Narito ang dalawang players na dapat kunin ng Heat sa free agency matapos na sila ay matalo sa Finals.



Sa ikalawang pagkakataon sa apat na taon, ang Miami Heat ay naging runner up na naman, pero hindi naman iyon dahil sa kakulangan nila na sumubok, mga KaTop Sports.


Katunayan, ang daan na dinaanan ng Heat patungo sa kanilang pagkatalo laban sa Denver Nuggets sa 2023 NBA Finals ay hindi ordinaryo at kung titignan, hindi naman talaga sila nakabuo ng isang malakas na koponan na maituturing.

Totoo, maganda ang nagawa nila sa kanilang mga draft picks kung saan nakuha nila sina Bam Adebayo at Tyler Herro na ngayon ay lumago na bilang mga All-Star players.

Maganda rin ang pagkakagamit nila sa kanilang free agency, kung saan nakuha nila sina Jimmy Butler at Kyle Lowry sa ibang koponan sa East na may ambisyon ding magkampeon.

Pero nagawa nila na makapagpasok pa ng makapag-aambag hangga't kaya nila mula sa mga players na hindi pinansin ng ibang 29 teams sa NBA, mga KaTop Sports.


Sina Max Strus, Gabe Vincent, Duncan Robinson at Caleb Martin ay pawang nagkaroon ng kanilang mga sandali sa 2023 NBA playoffs.

Gayun pa man, sina Strus at Vincent ay papasok na sa unrestricted free agency, at ang kanilang magiging kontrata ay mukhang hindi na kakayanin at magugustuhan ng Heat.

Dahil ang Heat ay over na sa projected luxury tax threshold, kaya ang papirmahin nila muli ang dalawa ay magpapabigat lang sa kanilang pinansiyal na gastusin.

At kahit na gano'n, ang developmental staff ng Heat ay tumitingin na ng mga magagaling sa NBA na pupwede nilang makuha, mga KaTop Sports.


Kaya kahit na ba na may potensiyal na mawala na sa kanila itong sina Strus at Vincent, may kakayahan naman ang Heat na makakuha ng magaling na kapalit nila sa free agency sa murang halaga.

At narito ang dalawang players na pupwedeng kunin ng Heat na posibleng makatulong pa rin sa kanila upang makuha na ang kampeonato sa susunod na season.

Una ay si Shake Milton.

Ang posibilidad na makuha si Shake Milton sa mababang halaga ay magbibigay sa mga koponan na gaya ng Heat ng pakiramdam ng pagmamadali na subukan na siya ay makuha at akitin naman sila ni Milton upang siya ay kunin nila.

.......

Hindi nga nakapagtapos ng maganda itong si Milton sa pagtatapos ng 2022-23 season, dahil siya ay naglaro na nasa likuran ng rotation nina James Harden, Tyrese Maxey at De'Anthony Melton ng Philadelphia 76ers, mga KaTop Sports.


Pero kapag siya ay pinaglaro ng maraming minuto, naipamamalas niya ang kaniyang kahusayan.

Nu'ng out si Harden dahil sa injury, siya ay halos nag-average ng 20 points per game na may solid na shooting splits.

Siya ay malikhain sa bola, at may kaunting pagkakahawig ng laro kay Jordan Clarkson, na nililito niya kung sinoman ang bumabantay sa kaniya dahil sa kaniyang mga galaw at bilis sa pagpapalit ng dereksiyon, at dahil doon, mas lalo siyang naging mapanganib na scorer.

Pwede nilang makuha si Milton sa halagang $7 million kada taon, 'di gaya ni Gabe Vincent na mayroong kontrata na mababa sa walong digits dahil sa kaniyang naiambag bilang isang 3 and D guard na nag-excell sa playoffs, mga KaTop Sports.


Samantalang si Milton ay walang reputasyon bilang magaling na defender, at wala rin siyang mahabang track record na kuminang siya sa isang malaking gampanin.

Gayun pa man, baka ang pagsama niya sa sikat na kultura ng Heat ay ang tanging kailangan pala niya upang siya ay sumibol.

Ikalawa ay si Yuta Watanabe.

Si Yuta Watanabe ay nag-emerged nga bilang isang nakakagulat na contributor nu'ng nasa Brooklyn Nets pa sina Kevin Durant at Kyrie Irving sa season ng 2022-23.

Naglaro siya ng may malaking role sa kaniyang career nang siya ay naging isang mapanganib na marksman sa tres, at naging malaking tulong kina Durant at Irving upang magkaroon ng spacing sa floor sa magandang pagsisimula nila sa season ng 2022-23, mga KaTop Sports.


Subali't kagaya ng kaniyang koponan na Nets, hindi rin naging maganda ang pagtatapos niya sa season.

Nahirapan siya na maibalik ang kaniyang magandang simula sa season, at kalaunan, nakita na niya ang sarili niya na nawala na sa rotation, dahil na rin sa naging crowded na ang wing position ng Nets, dahil nandoon na sina Mikal Bridges, Dorian Finney-Smith, Royce O'Neale at Cameron Johnson.

Kaya ngayon, si Watanabe ay magkakaroon na lamang ng mababang halaga sa free agency, at kakayanin na siyang makuha ng Heat kapag nagkataon.

Nakapagpakita naman na siya ng potensiyal na maging isang spot up shooter, mabilis din siya sa pag-atake sa mga closeouts, at sa taas niya na 6 foot 9, siya ay nakakapasok sa loob ng walang kahirap-hirap, mga KaTop Sports.


Mabilis din siyang gumalaw na tangan ang bola, at malaking tulong talaga siya sa mga plays ng Nets sa pagsisimula ng taon.

Ang kaniyang two-way potential bilang isang 3 and D wing, ay panigurado maglalaway ang Heat na makuha siya, lalo na kung hindi siya hihigit sa isang minimum deal.

Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.