Preseason Schedule ng Los Angeles Lakers inilabas na.



Preseason Schedule ng Los Angeles Lakers inilabas na.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong naging desisyon ni Khris Middleton sa kaniyang $40 million player option sa Milwaukee Bucks.


Dineclined na nga ni Khris Middleton ang kaniyang $40 million na player option sa Bucks, ayon kay Adrian Wojnarowski, mga KaDribol, at ngayon ay free agent na siya.

Nu'ng una, may balita na tatanggapin ni Middleton ang kaniyang player option at sa Milwaukee pa rin siya maglalaro, pero pagsapit ng deadline, siya ay nagdesisyon na iyon ay tanggihan, at ngayon nga ay papasok na siya sa free agency.

Gayun pa man, ayon kay Woj, may posibilidad na manatili pa rin itong si Middleton sa Bucks at gusto pa rin daw ng Milwaukee na mag-stay sa kanila ang tambalang Khris Middleton at Giannis Antetokounmpo.


Matapos na ma-missed niya ang ilang sandali dahil sa injury na natamo niya nu'ng katatapos lang na postseason, siya ay nagtapos na may averaged na 15.1 points per game, 4.2 rebounds at 4.9 assists sa loob ng 33 games.

Sa ngayon, mga KaDribol, magiging free agent pa muna itong si Middleton, pero panigurado na ang Bucks ay susubukan at gagawin ang lahat nilang makakaya na maibalik nila siya sa kanila.

Sa bagong pamumuno ng kanilang bagong head coach na si Adrian Griffin, gagawa raw sila ng paraan upang mapanatili ang samahan nina Giannis, Middleton at Jrue Holiday.


Bago ma-injured nitong si Middleton, siya ay nakapagtala ng tatlong magkakasunod na 20-plus points per game sa bawa't season at napasama din siya ng tatlong beses sa All-Star team.

At lahat ng season ng kaniyang career ay ginugol niya sa Milwaukee, kaya ang isipin na siya ay maglalaro na sa ibang koponan ay mahirap talaga sa magkabilang panig, kung sakali.

Marami nga ang paparating na mga kaganapan ngayon sa NBA, ngayong offseason, mga KaDribol, at isa na itong sitwasyon ni Khris Middleton ang maganda rin na matutukan, kung ano ang magiging resulta ng pagpasok niya sa free agency.


At para naman sa Preseason Schedule ng Los Angeles Lakers na inilabas na, mga KaDribol.

Ang preseason schedule nga ng Lakers sa darating na 2023-24 season na inilabas na ay kinabibilangan ng mga magiging laban nila sa Brooklyn Nets, Golden State Warriors, Milwaukee Bucks at Pheonix Suns.


Narito ang buong detalye ng kanilang schedule, Pinas time.

October 8, sa balwarte ng Warriors sa Chase Center, alas otso kinse ng umaga.

October 10, sa balwarte ng Nets sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, alas nueve ng umaga.

October 14 sa balwarte ng Lakers sa Crypto.com Arena, laban sa Warroors, alas dyes ng umaga.

October 16, sa balwarte uli ng Lakers sa Crypto.com Arena, laban sa Bucks, alas otso ng umaga.

At October 20 laban sa Suns sa Acrisure Arena sa Palm Springs, alas dyes ng umaga.

Ang Suns ay may bagong dagdag na Bradley Beal, at bagong head coach na si Frank Vogel na dating head coach ng Lakers, ay ang isa sa kaabang-abang na panoorin sa schedule na ito ng Lakers sa preseason.


Ang Lakers ay may apat na players na may guaranteed contracts sa kanila, at ito ay sina LeBron James, Anthony Davis, Jarred Vanderbilt at Max Christie, ito ay kung hindi pa magreretiro itong si LeBron.

Sinusubukan din ng Lakers na i-market sa trade itong si Malik Beasley o kaya ay si Mo Bamba kasama ng kanilang first rounder upang makuha ang alinman sa mga players na ito,mga KaDribol.

Buddy Hield, Myles Turner, Gary Trent Jr., Royce O'Neal at Dorian Finney-Smith.


Sinusubukan din ng Lakers na papirmahin muli sa kanila itong sina Austin Reaves at Rui Hachimura.

Interesado rin sila na panatilihin sina D'Angelo Russell, Dennis Schroder at Lonnie Walker IV sa tamang halaga, at idagdag si Chris Paul para sa isang veteran minimum contract.

Ang susunod na basketball games ng Lakers ay doon na sa lugar ng Sacramento para sa California Classic, mga KaDribol.


Ang summer squad ng Lakers na may Max Christie ay kakalabanin ang Miami Heat sa darating na July 4, at ang San Antonio Spurs na posibleng may Victor Wembanyama na sa July 6 naman.

Ang Summer League ng NBA ay tatakbo naman mula July 8 hanggang July 18 sa Vegas, petsa dito sa Pinas, at ang Lakers ay hindi pa nag-anunsiyo ng petsa ng kanilang training camp at media day.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.