Rookie ng Los Angeles Lakers Lakers na si Jalen Hood-Schifino ibunyag kung bakit iba siya sa lahat ng kasama niya sa draft class.



Rookie ng Los Angeles Lakers Lakers na si Jalen Hood-Schifino ibunyag kung bakit iba siya sa lahat ng kasama niya sa draft class.


Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong dineklara ng rookie ng San Antonio Spurs na si Victor Wembanyama na kaniyang bad intentions kay LeBron James.


Usap-usapan na nga itong si Wembanyama, mga KaDribol, at hindi na natin dapat pang ikagulat ito matapos na siya ay opisyal na nga na naging miyembro ng Spurs nang siya ay napili bilang No.1 overall pick ng 2023 NBA Draft.

At ngayon nga ay may deklarasyong inilabas itong si Wembanyama patungkol kay LeBron, at sa ibang nakasama niyang mga rookies sa draft.

Nang siya ay matanong na magpangalan ng isang person na gusto niyang madunkan ng harap-harapan, ang pangalang ibinigay niya ay ang pangalan ni LeBron James.


Aniya, gusto daw niya lahat, pero mas special daw sa kaniyang pakiramdam kung sa darating na araw at sana raw ay makapag-dunk siya sa harapan ni LeBron, dahil si LeBron daw ay naging icon na sa liga ng kaytagal.

Para sa ikapapatas, mga KaDribol, ang tila bad intensions na ito ni Wembanyama kay LeBron ay masasabi natin na ito ay ang most respectful way possible na maibibigay niya kay LeBron.

Gayun pa man, hindi nito maiaalis ang katotohanan na ngayon ay opisyal na ngang pinalitan ni Wembanyama itong si LeBron sa kaniyang posisyon.


At hindi lang naman siya ang may gusto na makakuha ng isa kay LeBron, halos kalahati ng nasa class ng 2023 NBA Draft ay gusto rin ang ideya na iyon.

Hindi na nga natin dapat pang ikagulat ito, dahil gaya nga ng sinabi ni Wembanyama, si LeBron kasi ang naging mukha ng liga sa mahabang panahon na.

At kung gusto ng mga batang players na ito na makagawa ng pangalan sa kanilang mga sarili, mga KaDribol, walang ibang magandang paraan na magawa iyon kundi ang makaisa sila o higit pa kay LeBron.


Subali't dapat silang maging handa dito, dahil kilala naman natin si LeBron, wala rin siyang inuurungang hamon.

At para naman sa ibinunyag ng rookie ng Lakers na si Jalen Hood-Schifino, nga KaDribol, kung bakit naiiba siya sa lahat ng kasama niya sa class ng 2023 NBA Draft.


Mukhang nakakuha nga ang Lakers ng isang mahalagang bato sa katatapos lang na NBA Draft, sa katauhan ng kanilang pang No.17 na overall pick na si Jalen Hood-Schifino, at mukhang may malalaking plano na ang Lakers para sa kaniya.

Pero para sa bente anyos na si Jalen, mas excited daw siya na napasama siya sa Lakers, dahil malaking tagahanga siya ni Kobe Bryant mula pa pagkabata niya, at isa raw na karangalan para sa kaniya ang magsuot ng kaparehong jersey na isinuot ng kaniyang idolo.

At ngayon pa nga lang ay magkakaroon na ng maraming pressure sa kaniya, lalo na at ang Lakers ang pinag-uusapan natin dito.


Ganun pa man, mga KaDribol, confident pa rin siya sa kung ano ang kaya niyang maibigay sa bago niyang koponan, dahil siya raw ay all-around player.

Chine-check daw niya ang maraming boxes, obviously daw ang big guard, at pakiramdam daw niya na kaya niyang umiskor mula sa tatlong antas, hindi raw siya makasarili, at isa raw siyang Floor General.

Sumasang-ayon naman ang general manager ng Lakers na si Rob Pelinka sa sinabi na ito ni Jalen patungkol sa kaniyang sarili, at binahagi niya ang mga physical gifts na meron itong si Jalen at kung papaano iyon makakatulong sa kaniya upang mag-excel siya sa NBA.


May taglay daw itong si Jalen ng isang magandang physical package at profile upang maging isang magaling na defender, at mayroon daw siya ng lahat ng skills na may length na ma-disturb ang mga passing lanes, at gambaalin ang mga tira.

Meron daw itong si Jalen ng presensya sa pisikal, mga KaDribol, malalaking balikat at likod, built daw talaga itong si Jalen.

Naniniwala rin itong si Jalen Hood-Schifino na siya ay magiging isang elite na defender para sa Lakers, at para sa kaniyang kaisipan, ito ang main quality na nagpaging iba sa kaniya sa mga kasama niya sa draft class.


Kaya raw niya na depensahan ang lahat na posisyon, at malaki raw ang naitutulong ng kaniyang malaking pangangatawan at kalakasan nito upang ma-gwardiyahan ang mga point guards, maging ang malalaking mga players.

At iyon daw ang isang bagay na nagpapahiwalay sa kaniya sa ibang mga rookies kaya makakakuha siya ng mga minuto sa laro.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.