ang panalo, mga KaTop Sports.

Si Gabe Vincent ay nagtapos na may 23 points ar si Bam Adebayo naman ay nagkaroon ng 21 points.


Sina Max Strus at Duncan Robinson ay nahanap din ang kanilang rhythm sa game upang matulungan ang Heat na maitabla sa 1-1 ang serye.

Maishoot man daw nila ang bola o hindi, sila ay magiging sila pa rin, dagdag pa ni Butler, dahil hindi raw sila nag-aalala sa kanino pa man.

Ganoon na raw sila buong taon at hindi na raw magbabago iyon, iyon daw ang nasa isip niya, wala raw siyang pakialam sa sinasabi ng iba, pagsasara ni Butler, mga KaTop Sports.


Ngayon, oras naman ni Butler at ng Miami Heat ang depensahan ang kanilang tahanan sa Florida para sa Game 3, na magaganap sa Huwebes, June 8, 8:30 ng umaga, Pinas time.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.