Nikola Jokic nakagawa ng kasaysayan sa kaniyang pagiging NBA Finals MVP.



Nikola Jokic nakagawa ng kasaysayan sa kaniyang pagiging NBA Finals MVP.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong si Jamal Murray na naging emosyonal matapos na makuha na nila ang kampeonato. 

Ang manalo nga ng isang kampeonato sa NBA ay hindi madaling gawin, kahit na ba puno pa ng mga talentadong players ang iyong koponan, pero nagawa iyon ng Denver Nuggets, mga KaTop Sports.


Matapos ang 56 years ng existence ng kanilang prankisa, ngayon naabot na nila ang tagumpay, at naisara nila ang Finals sa score na 94-89 laban sa Miami Heat.

Kaya naman, matapos na tumunog ang final buzzer, ang buong team ay naging emosyonal, at isa na nga rito ay si Jamal Murray, na ngayon ay nahawakan na ang tropeo ng kampeonato.

Hindi naman kasi naging madali ang pinagdaanan ni Murray upang mapunta siya at ang Nuggets sa kinalalagyan nila ngayon, dahil siya nga ay nagkaroon ng isang injury sa tuhod, isang torn ACL


Na nagpatigil sa kanila mula April 2021 hanggang October 2022, at nangailangan pa siya ng ilang panahon upang makabalik sa dati niyang porma.

Umabot pa nga sa punto na pinagduduhan na ni Murray ang kaniyang sarili, na nag-iisip na baka itrade na lang siya ng Nuggets, matapos ng sunod-sunod na hindi magandang paglalaro niya, mga KaTop Sports.

Pero ginawa lahat ni Murray ang lahat ng paraan upang malagpasan ang nagawa sa kaniya ng injury, at ngayon nga, siya at ang Nuggets ang higit na nakinabang sa kaniyang pagpupursige.


Ang kaniyang naging emosyon ay bunga lamang ng kaniyang matinding pagsisikap na nagbunga ng maganda, at muli nga niyang hindi napigilang lumuha ng kausapin siya ni ESPN Lisa Salters patungkol sa naabot nilang tagumpay.

Dugo, pawis at luha raw ang pinuhunan nila upang makapunta lang sa kinalalagyan nila ngayon, at lahat daw ng kasama niya ay naniniwala sa kaniya, na naniniwala na makakabalik siya sa dati niyang sarili, at pinatunayan daw nila sa lahat ng nagdududa sa kanila na nagkamali silang lahat, ang sabi ni Murray.

Nagtapos si Murray sa NBA Finals na may averaged na 21.4 points, 6.2 rebounds at 10 assists, at naibigay niya ang kailangan ng Nuggets na opensa at playmaking na kasama si Nikola Jokic, mga KaTop Sports.


At dahil sa 26 years old pa lang itong si Murray, marami pang naghihintay sa kaniya ng kagaya ng naabot nila ngayon, pero sa ngayon, nanamnamin muna nila ang sarap ng tagumpay na nakuha nila, bago muling ihanda ang kanilang mga sarili para sa isa pa sa susunod na season.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?

At para naman sa kasaysayan na nagawa ni Nikola Jokic matapos na siya ay tanghaling Finals MVP.


Ang Denver Nuggets na nga ang 2023 NBA Champions at si Nikola Jokic naman ang itinanghal na NBA Finals MVP.

Nakuha ni Jokic ang parangal matapos na makumpleto niya ang isang dominanteng paglalaro laban sa Miami Heat sa Finals, at matapos na sila ay matalo sa Game 2, sinugurado na ni Jokic na hindi na muli mauulit pa iyon.

Nanalo ang Nuggets ng tatlong sunod-sunod upang isara na ang serye, at hindi na nga binigyan pa ng pagkakataon ang Heat na mapahaba pa ang serye, sa kabila ng pagpupursige ng Miami, mga KaTop Sports.


Si Jokic nga ang naging angkla ng opensa ng Nuggets at maging sa depensa, na hindi nga nahanapan ng Heat ng kasagutan upang siya ay mapigilan, na nagresulta upang siya ay makapuntos ng 28 points.

Nakakuha rin siya ng 16 rebounds at apat na assists, kaya naman, siya ay nakakuha ng 11 votes para sa isang unanimous NBA Finals MVP win.

Ang mas maganda pa rito, nakagawa siya ng kasaysayan, na siya ang nakakuha ng Finals MVP na nanggaling sa pinakamamabang draft pick, pang 41 pick overall taong 2014.


Na dating tangan ni Dennis Johnson na pang 29th pick, na nakatanggap din ng ganoong parangal, matapos na magkampeon ang Seattle SuperSonics taong 1979.

Siya rin siguro ang unang nanalo ng NBA Finals MVP matapos na madraft sa Taco Bell commercial, kaya ang istorya ni Jokic ay isa sa pinakamagandang istorya na nangyari sa NBA, mga KaTop Sports.

Sino ba naman kasi ang makakaisip na ang dating nakuha sa second round ng draft ay magiging isang mapanganib na pwersa sa NBA? at ang nakakatakot pa dito ay wala pa si Jokic sa rurok ng kaniyang career.


Kaya makatitiyak tayo na makikita pa natin itong si Jokic na makakakuha pa ng ilan pang kampeonato, MVP's at Finals MVP's.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.