Rob Pelinka nagbigay na ng update patungkol sa plano nila sa free agency.
Rob Pelinka nagbigay na ng update patungkol sa plano nila sa free agency.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong inaasahan na papipirmahin daw ng Los Angeles Lakers ng bagong kontrata itong si D’Angelo Russell.
Mukhang makikita natin muli itong si D-Lo na maglalaro sa Lakers sa darating na panibagong season, mga KaDribol.
Dahil may mga ulat na naglabasan na gusto raw ng Lakers na magkaroon ng deal dito kay D-Lo sa free agency.
Si D-Lo ay unrestricted free agent na, pero ang Lakers ay may hawak sa kaniya ng Birds rights, na mag-aallow sa Lakers upang mapapirma muli nila si D-Lo habang sila ay mag-eexceed sa kanilang salary cap.
Si D-Lo ay nag-averaged ng 17.4 points, 6.1 assists, at may 41.4% shooting mula sa tres, sa loob ng 17 regular season games sa Lakers.
Ang kaniyang ilang napapanahon na scoring ay nakatulong sa Lakers upang maka-advance sila sa una at ikalawang round ng playoffs, pero siya ay biglang nag-struggle sa conference finals.
Siya doon ay nag-averaged lamang ng 6.3 points, at nakapagtala lamang nf 32.3% shooting, at nabangko pa siya nu'ng Game 4, kaya siguro bumagsak ang kaniyang market value.
Ang bente syete anyos na si D-Lo ay nakakuha ng $100 million four year deal sa koponan ng Minnesota Timberwolves, pero mukhang hindi na siya makakakuha pa ng kagaya no'n na offer dahil na rin sa kung papaano siya nagtapos last season.
Gayun pa man, ang Lakers ay open sa pag-retain sa kaniya sa isang modest na kontrata, gaya ng $36 million two years deal o kaya ay $40 million.
Nu'ng tinanong naman itong si D-Lo kung gusto pa rin ba niya maglaro sa Lakers, ang sagot niya ay "Oo, at gusto raw niyang makita kung ano ang maa-acomplish nila sa buong season na magkasama.
Posible rin na mapunta itong si D-Lo sa San Antonio Spurs, o kaya ay sa Utah Jazz, o kaya ay sa Orlando Magic na kapuwa mayroong mga cap space, na nagpapakita ng interes sa kaniya.
Posible rin na siya ay i-sign-and-trade ng Lakers, at posible rin na dahil sa kagustuhan ng Lakers na makuha muli sina Austin Reaves at Rui Hachimura ay pakawalan na nila si D-Lo upang magkaroon sila ng karagdagang pananalaping magagamit.
Pero pwede rin naman na i-trade na lang nila si D-Lo sa susunod na taon sa trade deadline, kapag wala pa ring magandang mangyayari sa pagkakakuha sa kaniya.
At para naman sa update na inilabas ni Rob Pelinka na plano nila sa free agency, mga KaDribol.
Sinabi nga ni Pelinka na ang ipa-prioritize ng Lakers ay ang continuity kapag nagsimula na ang free agency.
Malinaw naman daw ang nakita sa kanila sa kanilang huling laban, at ang success na nagawa nila na makatungtong sa Western Confernce Finals.
At gagawin daw nila ang lahat nilang makakaya upang mapanatili ang kanilang grupo habang ii-improve ang dapat na mai-improve sa kanila, upang makabalik sila kung saan sila nakarating, at mas maganda raw ay makatungtong na uli sila sa NBA Finals.
Ang Lakers nga ay maybapat na players na under guaranteed contracts para sa paparating na bagong season, at ito ay sina LeBron James, Anthony Davis, Jarred Vanderbilt at Max Christie.
At sina Jalen Hood-Schifino at Maxwell Lewis ay madadagdag na sa kanilang roster, habang si Shaquille Harrison ay may non-guaranteed contract sa Lakers.
At gaya nga ng nasabi ko na kanina, gusto ng Lakers na panatilihin nila sa kanila sina Reaves at Hachimura at inaasahan din na i-retain naman nila si D-Lo.
Sina Dennis Schroder at Lonnie Walker IV ay mga kandidato rin sa pagbalik sa Lakers, depende sa kanilang magiging market value.
Ang taxpayer mid-level exception ng Lakers ay estimated na aabot ng $7.7 million.
At ang sinabi ni Pelinka na ang gusto nilang papirmahin para doon ay ang player na naglalaro ng mautak na basketball, may depensa at naglalaro na nasa tamang paraan, at ang pinakamalapit dito ay si Schroder.
Kailangan din ng Lakers na magdesiyon kung kukunin nila ang $16 million option kay Malik Beasley at ang $10.3 million salary ni Mo Bamba para sa susunod na season.
Sinabi rin ni Pelinka na tinalo sila ng isang team na may magandang continuity, isang team na matagal nang magkakasama, kaya napakahalaga ngayon sa kanila ang continuity.
Kaya iyon daw ang priority nila ngayon, at may mga special players daw sila ngayon na nasa kanilang locker room, na nag-eenjoy na maglaro ng sama-sama, at nag-eenjiy din daw si Coach Darvin Ham na i-coach sila.
At alam daw nila na marami pa silang ikalalago at ika-iimprove sa grupo nila, lalo na kapag nasa training camp na sila
Comments
Post a Comment