Misteryosong post ni Jonathan Kuminga sa IG patungkol ba sa future niya sa Warriors?
Misteryosong post ni Jonathan Kuminga sa IG patungkol ba sa future niya sa Warriors?
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong naging reaksiyon ni Luka Doncic sa naging kampeonato ng Nuggets.
Naging masaya nga itong si Luka Doncic para sa Denver Nuggets matapos na matalo ng prankisa ng Colorado ang Miami Heat sa NBA Finals para sa titulo ng 2023, mga idol.
Marami nga siyang koneksiyon sa Nuggets, na magsisimula sa kapuwa niya European na star na si Nikola Jokic.
Naging kakampi rin niya ang forward ng Denver na si Vlatko Cancar sa Slovenian national team.
At sino ba ang makakalimot na naging kakampi niya rin noon si DeAndre Jordan sa Dallas Mavericks sa season ng 2018-19?
Ang 24 years old na superstar na si Luka ay ipinagdiwang ang naging panalo ng Nuggets sa pamamagitan ng mga serye ng post sa kaniyang Instagram story, mga idol.
Ibinahagi niya ang mga larawan nina Jokic, Cancar at Jordan, na binabati ang tatlo para sa kanilang kampeonato.
Naging mabuting magkaibigan na nga itong sina Luka Doncic at Nikola Jokic ng may katagalan na, at ang kanilang mga nakakatawang kalokohan kapag sila ay magkasama ay talaga namang idinudukomento sa online.
At dahil nga doon, hindi na nakakagulat pa kung si Luka ay isa sa naging masaya, nang mapanalunan ng Nuggets ang titulo.
At sa mga nag-iisip na baka i-consider ni Luka ang pagsapi sa Nuggets at maglaro na kasama si Jokic, kalabisan nang isipin pa natin iyon, mga idol.
Dahil nga si Luka ay nanatiling committed sa Mavs, sa kabila ng mga usap-usapan na baka gustuhin na niyang umalis na sa Dallas kapag patuloy pa rin silang mahirapan.
Ang naging panalo na ito ng Nuggets na umabot ng hanggang walong taon para kay Jokic na mapanalunan ang kampeonato ay maaari ring maging inspirasyon para kay Luka,
Sa kabila ng pareparehong pagtaas at pagbaba, nanatili silang matiyaga at naniwala sa proseso, na nagtapos sa isang Larry O'Brien Trophy.
Marahil ito rin ang magiging motivation ni Luka upang manatiling matiyaga at panatilihin ang kaniyang paniniwala sa Mavs sa kabila ng kanilang nakakadismayang kampanya.
Ano ang masasabi niyo rito?
At para naman sa misteryosong post ni Kuminga sa IG, kung ito ba ay tumutungkol sa kaniyang kinabukasan sa Warriors, mga idol.
Isang taon pa lang ang nakakalipas, ipinagdiwang ng Golden State Warriors ang kanilang ikaapat na kampeonato sa huling walong seasons.
Ngayon, may mga katanungan na dapat sagutin patungkol sa kanilang grupo sa pagpapatuloy nila at kung ang kanilang mga batang players na kagaya ni Jonathan Kuminga ay magiging kanilang assets sa mahabang panahon.
Nakuha siya ng Warriors sa unang round ng draft taong 2021, at siya ay nagpakita ng potensiyal sa magkabilang dulo ng court.
Isa siyang may mataas na antas na atleta, na maaring makapagpatuloy na magdevelop at maging isang mahalaga na pangalawang tagapag-ambag sa isang koponan, mga idol.
At ngayon siya ay papasok na sa pagtatapos ng kaniyang rookie deal at may mga usap-usapan na nga kung siya ba ay ititrade na ng Warriors o hindi pa.
Nakikita siya na nagwowork out sa gym, magbuhat na matalo ang Golden State sa playoffs, at ngayon nga ay mayroon siyang isang misteryosong post sa Instagram, na nagbigay isipin sa marami kung iyon ba ay patungkol sa kaniyang kinabukasan o hindi.
Walang may alam, baka ito ay isa lamang "motivational Tuesday" post para sa kaniya habang nasa kaniyang pagwowork out ngayong offseason, pero ang timing nito ay talaga namang interesting.
Habang wala naman itong kinalaman sa pagkapanalo ng Denver Nuggets nu'ng Martes, ang ideya na sinasabi niya patungkol sa kahinaan ay nakakapukaw pansin talaga, dahil ikinabit niya ito sa isang proseso ng pagpapagaling sa buhay, mga idol.
Ang tinutukoy kaya niya rito ay ang patungkol sa pagkatalo ng Warriors sa postseason at naghahanda lamang siya para sa susunod na season?
O, ito ay pagtugon sa panahon niya sa Golden State na malapit nang magtapos, at siya, bilang bukas sa kahinaan na ipinipresinta ang kaniyang sarili sa offseason?
Dapat siguro ay h'wag nang magbabasa pa ang mga Warriors fans ng mga post ni Kuminga, dahil binanggit na nga ng Warriors ng ilang beses na tinitignan nila si Kuminga na magiging isang malaking parte ng kanilang kinabukasan.
Palaging mayroong pagkakataon ang Warriors na alisin na siya sa kanila, pero ngayon, siya pa rin naman ay miyembro pa rin ng kanilang koponan at siya nga ngayon ay naghahanda na sa maaring kaniyang pinakamalaking ikatlong season sa NBA.
Ano ang masasabi niyo rito, mga idol?
Comments
Post a Comment