Miami Heat nakafocus na sa pagkuha kay Damian Lillard matapos na ma-trade na si Bradley Beal sa Phoenix Suns.
Miami Heat nakafocus na sa pagkuha kay Damian Lillard matapos na ma-trade na si Bradley Beal sa Phoenix Suns.
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin itong dahilan kung bakit masaya pa rin itong si Chris Paul sa kabila na siya ay itinrade na ng Phoenix Suns.
Isang era na nga ang nagtapos ngayon sa Phoenix Suns matapos na sila ay magpaalam na sa kanilang star point guard na si Chris Paul, mga KaTop Sports.
Ipinadala na ng Suns si Paul sa Washington Wizards bilang parte ng isang blockbuster deal na nagdala naman kay Bradley Beal patungo sa Suns, kung saan sila ay nakabuo ng makabagong Big 3 sa katauhan nina Bradley Beal, Kevin Durant at Devin Booker.
Si Paul nga ang isinakripisyo ng Suns upang makuha lamang nila si Beal, na may ilan nga sa mga fans ang nalungkot dahil sa pagtanggal sa kaniya ng Suns.
Pero mukhang hindi naman magiging malungkot sa trade na ito si Paul, dahil siya ay nagkaroon ng $10 million na extra guaranteed salary dahil sa trade na iyon.
Hindi biro ang halaga ng $10 million, at ito ang magiging dahilan siguro kung bakit magiging masaya pa rin itong si Paul sa kabila na siya ay ipinamigay na ng Suns, mga KaTop Sports.
At may balita rin na baka i-waive lang ng Wizards ang kontrata ni Paul, at kapag nangyari iyon, mababayaran pa rin naman siya sa halagang meron siya ngayon, at makakapamili pa siya kung saang koponan niya gustong maglaro, kapag siya ay free agent na.
Pumirma kaya siya uli sa Suns kapag nangyari 'yon, mga KaTop Sports.? Pwedeng Oo, pwedeng hindi, hindi natin masasabi.
Pero marami pa rin naman siguro ang may gustong kumuha sa kaniya kung sakali man, at isa na nga rito ay ang Los Angeles Lakers na nakabantay sa kung ano ang magiging kalagayan niya.
At para naman sa pagtutok ng Heat kay Damian Lillard matapos na mai-trade na itong si Bradley Beal sa Suns, mga KaTop Sports.
Isa nga sa top destination na mapuntahan ni Bradley Beal ay ang Miami Heat, subali't nagwakas na ito ng si Beal ay inanunsiyo na, na sa Phoenix Suns siya nai-trade.
Kaya naman ngayon, ibinaling na ng Heat ang kanilang focus sa pagkuha kay Damian Lillard, na naniniwala na baka ito na ang offseason na kailangan na talaga ni Lillard ng pagbabago.
Napabalita rin naman na magiging masaya rin sana si Beal kung sa Miami siya napunta, kaya gumawa ng offer ang Heat sa Washington Wizards, subali't mas naging agresibo ang Suns sa kagustuhan nilang makuha si Beal.
May balita rin na lumabas na ang Portland Trail Blazers ay susubok muli na makabuo ng isang malakas na team ngayong offseason sa paligid ni Damian Lillard upang magkaroon na sila ng laban, mga KaTop Sports.
At sa ngayon nga ay wala pang nangyayari na paghiling itong si Lillard sa Blazers ng isang trade, kahit na ba na nakaabang na doon itong Miami Heat.
Pero maigting pa rin ang paniniwala ng Heat na ito na ang taon na gugustuhin na ni Lillard na umalis na sa Portland.
Kaya kaabang-abang na nga ang magiging desisyon ngayon ni Lillard, kung siya ba ay hihiling na ng isang trade, at kung ang Miami Heat ang isa sa top destinations niya, gugustuhin niya rin siguro na mapunta sa Miami.
Lalo na at kagagaling lang ng Heat sa NBA Finals, at magkakaroon pa siya ng running mate sa katauhan ni Jimmy Butler, mga KaTop Sports.
At ipadadala naman siguro ng Trail Blazers itong si Lillard sa koponan na ibig niyang mapuntahan, kung sakaling magpa-trade na siya, dahil naging loyal naman siya sa organisasyon ng Portland buong career niya.
Comments
Post a Comment