Siguradong gaganahan ang mga fans ng Heat sa sinabi na ito ni Jimmy Butler.



Siguradong gaganahan ang mga fans ng Heat sa sinabi na ito ni Jimmy Butler.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong sinabi ni coach Erik Spoelstra patungkol sa naging desisyon niya na paglaruin si Kyle Lowry mula sa bench.

Matapos nga na maging starting point guard ng Miami Heat sa halos sa malaking parte ng season itong si Kyle Lowry, nakita niya ang kaniyang sarili na naging isang bench role player na lang nu'ng March, mga KaTop Sports.


Magmula no'n naging parte na siya ng second unit ng Heat, at nagningning naman siya sa kaniyang bagong role na nakuha niya sa kanilang koponan.

At dahil do'n, todo ang naging papuri sa kaniya ng kanilang head coach na si Erik Spoelstra.

Alam ni Coach Spo na si Lowry, sa edad niya na 37, ay nasa twilight na ng kaniyang career, pero kahit na gano'n, humahanga pa rin daw itong Spoelstra sa pagiging handa palagi ni Lowry at maging sa paraan niya kung mag-isip.


Lagi raw gustong manalo ni Lowry, ang sabi ni Spoelstra, at sa ganitong stage na raw ng career ni Lowry, na mas marami na ang kahapon kaysa sa bukas.

Ito ay patungkol na raw sa mga competitive moments sa pinakamalaking stage, iyon daw ang nagpapa-patuloy sa kaniya, higit sa lahat, ang ultimate competition, mga KaTop Sports.

Binuksan din ni Spoelstra ang usapin patungkol sa proseso na nagdala kay Lowry upang maging permanente na, na parte ng kanilang second unit.


Ayon kay Spoelstra, iyon daw ay isang natural na desisyon, at naging madali lang daw ang pagdadala niya kay Lowry na maglaro mula sa bench dahil kinailangan daw nilang i-shut down si Lowry ng limang linggo.

Ibinunyag din ni Spoelstra na siya ay nakatanggap ng ilang backlash matapos na paglaruin niya si Lowry ng 36 minutes sa unang game ng pagbalik niya mula sa injury.

At sa punto raw na iyon, nabatid ni Coach Spo na kailangan niyang gumawa ng mga kinakailangan na adjustments upang mas magamit ang abilidad ni Lowry at magkaroon siya ng epekto sa kanilang koponan, mga KaTop Sports.


Kailangan daw nilang maingatan ang isa't-isa, at para magawa raw nila iyon, kailangan daw na paglaruin niya si Lowry mula sa bench upang makontrol niya ang kaniyang mga minuto, pagpapatuloy pa ni Spoelstra.

At lumago naman si Lowry sa ganoong role, At bago raw sila nakaabot ng playoffs, kahit na raw kaya na ni Lowry hawakan ang kaniyang mga minuto, nanatili pa rin sila sa ganoong sistema.

Secure na raw si Lowry sa ganoon, at sa palagay daw ni Spoelstra, niyakap na ni Lowry ang ganoong role sa kanilang koponan, at ang kanilang second unit daw ang isa sa pinakalakas sa kanilang koponan.


Nag-struggle daw sila sa kanilang second unit sa iba't-ibang kadahilanan sa halos kabuoan ng season, pero naayos daw iyon ni Lowry, mga KaTop Sports.

At magmula no'n, si Lowry ay naging isang mahalagang bato na ng Heat mula sa bench, at gaya nga ng sinabi ni Spoelstra, nagawa raw ni Lowry na maging malakas ang kanilang second unit.

Kakailanganin ng Miami ang ganoong klaseng Lowry sa NBA Finals laban sa Denver Nuggets, ngayon na tabla na ang serye nila sa 1-1.


Hindi man maituturing na superstar itong si Lowry, pero kailangan na siya ay maglaro sa kanilang koponan sa isang napakahalagang role, kung gusto nila na magkampeon ngayong taon.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?

At para naman sa sinabi ni Jimmy Butler na magpapagana sa mga fans ng Heat.


Naipagwagi nga ng Maimi Heat ang Game 2 ng NBA Finals, at ito ay dahil na rin sa nagawa ng kanilang best player na si Jimmy Butler.

Nagkaroon man ng pangit na shooting itong si Butler sa game na iyon, pero nakapagtapos pa rin siya na may 21 points, at nakapagbigay pa ng pinakamataas sa kanilang koponan ng 9 assists.

Ngayon, may home-court advantage na nga ang Heat sa serye na lilipat na sa kanilang balwarte para sa Game 3 at Game 4, mga KaTop Sports.


Bago nga maganap ang Game 3, nagsalita itong si Butler sa media at naglaglag ng mga salita patungkol sa Finals na talagang magbibigay gana sa kanilang mga fans.

Masaya raw siya sa city ng Miami, at sa organisasyon, at deserve daw nila na mapunta sa Finals, deserve din daw nila na manalo sa Finals at manalo ng kampeonato.

At gagawin raw nila ang lahat sa kanilang kapangyarihan na magkaroon ng katuparan iyon, ang sabi ni Butler.


Sino ba naman ang hindi gaganahan sa sinabi na ito ni Butler kung ikaw ay isang Heat fan, dahil ito nga ang inaasahan mo na magkaroon ng katuparan ngayong taon.

Si Butler nga sa kaniyang edad na 33, ay nasa kaniyang ikalabing dalawang taon na sa NBA at pang-apat na taon na niya bilang miyembro ng prankisa ng Miami Heat, mga KaTop Sports.

Siya ay nag-averaged ng 22.9 points, 5.9 rebounds, 5.3 assists, 1.8 steals, 0.3 blocks, 1.6 turnover at 1.3 personal fouls per game, sa loob ng 64 games ngayong season, at lahat ng iyon, siya ay naging starter.


At ngayong season, naabot din ni Butler ang kaniyang pinakamataas na field goal percentage sa kaniyang professional career na 53.9%.

At bagaman hindi pa natin nakikita ang isang playoff scoring type performance ni Jimmy Butler sa NBA Finals, pero asahan na natin na maipamamalas na niya iyon sa Game 3.

At kapag nagawa ni Butler na buhatin ang Heat sa isang panalo sa Game 3, at magkaroon sila ng kalamangan sa serye na 2-1, lahat ng pressure ay malilipat na sa Denver Nuggets.


Na kailangan na ng Denver na  maipanalo ang Game 4, upang huwag silang malubog sa 3-1 na kalamangan ng Miami Heat.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.