Nikola Jokic napasama sa grupo nina LeBron James at Kareem Abdul-Jabbar dahil sa naitala niyang stat line sa playoffs.
Nikola Jokic napasama sa grupo nina LeBron James at Kareem Abdul-Jabbar dahil sa naitala niyang stat line sa playoffs.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong naging sagot ni Jamal Murray matapos na siya ay matanong kung saan ang unang lugar na gusto niyang ipagdiwang ang kanilang tagumpay.
Alam nga ni Jamal Murray kung aling lugar ang una niyang pupuntahan matapos na sila ay manalo sa 2023 NBA Finals laban sa Miami Heat, na siya, mula sa pagkakaroon ng ACL injury, ngayon ay isa nang NBA Champion, mga KaDribol.
Siya ay nag-averaged sa loob ng 19 playoff games ng 26.7 points, 7.1 assists at 5.5 rebounds, na 'di hamak na mas mataas sa naging average niya sa 65 regular season games na 20 points, 6.2 assists at 4 rebounds.
Kapag kinakailangan nga siya ng Nuggets, hindi niya binibigo ang kaniyang mga kasama, at ibinibigay niya ang lahat niyang makakaya upang makatulong sa kanila.
Kaya nang siya ay matanong kung saang lugar ang una niyang gustong puntahan upang magdiwang, wala siyang binitiwang isang salita, kundi itinuro lamang kung saan siya nakatungtong sa kasalukuyan, sa Denver.
Isa ngang napakagandang paglalakbay ang naranasan niya magbuhat ng siya ay madrafted na pang 7th overall ng Denver taong 2016, at gaya ng ibang mga point guards, nagsimula siya na mabagal, mga KaDribol.
Pero mabilis na lumago ang kaniyang paglalaro sa paglipas ng mga taon, at ngayon nga siya na ang nagsisilbing kanilang ikalawang scorer, na may mabilis na abilidad sa playmaking, na perpektong itambal kay Nikola Jokic.
Nagdaan na rin siya sa masasakit na sandali sa kaniyang career, taong 2019 nang matalo sila sa tatlong overtime laban sa Portland Trail Blazers, at taong 2020 naman ay natalo sila ng isang dominanteng koponan ng Los Angeles Lakers sa bubble.
Kay taas ng momentum no'n sa Mile High City nang biglang mangyari ang isang insidente nu'ng April 12, 2021, nang ma-injury itong si Murray, na humantong upang sila ay mawalis ng Phoenix Suns sa West Finals.
Pagkatapos ay hindi na nakapaglaro pa itong si Murray sa kabuoan ng 2021-22 season, kaya muling nagkaroon ang Nuggets ng maagang pagkalaglag sa playoffs, mga KaDribol.
At nang makabalik na nga siya at maibalik ang dating siya, nagtuloy-tuloy na nga sila hanggang makuha na nila ang kampeonato, dahil na rin iyan sa malaking suporta sa kaniya ng kaniyang mga coach, kakampi at ng buong city ng Denver.
Kaya makatuwiran lang na ipagdiwang niya ang kaniyang unang singsing sa lugar kung saan nandoon ang kaniyang koponan na kasama niyang nakipaglaban.
At talagang masaya sila sa kanilang naabot, at makikita ito sa videong ito, nang siya ay isinama ni Jokic na tumalon sa pool.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?
At patungkol naman kay Jokic na napasama na sa grupo nina LeBron at Kareem dahil sa naitala niyang stat line sa playoffs.
Naging matabang nga ang mga naging usapan patungkol kay Nikola Jokic sa pagtatapos ng regular season, pero mukhang iyon ang nagpagana sa kaniya upang maglagay ng isang makasaysayang takbo sa 2023 NBA playoffs.
Ngayon lang postseason, siya ay nakapaglagay ng sampung triple-doubles, na halos mayroon siya no'n ng dalawa kada round patungo sa pagiging kampeon ngayong taon.
Siya ay nagkaroon ng 28 points at 16 rebounds sa kanilang panalo sa Game 5 laban sa Miami Heat sa score na 94-89, at sinelyahan na nga ang kanilang kapalaran bilang kampeon ng taon, mga KaDribol.
Siya ay nag-averaged ng 30 points, 13.5 rebounds at 9.5 assists per game, at siya ang nanguna sa playoffs sa tatlong nabanggit na statistical categories, at tinalo niya si LeBron James sa bagay na iyon bilang resulta.
Si Jokic kasi ay nagkaroon ng 52.9 na pinagsama-samang points, rebounds at assists kada gabi sa playoffs, at si LeBron, sa kaniyang best-ever statistical playoff run taong 2018 sa Cleveland Cavaliers ay nagkaroon naman ng 52.1, na may averaged na 34 points, 9.1 rebounds at 9 assists.
At para sa karagdagan pang perspective sa kahusayan ni Jokic ngayong playoffs, siya ang pangwalong player sa kasaysayan ng NBA na nagkaroon ng 50+ combined points, rebounds, at assists sa isang single playoff run.
Napabilang na siya kina Bill Russell na nagkaroon niyaon ng tatlo, si Wilt Chamberlain na nagkaroon ng dalawa, si LeBron James, Julius Erving, Kareem Abdul-Jabbar, Jerry West at Elgin Baylor, na tinatawag nila na The 50 Club, mga KaDribol.
At sa 50 Club na ito, tatlo lang sa kanila ang nagwagi ng kampeonato, at isa na rito ay si Bill Russell na kilala bilang greatest winner sa kasaysayan ng NBA, at si Wilt Chamberlain na nagkampeon taong 1967, at siya nga ang pangato ngayong 2023.
At ngayon, si Nikola Jokic ay napasama na sa elite two-man company, na pagpapatunay lamang na siya ang isa sa pinakamagaling na sentro sa game.
Ipinakikita rin dito na ang magkaroon ng ganoong stat line kada gabi ay hindi nangangahulugan na sigurado ka na sa isang kampeonato.
Kaya para maipanalo iyon ni Jokic, ipinapakita lang talaga nito kung gaano kagaling ang istilo ng kaniyang paglalaro upang maipanalo ang laban.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaDribol?
Comments
Post a Comment