Sakim daw ang mga fans ng Lakers ang sabi ni Shaquille O'Neal dahil sa pagtrato nila kay LeBron James.



Sakim daw ang mga fans ng Lakers ang sabi ni Shaquille O'Neal dahil sa pagtrato nila kay LeBron James.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong prediction ni Kendrick Perkins na muli raw magsasama sina Kevin Durant at Draymond Green sa isang team.

Opisyal na ngang pumasok ang NBA sa offseason, kaya't ang mga rumors ay maglalabasan na sa mga susunod pang mga buwan, at isa na nga sa nagpapa-hype ng offseason ay itong si Kendrick Perkins, mga KaDribol.


Sa kaniyang naging listahan ng kaniyang summer predictions, may inilabas siya na posibilidad na reunion sa pagitan ng dating magkakampi sa Golden State Warriors na sina Draymond Green at Kevin Durant.

Alam naman natin na hindi pa aalis si Durant sa Phoenix Suns dahil kalahating season pa lang ang nailalaro niya doon.

Habang si Green naman ay posibleng pumasok na sa free agency dahil may hawak siyang player option sa Warriors sa darating na season.

At sa kaisipan ni Perkins, naniniwala siya na si Green ay magdedesisyon na lilipat na at dadalhin ang kaniyang sarili sa Phoenix, at hindi na nga bago pa sa atin ang ideya ng pag-alis ni Green sa Warriors ngayong summer, mga KaDribol.


Gayun pa man, ang potensiyal na pagsasamang muli nina Durant at Green sa Suns ay talaga namang isang interesting na balita.

At para lang sa pagkaklaro, hindi naman siguro ito nabuo ni Perkins dahil sa nalaman niya ito sa isang source, kundi ito ay kaniya lamang prediction o hula na mangyayari.

At hindi basta ilalabas lang ito ni Perkins ng gano'n-gano'n na lang, kundi ito ay posible ngang magkatotoo.

Isipin na lang natin kung magsasama nga itong sina Draymond Green, Kevin Durant at Devin Booker sa iisang team, diba't kay gandang abangan nito.


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?

At para naman sa sinabi ni Shaq na sakim ang mga fans ng Lakers dahil sa pagtrato nila kay LeBron, mga KaDribol.


Nagsalita nga itong si Shaquille O'Neal patungkol sa legacy ni LeBron James bilang miyembro ng Los Angeles Lakers.

At dinipensahan niya si LeBron laban sa mga criticism na natatanggap niya sa mga Lakers fans, na para rito kay O'Neal, deserve naman daw ni LeBron na magkaroon ng istatwa sa labas ng Staples Center.

Kung gusto raw nilang bigyan ng istatwa si LeBron, okay lang daw iyon sa kaniya, na panigurado, sa sinabi na ito ni Shaq, ilan sa mga fans ng Lakers ay hindi magugustuhan ang pagpayag niya na magkaroon ng istatwa si LeBron sa labas ng Staples Center.

Hindi rin nagustuhan ni O'Neal ang sinasabi ng ilang mga fans ng Lakers na ang nakuha raw na kampeonato ni LeBron taong 2020 sa Lakers ay hindi raw tunay na kampeonato, mga KaDribol.


Talagang nanalo raw ng titulo itong si LeBron sa Lakers, ang sabi ni O'Neal, tapos ngayon, marami raw ang nagsasabi na hindi iyon bilang.

At para sa karagdagang pagtatanggol ni O'Neal sa 2020 championship ni LeBron, binanggit din niya ang naabot ni LeBron bilang isang player ng Lakers.

Nabasag daw ni LeBron ang scoring record bilang isang Laker, isa raw magaling na player si LeBron, may magaling na abilidad at ginawa niya ang dapat niyang gawin bilang isang Laker.

Binatikos din ni O'Neal ang mga fans na aniya, hindi raw naaapreciate ng mga fans ang mga panalong nasasaksihan nila, kundi lagi raw silang nakafocus lamang sa kasunod, mga KaDribol.


Masyado na raw nagiging gahaman ang mga fans ng Lakers, sinasabi raw nila na, oo, naibigay mo sa amin ang championship sa bubble, pero kailan mo ibibigay sa amin ang isa pa? Palagi na lang daw gano'n.

Lalo na ngayon, mas mataas na ang gustong asahan ng mga fans sa Lakers dahil nakaabot nga sila hanggang sa West Finals, at kada seasons naman ay palaging may mga ganoong expectations ang mga fans ng Lakers.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.